Kasalukuyan akong naghanda para sa gaganaping Baby Shower and Gender Reveal para sa baby ko. Na plano at gusto ng mga bakla. Sagot naman nila ang lahat kaya walang problema sa akin.
Nagimbita kami ng mga malalapit na kaibigan namin kaya sure na mapupuno ang venue.
Sumakay na ako sa sasakyan ni Allenon pupunta na kasi kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang party. Mga ilang oras lang ang aming biniyahe at narating narin namin ni Allenon ang Solaire. Talagang galante si Kennedy At Luka na naghati pa talaga para sa Baby Shower at Gender Reveal ng baby ko. Nung una hindi talaga ako pumayag dahil sigurado akong mahal talaga ito. Pero wala na akong nagawa dahil nagtext sila sa akin kanina na nakahanda na ito at ako nalamang ang hiniintay.
Ng kami ay makapasok na sa loob ng Solaire lumapit sa aming ang isang ngiting ngiting babae.
"GoodAfternoon maam this way please" sabi ng isang babae siguro tauhan ito sa Solaire.Nakasara ang galante at malaking pinto ng dumating ako at bumukas din ito mayamaya lang. Nagpaputok ng blue and pink confetti pagpasok ko. Labis ang tuwa na aking naramdaman dahil kumpleto talaga ang aking mga kaibigan. Na kahit hindi ko sabihin sa kanila kung sino ang ama ng aking ama nanatili padin silang nakasupporta sa akin.
Natuwa rin ako sa mga nakikita kong design. Natanaw ko si Luka at Kennedy at lumapit sa mga ito at nagpasalamat pati narin kay Allenon at Borns.
Pinaupo ako sa isang magandang upuan na nahahati ng dalawang kulay ang blue at pink na theme din ng Baby shower at Gender Reveal. Pinakain muna namin ang bisita at mamaya kakain din ulit ganon kabongga dito.
Inuna namin ang baby shower. Iba't ibang gamit ng baby ang natangap ko galing sa mga kaibigan ko malimit puro white dahil ngayon pa nga lang nila mamalalaman ang Gender.
Nagkaroon din ng mga Funny Games na lalong nagpasaya sa party. Tulad ng baby bottle na may lamang beer at paunahang makaubos ang mga boys.
Kahit saan ako tumingin ay may nagvideo record at picture ng party. Talaga pinaghandaan ng mga bakla.
At ng malapit ng matapos ang party sinimulan na ang Gender Reveal.
Nagkaroon kami ng botohan at may prize ang makakahula ng tama.May isang cake sa lamesa si Allenon ang nagpagawa non dahil siya at ako pa lamang ang nakakaalam ng gender ni Baby. Hinati ko ang cake at lumabas ang kulay blue sa loob nito nagsigawan ang lahat at nagpalakpakan.
"CONGRATULATIONS SOON TO BE MOM!!!" Sabay sabay na sigaw nila na agad namang nagpangiti sa akin.
Bago mag uwian ang iba ay namigay pa talaga ng mga souvenier sila Kennedy at Luka tumulong nadin si Allenon at Borns mahal ko talaga ang mga supportive friends ko at talaga pinaghandaan talaga nila ito.
Nagkaroon pa muli ng kainan at kaonting party at inuman para sa mga gusto pang magchill Araw ng Sabado ang piniling araw ni Luka at Kennedy na gawin ang Baby Shower and Gender Reveal para daw okay lang kahit magpuyat dahil wala namang pasok ng bukas dahil Linggo.
Pangalawang Lunes ng Buwan ng Marso Kakatapos lang namin i defense ang aming thesis kaming tatlo nila Kennedy at Luka ang magkagroup talagang pinagaralan at pinaghandaan namin iyon dahil iyon ang isang ticket para makagraduate.
"OhMyGosh! Mga bakla! Nangangamoy Graduation na! Tentenennen tenen tenenen" ani ni Luka sabay kanta ng Graduation March song.
"Gusto ko tuloy kumain sa labas! Tara treat ko!" Ani ni Kennedy
"May pasok ako mamaya sa Shop eh hindi ako makakasama"
"Edi sa shop tayo kakain di ba may pang dinner naman don?"
"Oo meron na!" Nag evolve na sa Restaurant Coffee shop ang pinagtatrabahuhan ko sikat na sikat nadin kasi ito
"Edi problem solve dun tayo!
Nag convoy nalang si Kennedy sa kotse ni Luka hindi kasi pwedeng iwan ang kotse niya sa school kay Luka ako sumakay wala trip ko lang.
Ng makarating kami sa Shop sinimulan ko ng magtrabaho nagsabi ako sa boss ko na maguundertime ako dahil nga kakain kami nila Luka pumayag namin ito. Ng matapos ay nagpalit na ako ng damit at tumabi sa dalawa.
"Buti hindi ganon kahirap ang work mo dito sis! Cashier lang tas may upuan ka pa sa iba walang ganyan!" Ani ni Kennedy
"Oo mabait naman kasi ang boss ko tsaka Loyal narin ako sa shop na ito."
"Ano ng balak mo? Hindi ka pa nakakabili ng gamit ni baby di ba? Yung mga kailangan na talaga! 2 buwan nalang lalabas na yan! Tara shopping bukas! Puro blue bibilhin natin lalo na't sure na tayo sa gender niyan! Pwera nalang kung gusto niyan gumaya sa Poging Magandang Ninga niya!" Ani ni Luka sabay kindat
"Huwag ka naman ganiyan bakla! Hindi naman sa ayaw ko sa bakla. Pero gusto ko talaga ng baby boy noon pa man hihi"
"Oh ikaw baklang Kennedy! Awkward padin kayo ni Fafa Allenon?" Mukhang si Kennedy ang hot seat ngayon.
"Syempre awkward padin pero gusto kong magkaayos kami"
"Ay sauwseee!! Gusto mo rin mapalapit dahil inlababo ka padin!"
"Magtigil ka bakla! Oo inlababo padin pero nagmomoveOn na mukhang patay na patay padin siya dito kay Everleaigh eh! I hate you na buntis! Charr hahahaha!"
"Hahaha gaga!"
"Pero hindi na ganon kalalim ang pagkagusto ko kay Allenon Remember Arieze? Yung drummer nila? Niyaya akong magdate bukas!."
"Ay sheytss!! Yung pogi! Ayy pogi nga pala silang lahat swerte mo naman girl! Pasabunot nga!" Ani ni Luka sabay sabunot ng marahan sa buhok ni Kennedy
"Ouch! Naman! BAKLA!" Asar ni Kennedy dito.
"Excuse me!!! Bakla naman talaga ako! HAHAHA"
"Nga pala kasama satin sa Allenon bukas okay lang ba? Nung nakaraan pa kasi ako niyaya nun na bumili kami eh nagyakag din kayo kaya sama sama nalang tayo." Singit ko sa dalawa baka kasi magbugbugan na sila
"No problem sis Maganda yung napapaligiran tayo ng mga gwapo si Bebe Borns ba sasama?!!"
"Di ko sure pag wala siguro siyang work"
"Excited na ako wahhh Parang gusto ko bilihin lahat ng gamit don na pang baby boy!!" Napatingin kami kay Kennedy ng bigla itong sumigaw.
"Grabe ka naman Kennedy huwag mo solohin may pambayad din ako bibilihan ko din ang inaanak ko!"
Hangang sa wala na namang katapusang nagtalo ang dalawa sa kanilang yaman.
Ng matapos kami kumain at magkwentuhan nagpaalam na ako sa aking boss at sa mga kasamahan ko at hinatid ako ni Kennedy pauwe dahil malapit lang din naman ang kanilang village sa amin.
To be Continued...
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and VoteLike my page (Lexandra_togepi)
https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks
Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepiThankyouuu😘😘
Love,
LexAndrA_Togepi
BINABASA MO ANG
ILSeries 1: I Love My Two Boyfriends -COMPLETED-
RomansIs it wrong to love two people? Is it my fault that I love them both? but whatever others say even when others think it is wrong I will fight for my love because I love my two boyfriends (Tagalog talaga to guys hehe) I'm Everlaeigh Smith and this is...