KABANATA 32

27 7 0
                                    

"Hindi mawala sa aking isip
Sa oras na ako'y umiidlip
Laging inaabangan sa aking panaginip
Pinapawi ang sakit sa aking dibdib"

"They're gone...", lutang na sambit ni Nathan. Nabibingi ako sa narinig ko. Hindi ko alam?

"Ha?Ano?", naguguluhang tanong ko.

"Wala na sila, Brianna", sambit niya na may pag-aalala.

Natulala lang ako at hindi makapagsalita. Ang tagal bago nagsink-in sa utak ko ang gusto niyang sabihin. Akala ko tapos na yung sakit na nararamdaman ko. Akala ko hindi na ako masasaktan ng todo. Kinuha ko ulit ang laptop ni Nathan at pinagmasdan ang mukha ng aking ina at ama. Hinaplos ko ang mga mukha nila habang humahagulgol.

Tangina! Bakit ang daya ng mundo! Bakit ang daya daya! Bakit ako pa? Bakit ako pinagkakaitan ng mundo? Bakit? Niyakap ko ang imahe ng ina at ama ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?", I'm wet in tears. Nanghihina kong tanong.

"K-kase..", Nathan is stuttering right now.

"Bakit?!", isang malakas na tanong ko.

"I don't want to see you like that..", naluluhang sambit ni Nathan.

Binaba ko ang laptop at saka yumakap kay Nathan. Ang sakit sakit na. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ginising na ako ni Nathan, nakatulog na pala ako habng umiiyak kagabi.

"Brianna get up, we'll take a breakfast bago umalis dito..", sambit sakin ni Nathan.

Pumasok ako sa comfort room at nakitang pugto ang mga mata ko. Naalala ko nanaman na wala na sila Mom. Naaalala ko naanman kung gaano kasakit ang mga pangyayari. It's unexpected. Ni hindi ko pa nauusisa ang nangyari sa kanila. I'm speechless last night.

Pagkatapos namin kumain ay nagready na kami para sa flight.

"Are you feeling better right now?", tanong sakin ni Nathan.

Ngumiti lang ako ng pagod sakanya. Pero good thing hindi na ako masyadong nadadala ng emosyon ko. Tahimik lang kami buong byahe at ako'y nakatulala. Nakaidlip na din ako ng magtagal.

Nang magising ako ay narito na kami sa Manila.

"Brianna are you tired? Wanna go home?", nagaalalang tanong sakin ni Nathan.

"Uhm, can we go to...uh..", nahihiya kong sambit.

"Oh comeon...saan tayo pupunta..say it..it's alright..", inassure ni Nathan na okay lang ako.

"Uhm..my brother's grave?", napatungo kong sambit.

"Okay, tara na..", sambit ni Nathan sakin.

Khalid Bryce D.C. Contreras
December 2000 - October 2009
"Your memories remain in our hearts forever"

Hinaplos ko ang lapida ni kuya habang unti unting tumutulo ang luha ko. Inilagay ko ang lavander na bulaklak na nabili ko at sinindihan ang scented candles.

Lavender flowers are known to represent purity, silence, devotion serenity, grace and calmness. This is how I describe my brother that's why I pick this to offer to my brother.

"Kuya..", sambit ko habang pinipigilang humikbi. Nagsquat na din si Nathan sa tabi ko habang tinatahan ako."Bakit ang daya nyo kuya", naiiyak ko ng sambit. "Bakit nyo ako iniwang magisa? Bakit labis akong sinasaktan ng tadhana? Am I bad?"

"Ano ba talaga ang kasalanan ko? Bakit sobra nalang akong parusahan ng tadhana? Bakit kinuha niya na halos lahat ng mahal ko sa buhay? Bakit hindi nalang niya ako isama kung ganon?", gahulgol ko kasabay ang pagbuhos ng ulan.

"Brianna, tara na umuulan na", tinulungan ako ni Nathan tumayo ngunit hindi ako nagpadala. Bumagsak ako sa harap ng lapida ni kuya. Wala na akong pakealam. Wala akong nararamdaman kundi sakit at pighati.

"Brianna", sigaw sa akin ni Nathan.

"What?!", sigaw ko pabalik."Kung ayaw mo akong samahan, then...leave me alone! Leave me alone Nathan!", sigaw kong muli sakanya at saka bumaling sa lapida ni kuya. Itinayo akong muli ni Nathan ngunit tinulak ko siya. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang lakas ko." I said leave me alone kung ayaw mo kong samahan!"

"Magkakasakit ka Brianna!", isang matigas na bulyaw sa akin ni Nathan. Muli akong lumuhod sa harapan ng lapida ni kuya at niyapos ito.

"Kuya! Alagaan mo sila mom ha! Wag mo silang pababayaan! Mahal na mahal ko kayo!", humahagulgol kong sambit. Niyakap na ako ni Nathan mula sa likod ko. I found a safe place to lean on. Always Nathan. Niyakap ko pabalik si Nathan habang nilalabas ang lahat ng hinanakit.

Ilang araw na akong balisa after kong malaman na namatay na ang parents ko. Wala akong maisip kung anong gagawin ko.

"Brianna, kakain na..", tawag ni ate Jen sa labas ng pinto ko.

"Una na po kayo...busog pa po ako..", sambit ko at niyakap ang unan ko.

"Brianna, ineng hindi ka pa kumakain ilang araw na..magkakasakit ka niyan..", nagaalalang sambit ni ate Jen.

Hindi na ako nagsalita, at inaalala ang mga pangyayare.

["Brianna...wag kang masyadong malikot..baka mabangga ka..wag kang lumayo..", sigaw sa akin ni kuya Bryce na hinihingal.

"Habulin mo ko kuyaa...", sambit ko.

Nagulat ako sa paparating na sasakyan sa harap ko. Napapikit ako at akala ay nasa langit na. Nang namulat ako ay umiyak ako. Si kuya ay nakahandusay sa may kalsada habang naliligo sa sariling dugo. ]

Paulit ulit na nagpapakita sa utak ko ang pangyayare, paulit ulit kong naririnig ang sigaw ng mga taong nakapalibot sa akin. Ayoko na gusto ko ng kumawala. Ayoko na!

May narinig nanamang akong katok mula sa pinto.

"Mauna na po kayo! Busog pa po ako", sigaw ko muli para marinig ako sa labas ng pinto.

Nagulat ako ng magbukas ang pinto at makita ang isang lalaki na pumasok dito. Hindi ko sya maaninag dahil basa ang mata ko sa luha.

Ibinaba niya ang tray na may lamang pagkain sa kama ko at lumayo muli sa akin.

"You need to take your meals...", sambit niya.

Hindi ako makapaniwala na narito siya. Hindi ko maipasok sa utak ko na nakatayo sya sa harapan ko na para siyang may pakealam. Siguro nananaginip lang ako? Or siguro may sakit na ako? Am I hallucinating? Kinurot ko ang sarili ko at sinabutan.

"Hey!", saway niya sakin saka hinawakan ang kamay kong ginagamit para sabunutan ang buhok ko.

"Ow sht! I'm not dreaming! I'm not hallucinating! You're true! You're here!", sambit ko ng hawakan niya ako.

"Oo, kaya kumain ka muna..sabi ni ate Jen hindi ka pa nakain ilang araw na..", sambit sa akin niya sakin.

Kinuha ko ang tray at kumain. He assists me. Binalatan niya ang banana, binalatan niya ang oranges, at hinati niya ang apples. Ilang araw na ko hindi kumakain, ngunit ngayon nagkaroon na ako ng gana para kumain at para mabuhay. Gagawin ko ito para matupad ang pangarap namin ng kuya ko. Siguro kailangan ko na ngang tanggapin na wala na ang pamilya ko.

Ako si Sabrianna Contreras patuloy na lalaban para sa pangarap.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now