Chapter 45

225 10 3
                                    

Nagising ako ng may mga kamay na humihimas sa aking buhok. Dahan dahan ko minulat ang maga kong mata na naging singit dahil sa pagiyak ko kagabi.

"What happened?"

"I saw him again"

"Who?"

"Si Lucas totoo pala yung sinasabi ni Liam na nandito ang daddy niya bumalik nito pero paano niya nalaman ang mukha ni Lucas? Eh hindi ko naman pinapakita sakaniya iyon"

"Ako ang nagpakita ng litrato ni Lucas kay Leavhon"

"Pero bakit pa Allenon? Bakit mo ginawa iyon?"

"Naawa na kasi ako kay Liam kinukulit ako kung ano ba itsura ng tatay niya. Minsan nga naiisip ko hindi ba ako naging mabuting ama sakaniya para hanapin niya pa sa akin yung tunay niyang ama"

"Hindi totoo yan mahal mo ang anak ko kahit hindi siya nangaling sayo"

"I know tsaka may karapatan si Liam na makilala ang Ama niya."

"Wala ng karapatan pa si Lucas kay Liam simula ng iniwan niya kami"

"Pero wala siyang alam Leaigh! Hindi niya alam na nabuntis ka niya"

"Kasi Umalis siya! Iniwan niya ako! Kasalanan ko ang lahat pero sana kinausap niya ako. Asan si Liam?"

"Nasa baba nanonood ng tv sige maligo kana intayin ka namin sa baba"

Dumaretso ako sa banyo upang maligo at magbihis bumaba ako sa hagdan at tumabi sa anak ko na busy kakapanood ng Tv.

Yumakap ito sa akin at humalik sa aking pisngi

"Mommy I'm bowed na punta tayo mall!"

"Hm pagiisipan ni mommy baka mawala ka na naman eh" at kunwari akong nagiisip habang nakaabang naman ang anak ko.

"Tara mag mall tayo kailangan ko din bumili ng ingredients para sa Sinigang ko"

Umakyat ako sa taas para magbihis at pagkatapos ko ay si Leavhon naman ang binihisan ko bumaba kami at sumakay sa kotse ni Allenon at dumaretso kami sa Mall.

Una kaming pumunta sa supermarket at bumili ng mga kailangan dahil mauubos na din ang aming stocks.

"Mommy kukuha lang ako ng milo" sabay tumakbo ito.

"Liam!" Kinabahan ako dahil baka mawala na naman ito.

"Mommy I'm here na" Nilagay nito ang Milo sa pushcart.

"Next time huwag kang aalis bigla ah wait mo si mommy baka mawala ka na naman"

"Opo sowwy!"

"Okay na tara magbayad na tayo at ng masimulan ko na ang pagluluto" yakag ni Allenon

Pumila kami sa cashier at ng matapos ay nagsimula na kaming maglakad.
Hawak ko ang kamay ni Leavhon ng bigla itong bumitaw at tumakbo.

"DADDY!!" Malakas na sigaw nito sabay yakap sa kasalubong naming si Lucas.

Nagulat ako dahil sa laki ng mall na ito bakit ko pa kailangan siyang makita at ang masakit may kasama siyang iba.
Bitbit niya ang mga shoppin bag na sa tingin ko ay pag aari ni Nathalian Scott ang anak ng Presidente ng USA.

Yumakap naman pabalik si Lucas at ngumiti ng malaki kay Liam. At tumingin ng nagtataka sa akin.

Lumapit ako sa aking anak at binuhat ito.

"Put me down mommy! I want my daddy! Daddy daddy You'we my daddy!" Tawag nito sa ama habang pilit na nagpapakalong dito pero dare daretso lang ako naglakad habang kapit ito.

Masakit na makitang ganito ang anak ko ayoko man dumating ang araw na ito pero pilit parin talagang mangyayari ang mga kinakatakutan ko.

Tumakbo ako hangang sa makarating ako sa Parking kung saan nakapark ang kotse ni Allenon.

"Umalis na tayo agad Allenon bilis!"

Patuloy parin sa pagiyak si Liam nawala ang pagkakalong ko dito ng kuhanin ito sa akin ni Lucas na sumunod pala sa amin.

Nagkatinginan ang mag ama at yumakap ang anak ko kay Lucas.

"Anak ko ba siya? Sabihin mo saken Everleaigh! Huwag ka ng magsinungaling pa dahil kamukhang kamukha ko siya!"
Habang nagsisimula ng tumulo ang luha sa mga mata ni Lucas

"OO LUCAS! PERO WALA KA NG KARAPATAN KAYA AKIN NA ANG ANAK KO!"

"ANAK KO DIN SIYA EVERLEAIGH!"

"NAWALAN KA NA NG KARAPATAN SAKANIYA SIMULA NG IWAN MO KAMI!"

"PERO HINDI KO ALAM EVERLEAIGH!"

"AKIN NA ANG ANAK KO AT HUWAG KA NG MAGPAPAKITA SA AMIN!" Pilit kong Kinuha ang anak ko kay Lucas at mabilis na sumakay sa kotse ni Allenon.

Ng umandar na ang aming sinasakyan ay tumayo si Liam sa upuan ng kotse at tumingin sa likod.

"Daddy!!" Pilit nitong inaabot si Lucas kahit may salamin na kaharang

Hinabol pa kami ni Lucas pero binilisan na ni Allenon ang pagpapatakbo ng sasakyan

"Daddy! I want my daddy please" niyakap ko ang anak ko na patuloy padin sa pag iyak

"I'm sorry baby"

Nakatulog sa kakaiyak si Liam hindi ko ito iniwan hangang sa ako na din ay makatulog.

"Everleaigh! Gumising ka bilis"

"Bakit?"

"Si Lucas nasa labas nagpupumilit pumasok!"

Lumabas ako sa kwarto at mabilis na lumabas sa gate at hinarap si Lucas

"Everleaigh! Papasukin mo ako please! Gusto kong makita ang anak natin"

"Tigilan mo na kami Lucas! Okay na kami ng wala ka! Wala ka ng karapatan pa kay Liam!"

"Meron! Ako ang ama niya nakalimutan mo na ba?"

"Nakalimutan mo din ba na limang taon kang wala? Limang tao kaming nabuhay ng wala ka! Wala ka nung naglilihi ako wala ka nung nanganak ako wala ka nung panahon na may sakit si Leavhon at naconfine na halos hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa ospital! Pambayad sa Kuryente at tubig dahil nagkasabay sabay lahat ng problema! Mabuti na lamang andiyan ang mga kaibigan ko! Tapos ikaw ano wala di ba? Kasi nagpapakasaya ka sa US habang kami dito ng anak mo nahihirapan!"

"I'm sorry wala akong kwentang ama kung nalaman ko lang sana babalik agad ako para sayo at sa anak ko"

"Pero huli na ang lahat Lucas hayaan mo na kami Iwan mo nalang kami ulit"

Papasok na sana ako sa loob ng pigilan ako ni Lucas.

"Please hayaan mo sana akong makasama ang anak natin. Limang taon ko siyang hindi nakasama. Na sana nakita ko siyang pinanganak nagsisimulang mag aral sa paglalakad at ang kaniya unang salita."

Masakit marinig ang mga salitang binibitawan niya.

"Umalis ka na Lucas..."

Mabilis akong pumasok sa gate at nilock ito umakyat ako sa kwarto at niyakap ang anak kong natutulog.

"I'm so sorry baby natatakot lang ako na baka pag sobrang napamahal ka na sa daddy mo ay iwan ka din niya"

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon