KABANATA 3

111 11 0
                                    

"Labis na nagtataka

Labis na nagugulumihanan sa nadarama

Ako lamang ba'y nagiilusyon, o eto talaga ang nakatadhana

Gulong gulo ang utak, sana'y bukas makalawa, ito'y maging malinaw na"

Napakahaba ng traffic sa Ayala. Kaya nakakatamad pag uwian na eh. Hinatid na din namin si Thasia. Paniguradong nangawit ang panga non kasi hindi ko siya kinausap buong byahe namin. HAHAHAHA siya ba naman kasi, lagi na lang akong tinitrip.

Akala niya ba na maganda yung mga ginagawa niya? Maybe, oo medyo nasisiyahan ako kasi kinausap ako ni Josh. Pero natatakot ako na baka kung saan humantong ito. Natatakot ako na baka mali yung mga akala ko. Natatakot ako na mali pala talaga yung what if's ko.

Napatalon ako sa kinakaupuan ko noong may nagnotif sa phone ko. Kinakabahan ako nung inangat ko ang phone ko. Akmang bubuksan ang phone ko ng...

"Brianna, Brianna!!", tawag sa akin ni Ate Jennifer. "Nakapaghanda na ako ng dinner. Bumaba ka na at baka lumamig ang pagkain", dagdag niya pa na may magiliw na boses.

"Sige po ate, nagbibihis lang po ako." , sagot ko ng magiliw.

Narealize kong hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Pero I change my mind. Bababa na ako at baka lumamig na ang inihandang pagkain ni Ate Jen.

Pagbukas ko ng kwarto ko ay naamoy ko na. Napatakbo ako pababa ng dining area. Omg! I'm so excited! Hindi ako nagkamali dahil-

"Brianna, ipinaghanda kita ng favorite mong Garlic Buttered Shrimp ala Jennifer" , panimula ni Ate Jen.

Aah naman, wala na talaga akong mahihiling ngayong araw. Napakagifted ko ngayon ah. Natigil na ako sa ilusyon at inalok ng kumain si Ate Jen at Kuya Jerry.

"Kain na din po kayo Ate Jen at Kuya Jerry", magiliw na aya ko sa kanila. But they both refused. Hays, ano ba to? Kesyu mamaya na lang daw sila kakain.

"Sige lang Brianna, magpakabusog ka lang. Mamaya na kami kakain ng Kuya Jerry mo", magiliw na sagot sakin ni Ate Jen. Si Ate Jen at Kuya Jerry ay matagal ng magkasama. Hindi ko nga alam kung may namamagitan na sa kanila. HAHAHAHA napakachismosa ko naman. Whatever. I'll start to eat na.

Inilagay na ni Ate Jen lahat ng pagkain sa dining table namin. Mayroong Garlic Buttered Shrimp, Chopseuy, and Tempura. Hindi ganoon kadami ang hinanda niya, kasi wala naman si Thasia para saluhan kami. Paano kasi nagtatampo ata ang luka, kaya ayon.

Nagdasal ako pagkatapos ay naglagay ng garlic buttered shrimp sa plato ko, kumuha rin ako ng chopseuy at rice to fill my cravings.

Napakasarap talaga ng Garlic buttered shrimp ni Ate Jen. The best ever!

"Brianna!", tawag na ulit sa akin ni Ate Jen.

"Meron pa akong isang ginawa para sayo", masayang abot niya sa akin ng Blueberry cheesecake.

"Wow! Blueberry cheesecake! Thank you Ate Jen for all your efforts. You made my day", masayang puri ko sa kanya.

Hindi lang sa Buttered Shrimp niya ako inaliw, kun'di pati sa dessert ko. What a happy tummy, Brianna. Nagslice na ako ng cake, sabay sinubo ito. Napapikit ako and it feels like heaven. Ang sarap! Sayang wala si Thasia ngayon. Parehas pa naman kami na paborito ito. Hayx.

"Salamat Ate Jen sa paghahanda sa akin ng mga paborito ko ngayon. Aakyat na po ako, kumain na lang po kayo ni Kuya Jerry dyan. Eatwell!", nilapitan ko siya at niyakap bago ako umakyat ng kwarto ko.

"Hayx, what a good day", buntong-hininga ko sabay ngiti at upo sa sofa.

Hinanap ko ang phone ko at tinignan ito.

"Hi Brianna, sorry for what I've done lately. Pardon me for everything"

From: Athasia

Hayx, sabi na eh. Iniisip niya na naman na kasalanan niya ang lahat. HAHAHAHA it's a prank. Napakalaking bawi ko ito sa kanya. Bukas ko nalang siya kakausapin at magbibigay na lang ako ng peace offering.

Nagtungo ako sa CR ko to take a shower. Syempre, para masarap ang tulog and para fresh ako. Pagkatapos ko magshower ay sinuot ko ang customize mickey robe ko at nagtungo sa aking walking closet. Kinuha ko ang pantulog ko at isinuot ito. Pinatuyo ko ang buhok ko, tsaka blinower ito.

Humiga ako sa kama ko, at niyakap ko ang unan ko. What a refreshing night. Nagulat nalang ako ng biglang may nagnotif sa phone ko.

Joshua Rosales sent you a friend request.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now