Chapter 37

207 11 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas bago umuwi si Borns napansin ko ang pamamayat nito may mga sugat sa mukha at mukhang lasing na naman. Tumama siya sa upuan at bumagsak sa sahig binaba ko muna ang baby ko sa crib at dinaluhan si Borns na kasalukuyang sumusuka sa sahig.

"Bakla! Ano bang nangyayari sayo!"

"Bakla! Pasensya na talaga dalahin mo na lang ako sa aking kwarto antok na antok na ako."

"Sabihin mo muna sa akin ano bang nangyayari sayo may problema kaba?"

"Wala! Please pakidala na lang ako"

Akay akay na dinala ko naman siya sa kaniyang kwarto agad siyang humiga sa kama at natulog.

Bumaba ako sa hagdan at nakita kong kalong ni Allenon si Baby Leavhon.

"Oh nakarating kana pala sabay na tayo kumain" Galing kasi siya sa kaniyang bar. Hinalikan niya sa pisngi si baby at ibinalik sa crib.

Umupo kami sa upuan at kumain sa dinner table.

"Nga pala Allenon bumalik na si Borns kasi lasing eh pakiramdam ko talaga may problema yung Borns na yun ayaw naman niya sabihin sa akin" kwento ko habang kami ay nagsisimula ng kumain ng luto kong sinigang.

"Hm intayin mo lang magsasabi din sayo yun hindi pa siguro siya handa pero pwede bang dito na muna ako sainyo tumira? Hinahanap hanap ko kasi si Baby eh"

"Sure" I smiled to him and he smiled back.

3 months later
Pag galaw ng baby ko ang nagpagising sa akin panay ang kawag nito ganon niya ako kung gisingin sinisipa ako.

"GoodMorning baby!" At hinalikan ito sa pisngi "Tara dun na tayo sa baba papahangin.

Medyo makulit na ang baby ko nakikipagdaldalan nadin ito akala mo naman ay kaya ng magsalita napakadaldal. Mas lomolobo nadin ang kaniyang mga pisngi hiyang sa aking pag bebreastfeed.

Umuwi narin si Allenon nung nakaraang Linggo dahil pinapauwi na siya ng kaniyang parents. Kailangan niya rin kasi pumunta ng Korea dahil sa business nila doon.

Kalong kalong ko ang baby pababa. Wala na si Borns nasa bar na siya ulit. Hindi na siya lasing kung umuwi pero palagi padin mag bangas ang mukha at mga pasa sa mukha.

"Higa ka lang muna dito baby ah magbabake si Mommy ng cake mo!"

Ngayong araw kasing August 13 ay 3 months na si Baby Liam Leavhon kaya magbabake ako ng cake nakabili nadin ako kahapon ng mga ingredients kaya nakahanda na ngayon lahat.

Nilapit ko sa kusina ang crib ni baby para nakikita ko padin siya kahit nagbabake ako. Panay ang laro nito sa kaniyang mga natunog na laruan.

Inumpisahan ko ang mga pagmimix ng mga dry to liquid ingredients at naghintay lang ako ng ilang oras ay natapos din ako sa paggagawa ng cake. Natapos narin ako magluto ng mga kaonting handa dahil papunta si Kennedy.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto at magkasabay na pumunta si Allenon Kennedy at Luka. Patakbo agad silang lumapit kay Liam.

"Hi Baby Liam Leavhon Ninang Pretty is here!" Ani ni Luka sabay kalong kay Baby

"Hello baby eto gift ni ninong!"

Nakatingin lang sa kanila si Baby at kung minsan ay nagpapacute at smile pa sa kanila.

"Nakakagigil ang tabachoy na ni Liam bakla! Sarap kagatin!"

"Ay grabe ka Kennedy Hahaha"

Nagpicture picture pa si Baby Liam sa mga cake niya at handa at nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. Maya maya lang ay Dumating nadin si Borns at nakisalo nadin sa amin.

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon