KABANATA 13

54 8 0
                                    

"Nalilito at naguguluhan

Sino ba dapat ang pinapaburan

Ang aking kaibigan ba o ang aking kasintahan

Para nang awa bigyan niyo ako ng kasagutan"

"I already set a dinner for us tomorrow", sambit ni Josh.

Foccc What?!

Paano na 'to? I can't refuse to be with Nathan, masyado na akong madaming kasalanan. I can't refuse to be with my boyfriend because ever since wala siyang ginawang masama sa akin.

This night will be the most intimidating. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko.

Buti naman at nakisama ang phone ko. Biglang nag shutdown dahil lowbat na nga pala ito.

Ays, help. I don't know what to do. Sino ba kasi? Whatever, maybe I can refuse to go dinner with Josh. Nararamdaman kong mas kailangan naming mag-usap ni Nathan.

Hindi ko na nareplyyan kagabi ang dalawa. Maybe, sasabihin ko na lang kay Josh na may dinner na naset yung pinsan ko before niyang mag-aya.

Nagrereport kami ngayon at tila lumilipad ang isip ko. "Brianna, part mo na", sitsit sa akin ni Alicia.

"Okay...Sickle Cell Anemia is...uhm-", patigil tigil kong sambit.

"Brianna, kaya mo pa ba? Gusto mo bang ako na ang magtuloy?", alalang tanong ni Ashly.

"No...no I can... I can do it..", nawawala ako sa sarili ko dahil sa naiisip kong gagawin mamaya. Ayokong madisappoint si Josh na tatanggihan ko siya pero alam ko namang ayos lang sa kanya yon. Palagi niya naman akong iniintindi eh.

"Sickle Cell Anemia is, is a chronic inherited anemia that occurs primarily in individuals of African, Mediterranean, or southwest Asian ancestry who are homozygous for the gene controlling hemoglobin S and that is characterized especially by episodic blocking of small blood vessels by sickle cells", nakahinga ako ng maluwag matapos sambitin ito. Buti na lamang at naalala ko. Kahit ako ang gumawa ng report kagabi ay hindi ko maitatangging namental block ako dahil sa mga naiisip ko.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

Nang matapos ang klase ay ipinaliwanag ko kay Josh ang naisip kanina.

"Babe is it okay...na ano...", alangang tanong kay Josh.

"What babe?", nagtatakang tanong nito.

"Hindi muna ituloy yung dinner natin?", tanong ko na may pag aalinlangan.

"Why? What's wrong?", gulat na tanong ni Josh.

"My cousin set up a dinner for this night. Sorry hindi ko agad nasabi sayo. Nalowbat kasi ako kagabi. Is it okay?", kinakabahang tanong ko dito.

"Uhm-", mukhang disappointed na ekspresyon niya. "Okay, okay. Palagi naman kitang nakakasama eh. Ngayon, spend your time with your relative. Saan ba? Ihahatid na kita", maamong sambit ni Josh.

"Really babe?", malawak na ngiti ko na parang nanalo sa lotto.

"Yes", malambing na ngiti nito na nagpapanatag ng kalooban ko.

Vikings, SM By The Bay Complex

Nandito na ako ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang dinner namin ni Nathan. Umalis agad si Josh dahil tumawag daw si Nico, may emergency daw.

Luminga linga ako para hanapin si Nathan, inassist naman ako ng crew doon.

"Miss, Mr. Villabroza po ba?", sambit nito sa akin.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now