KABANATA 22

31 7 0
                                    

"Labis na pagaalala ang naging ebidensiya
Nang labis na pagmamahal ko sakanya
Tama ba ang nadarama
O ito lamang ay isang patibong para malulong sa maling akala"

"Sabrianna! Nasan ka na ba kasi! Kagabi ka pa hinahanap ni tita! Nakapatay yung phone mo nung una. Tapos nung on na yung phone mo di ka naman nasagot, nasan ka ba?! Pumunta ka na dito sa hospital!", very alarming tone of Athasia.

"Bakit ba? Ano bang nangyare?", tanong ko nang may pagaalala.

Pressure sa akin ni Athasia. Ano ba naman kasi ang nangyari? Dali dali akong nag-ayos at sumakay sa kotse ko. Nagtungo ako sa hospital kung saan nakaadmit si Josh.

Kumatok ako sa pintuan, at binuksan ito. Pagkapasok ko ay nagulat ako. Wala na si Josh sa kaniyang kama, at isang batang lalake ang pumalit sakaniya. Malamang sa malamang ay kritikal ang lagay nito. Nakapikit ang bata at ang daming galos at sugat.

Bumalik ang mga pangyayare, nakikita ko si kuyang natutulog lang sa ganitong kama. Masyado pa kong bata noon, pero yun ang hindi ko malilimutang pangyayare. Namatay siya ng dahil sa akin.

Madaming nawalang pangarap. Alam niyo ba ang pangarap ng kuya ko ay magpiloto. Magkaroon ng private plane, para makapagtravel around kami. Tapos ipagawa ang dream house nya, tapos isang malaking pool kasi lulunudin niya ako, este tuturuan niya akong lumangoy. Pero wala ee, nawala ang mga pangarap kasama si kuya.

Naramdaman kong umaagos na ang luha ko noong pumatak ito sa pisngi ko. Napahawak nalang ako sa bibig at umalis. Hayx I miss kuya.

Nasaan ba kasi si Athasia? Nasan ba si Josh? Argh! Ano ba to?

Inilabas ko ang phone ko at ni-dial agad si Athasia. Aba ang loka, nagriring lang. Mas lalo akong kinabahan. Nasaan ba si Josh!

Naisip ko si Jalicia, kinontact ko sya.

"Hello ate Brianna?", sagot ni Jalicia sa kabilang linya.

"Hello Jalicia, nasan na ba ang kuya mo?", tanong ko nang may pag aalala.

"Wala na po si kuya-", naputol na linya ni Jalicia.

"Hello? Jalicia? Hello?", nagpanic na sambit ko. Saka namatay ang tawag.

Kapag minamalas nga naman, napahawak nalang ako sa aking ulo. Teka. Wait? Ano? Wala na si Josh? Ha? Saan? Wala naman talaga siya dito. Ewan ko ba? Nalilito na ako.

Idinial ko na muli si Athasia, nasan ba kasi sya. Bakit ba ayaw nyang sagutin ang tawag.

Argh hindi ko na alam! Napatalon ako nang magring ang phone ko.

Tita Jas is calling...

"Hello po?", ani ko.

"Hello Brianna..", sambit ni Tita Jas.

"Nasaan po si Josh?", tanong ko na may pagaalala.

"Ah, nandito na sa byahe..kanina ka pa daw kase cinocontact ni Athasia pero hindi ka sumasagot..hinahanap ka nga ni Josh...", paliwanag ni tita Jas.

"Ganon po ba? Sige po susunod na po ako", sagot ko na may pagka relieve.

Thank you Lord. Kanina ko pa pinagtatagpi tagpi ang sinabi nila. Akala ko may masamang nangyare sa unggoy na yun. Natatakot ako na iwan niya ang mom niya pati si Jalicia.

Traffic pa nga, badtrip talaga si Athasia. Ay tama! Kakausapin ko si Athasia. Ini-dial ko ang number niya.

"Hello?", maamo nitong sagot.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now