PANIMULA

530 15 0
                                    

DISCLAIMER:

THIS IS A WORK OF FICTION. Names, characters, business, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

DO NOT COPY, CITE, DISTRIBUTE, ETC. WITHOUT THE PERMISSION OF THE AUTHOR.

✏✏✏

Naranasan mo na bang mabagot sa buhay? Yung tipong wala ka talagang magawa kahit na ano, yung tipong ayaw umayon ng katawan mo sa mga bagay bagay. Masasabi ko talagang napakahirap noon. Pero wala ka talagang magagawa kun'di umayon nalang sa desisyon ng katawan mo.

Naranasan mo na din bang maguluhan? Oo, maguluhan sa lahat ng bagay. Decision making, lalo na't under nito ang pagkakaibigan, family, love, at pag aaral. I bet, mapapasuko ka nalang sa mga dagok na maaari mong tahakin lalo na kung katulad ko, ikaw ay mahina at walang lakas ng loob para lumaban.

Ako nga pala si Sabrianna D. Contreras, some of my relatives call me Sabby but I most preferred to call me Brianna. I'm 15 years old. May mahabang buhok na unat ngunit and dulo'y tila isang spring na nakakulot.

Maraming nakapagsasabi na para akong isang modelo. Dahil sa angking taas na 5'6 ft. May kutis mayaman at maputing balat. Ang labi ay may katamtamang laki. Mala-rosas ang pula nito. Magandang pilik mata't kilay na namana ko sa aking ina. May ilong na perpekto ang pagkakagawa mula naman sa aking ama. Ako rin ay mahilig sumulat ng tula. Hindi ako si Fidel, ngunit minsa'y makata.

I'm from California. Sounds great? Sorry but it's just a street. Hayz. Yep, from California St. San Francisco Sub.

"Brianna! Brianna! Brianna!", dagundong ng napakalakas na boses na sumisingit sa kaibuturan ng aking kalamnan.

Ayst! Sino nga ba iyon! Edi walang iba kun'di si Thasia! Siya si Athasia Mariano. One of my bestest friend. 15 years old din sya. But, mas bata sakin ng buwan. Kung maririnig nyo naman talaga, daig niya pa ang sirena ng mobile ng mga pulis sa sobrang tinis at palahaw nitong boses.

"Brianna! Get up! Let's hang out!", pambubulabog sa akin ni Thasia.

What the- My goodness. Talagang mapapafacepalm ka nalang sa pambubulabog niya. It's been 7 in the morning. By the way, I love my room dahil sa napakagandang ambience nito. White is my room color and a collection of Mickey Mouse is the most attractive in my room. A soft sofa, a red carpet, a 55 inches Smart TV, a moon lampshade. Bakit nga ba moon? I don't know, I'm just too obsessed of it. Also, I believe in saying "Love the moon, because it always comes back". Ewan ba, masyado akong naoobsessed sa celestial bodies. My walking closet is at my upper left, while my comfort room is at my upper side of my right. A wide, big, clear sliding door is also at my left side with a blinds. That's the perfect place to chill. Bedtime ko pa din dahil sa pagkapagod at pagkapuyat sa pagwawattpad ko kagabi. Yes, still summer. Pero nalalapit na naman ang pasukan. 2 months nalang.

"Argh! Thasia! Please, I need to sleep! Bukas nalang!", pagmamaktol ko at niyakap ko nalang ulit ang unan at inayos sa aking katawan ang comforter.

Hindi basta basta pumapasok si Thasia sa aking kwarto, kaya sinasaludo ko si-

"SABRIANNA DELA CUESTA CONTRERAS! GET UP!", pasigaw na tawag sakin ni Thasia mula sa aking harapan.

Napabalikwas ako sa sobrang gulat. Binabawi ko na ang pagsaludo sa kanya! Grrr, annoying! Whatever! Matutulog pa rin ako.

"Sabrianna! Hindi ka talaga gigising? Gusto mo talaga akong itext si-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil nagtatakbo ako sa may sofa set sa kwarto ko kung saan siya nakaupo at hawak ang cellphone ko na tila ba may isesend na message sa isang tao.

Argh, it's Josh. Joshua Rosales. My long time crush. Natakot ako sa pwedeng mangyari kapag kinausap ko siya. Baka malaman nya na gusto ko siya at bigla nalang lumayo sakin. Argh.

"ATHASIA SOLOMON MARIANO! DON'T YOU DARE TO SEND THAT MESSAGE! OR ELSE-", pagbabanta ko sa kanya.

Nag-evil grin si Thasia, pinindot nya ang send button. Argh! Wtf?! Bakit ba, ARGH! Hindi ko na alam!

Napasimangot ako at bumalik sa kama ko. Tinatamad akong umalis. Nababadtrip ako kay Thasia. Mas lalong tinamad ang aking katawan na gumalaw at umalis. Whatever!

"Sabby!", tawag sakin ni Thasia habang nahagalpak sa kakatawa.

Argh! Hindi ko alam kung bakit niya pa nagagawang tumawa ng ganoon. Kaibigan ko ba talaga siya. Asar! Naluluha ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Paano nalang kung-- Paano nalang-- Ewan! Hindi ko alam!

"Sabby! HAHAHAHA! tumahan ka nga dyan para kang baliw. Look at it", sabay lahad ng phone ko sa aking harapan.

To: Joshua Rosales

Hi Josh, Can we meet? I miss you so bad na kasi. See you at Ayala. Take care.

-Brianna

Wtf?! Mas lalo na lang akong naiyak. Ayokong makita yung phone ko kaya hinagis ko ito mula sa aking kama papunta sa sofa ko. Mas lalong humagalpak si Thasia. She lend me her phone. Ewan ba, biglang naiba yung mood ko. Bigla akong napatawa.

From: Brianna

Hi Josh, Can we meet? I miss you so bad na kasi. See you at Ayala. Take care.

-Brianna

"ATHASIA SOLOMON MARIANO!", naiyak-tawa kong sigaw sa kanya.

"What the-, stop crying na! It's a prank! HAHAHAHAHA" hagalpak na saway sakin ni Thasia. Inirapan ko nalamang siya sabay yakap sa unan ko.

Argh! Pinakaba niya ako ng sobra! Binago niya lang pala yung name niya sa contacts ko. Ayz!

Makailang minuto ay tumayo na ako at humarap sa salamin ko. Mayghad mukha na akong mangkukulam. Magandang mangkukulam sabay halakhak.

Bumaba muna ako para sabihan si Ate Jennifer na ipaghanda na kami ng makakain. Si Ate Jennifer ay isa sa napakaloyal naming kasambahay. Halos dito na siya lumaki. Actually, pinalitan niya na nga ang kanyang ina na si Aling Nella. Si Aling Nella ang kasambahay namin before. Kasabayan niya sina Ate Joy at Ate Jessie, na nag-alaga sa akin noong bumalik sa ibang bansa ang aking mga magulang para asikasuhin ang aming business nationwide.

Umakyat ako at tinanaw si Thasia, mukhang namamangha na naman siya noong nakita yung mga bagong collection kong bag. Ang totoo kasi niyan, nahahawaan ko na siya sa pagcocollect ng bag. Before kasi, mas prioritize niyang magcollect ng mga shoes. Ewan ko ba doon, talagang inaagawan na ako ng mga limited edition ng bags sa mall, hay nako. Naligo na ako. Wala na akong magagawa dahil sinira niya na yung tulog ko.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now