Chapter 32

232 11 2
                                    

Sa parking pa lang halata mo ng private at exclusive ang bar na ito. Matindi ang security. Kailangan mo pa magparegister bago ka makakuha ng card sa online. Puro mga Class at VVIP ang mga customer ni Allenon.

Hindi nakasama sa amin si Borns busy din kasi siya sa Bar niya. Yes may salon at bar na si Borns ayun din ang dahilan kung paano niya nabili ang bahay namin.

Sikat na kasi ang banda nila Allenon. Nakaya niya na din magpagawa ng sariling bar anak mayaman din kasi.

"Card please?" Tanong sa amin ng guard.
Napalingon ito ng tumunog ang telepono sa kaniyang tabi at sinagot ito. Ngumiti ito sa amin "Kayo pala ang guest ni Sir Allenon Pasok po Enjoy!"

"Salamat"

Ng makapagpark na kami ay sabay sabay kaming pumasok. Sobrang laki ng bar ni Allenon dito pa lamang sa labas lalo na siguro sa loob.

Pumasok kami sa loob lumapit sa amin ang isang babae.

"Kayo po ung guest ni Sir Allenon di ba po? Agad naman kaming tumango "This way po sa 3rd Floor po tayo.

Sumakay kami sa Elevator ng tumunog na hudyat iyon na nasa 3rd floor na kami.

Nakita namin si Allenon pati ang mga kabanda niya na nasa isang table. Ng makita kami nito ay ngumiti ito at kumaway sa amin.

Lumapit naman kami sakaniya at nakiupo sa table nila pang 10 tao.

"Ang shala naman ng bar mo! Fafa Allenon ."

"Hahaha thankyou!"

"Hi Kennedy tara dito ka sa tabi ko!" Yaya ni Arieze ang sikat na drummer ng Pain Band kay Kennedy."

"Hello Arieze let's have some drink?

"Sure!"

Agad din namang naghanap ng kachikkahan si Luka. Kausap niya ang ibang ka banda ni Allenon.

"Juice para sayo buntis!"

Kinuha ko ang inabot na juice ni Allenon
"Salamat! Grabe ganda ng bar mo tsaka mukhang bigtime pa ang mga customer mo"

"Mga pili talaga ang pinapayagan kong pumasok sa bar ko ayoko ng mga low class iba kasi ang ugali nila pag nalalasing ayoko naman mabasag ang mga mahal na materyales na ginamit sa pag gawa nitong bar ko"

"Wow ang yabang ah! Hahaha" tumingin ako sa baba kita kasi ang 1st and 2nd Floor sa pinupwestuhan namin puro glass din kasi ang buong paligid.

Iba iba ang nakikita kong ganap sa baba may mga lasing na naglalandian nagmamakeout at Catfight ng mga Richkid hahaha.

"Ang ganda mo!"

Napatingin ako sa sinabi ni Allenon.
"Hahaha mambobola"

"Hahaha totoo! Kaya nga mahal kita eh!"

"Minsan naiisip ko kung ikaw ba ang pinili kong mahalin hindi mo ako iiwan? Hindi mo ako sasaktan? Kahit na niloko kita?"

"Hindi kita iiwan? Syempre naman kaya nga hangang ngayon nasa tabi mo padin ako eh. Ganon kita kamahal na kahit saktan mo ako niloko mo ako Mahal padin kita. Di bale ng ako yung masaktan huwag lang ikaw. Masaket na makitang nasasaktan ka ng dahil sa kaniya Yung ako yung nandito sa tabi mo pero siya padin talaga ang hanap mo."

"Sorry kung nasasaktan kita. Huwag na kasi ako ang mahalin mo ayoko ng makasakit Allenon."

Naglakad ako papunta sa terrace ng bar ni Allenon sumunod naman siya

"Hindi ko mapipigilan ang puso ko Everleaigh. Martir na kung martir handa akong masaktan kasi mahal kita. Lahat ng nagmamahal nasasaktan."

"Pero hindi lahat ng Nagmamahal Allenon deserve na masaktan! Kasi kung sobrang sakit na pwede namang tama na? Nakakapagod yung palagi ka nalang nasasaktan, sinasaktan ng taong wala ka namang ibang ginawa kundi ang mahalin siya."

"Alam mo matalino naman ako eh! Nakakaintindi naman ako. Pero bakit hindi ko maintindihan na hindi mo na ako mahal? Bakit ang tanga ko pagdating sayo?"

"Dahil pagmamahal gagawin kang Tanga. Bakit nga ba tayo kumakapit sa taong binitawan na tayo? Bakit minamahal pa natin yung taong hindi tayo kayang mahalin? Kasi Mahal natin sila! Handa tayong magpakatanga at masaktan
Nasasaktan ako kasi nasasaktan kita! Mahalaga ka sa akin Allenon! Pero anong magagawa ko? Siya padin ang mahal ko."

"Handa akong maging rebound mo ulit please. Okay lang kahit iwan mo ako pag bumalik na siya handa akong masaktan! Basta mapasa aki-n ka la-ng" nagsimula ng mamuo at tumulo ang luha sa mata ni Allenon.

"Al-lenon? Huwag kang ganyan ple-ase" hangang sa naiyak nadin ako kahinaan kong makakita ng lalaki na umiiyak ng dahil sa akin.

Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan naapyasan lamang ang paa ko dahil nasa may banda bubong naman ako. Pero si Allenon ay basang basa na ng ulan dahil nasa pinakadulo siya

"Sa-na ma-pag bigyan mo ako.
Maghi-hin-tay ako Everleaigh! Ga-non kita Kama-hal"

I moved him closer to me and hugged him tightly. I could feel the pain he was feeling.

"Hush! Stop crying Everleaigh baka makasama kay baby yan. this is not your fault. Ako ang may kasalanan hindi mo kasalanan na mahalin kita ng sobra."
he wiped tears from my eyes and I did the same for him.

I don't mind if I get wet because I hug him.
I want him to feel that I'm here always by his side.

Ng bumalik na kami sa loob inabutan ng bathrobe at towel si Allenon ng staff.

"Halika manood ka muna ng TV sa kwarto ko dito sa bar maliligo lang ako sandali at ihahatid nadin kita pauwi mukhang antok kana din eh tsaka sa tingin ko magpapalate pa sila ng uwi"

"Okay"

Pumasok kami sa isang pinto dito sa 3rd floor umupo ako sa kama at dumaretso naman siya sa banyo para maligo. Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV at nanood ng cartoons.

Ng makaligo siya ay lumabas na kami at nagpaalam sa mga kaibigan namin.

Ng nasa tapat na kami ng bahay ay bumaba na ako.

"Salamat sa paghatid Allenon Goodnight Ingat."

"Magingat ka din palagi. Bukas ipapadala ko ang card niyo. Para anytime pwede kayo pumunta sa bar ko. Basta lagi mong tandaan maghihintay ako." He came closer to me and kissed me on the forehead.

Lumapit at pumasok na ako sa aming gate at nilock ito. Kumaway ako sa kaniya bago ako tuluyang pumasok sa bahay at nilock ang pinto.

Nagulat ako sa aking nakita. Nakahiga na sa lapag si Borns at lasing na lasing. Agad akong lumapit sa kaniya

"Borns ano bang nangyayari sayo may problema kaba? Sabihin mo sa akin!"

"Wala bakla okay lang ako."

"Mukha bang okay yang itsura mo? Nako ha! Halika ihahatid kita sa kwarto mo!" Inalalayan ko naman siya papunta sa kwarto niya at tinulak ko siya sa kaniyang kama. Kumuha ako ng palangana at bimpo at sinimulang punasan ang baklang Borns.

"Huwag mo akong susukahan ah! Nako masasapak kita!" Habang pinapalitan ko siya ng preskong pangtulog niya.

Ng matapos ko ng maasikaso si Borns pumunta na ako sa kabilang kwarto at
Naglinis ng katawan at kinausap ang baby ko sa tiyan hangang sa ako ay makatulog.

To be Continued...

(C) Till My Heartaches End cover by Justin Vasquez

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon