The day I saw you again
My hearbeat starts to race
I don't understand what I feel
When you look at me, and call my name like "Hello Brianna"Nanlalamig mula sa kinakatayuan ko
Nanginginig na para bang binuhusan ng yelo
Mga paru-paro sa aking tiyan ay nagkakagulo
Hindi mapigilan ang ngiti na nanggaling sa aking pusoLabis na nagtataka
Labis na nagugulumihanan sa nadarama
Ako lamang ba'y nagiilusyon, o eto talaga ang nakatadhana
Gulong gulo ang utak, sana'y bukas makalawa, ito'y maging malinaw naMay bagong gugulo't bibida
Ang kaligayahan ba'y siya ang sisira
O magiging mas masaya kapag siya'y kasama
Naming magkaibigan at wala ng ibaAng kaniyang pahintulot ay tatanggapin
Makikipagkaibigan at patatatagin
Magdadamayan sa problema't papasayahin
Magsasabay kalimutan ang suliraninNagsimula ang lahat sa pagsuyo
Labis na nagulumihanan sa dala nitong lito
Ano nga bang pakay ng mga galaw mo
Makikipagkaibigan lamang ba o bibihagin ang aking pusoPagtatawanan ay biglang nabuo
Ang pagiibigan ay nagsimula sa tukso
Paglolokohan ang siyang naging puno
Walang hanggang pag iibigan ang pinupuntoBiglang may nag-iba
Ang daming nagbago't ipininta
Makulay na kahapon ay mas pinagmalas pa
Nabuhayan at mas lalong sumiglaHindi mawari na magkakaganito
Ang pakikipagkaibigan pala'y hahantong sa panunuyo
Hihingi ng tyansa kung pwede bang maging parte ng iyong puso
Nananalanging sana'y hindi mabigoNagtagal ang mga araw at ang pahintulot ay sinagot
Napatalon sa ligaya at ang tagumpay ay isinoot
Hindi na inisip ang iba at iwinaksi ang poot
Walang pagdurusa dahil puro pagibig ang dulotMagtatagal at mas pagtitibayin
Pagmamahalan ay mas papalalimin
Hindi na natatakot pang akuin
Ang nagiisang yaman na biyaya sa akinMay magbabalik at gugulo
Kaibigang matalik ay magtatampo
Magkakaayos pa ba o mas lalong magtatalo
O patawarin mo na naman akoNalilito at naguguluhan
Sino ba dapat ang pinapaburan
Ang aking kaibigan ba o ang aking kasintahan
Para nang awa bigyan niyo ako ng kasagutanHindi na alam kung sinong paniniwalaan
Sino ba talaga ang may karapatan
Pagsisinungaling ay dapat nang tutulan
Para wala nang masaktanPatuloy ng bibitiwan
Iwawaksi na ang dating nakasanayan
Bakit ba kasi ako'y nagbulag bulagan
Ako tuloy ang labis na nasasaktanSa paglipas ng isang taon
Madami ang nagbago at naitapon
Napalitan ng mga ala ala at ang iba'y ibinaon
Mula sa limot at hindi na ibabalik ang kahaponNagbabalik sa pinagmulan
Nais muling balikan
Mga nakasanayan puntahan
Kaya't nagliwaliw kung saan saanMayroon akong nabalitaan
Isang kakilalang natangay sa kapahamakan
Ako'y nagulat sa aking nalaman
Ako ang tinuturong may kasalananAno nga bang paguusapan
Utak ba'y muling pahihirapan
Dating kinalimutan ay maaari bang balikan
O talikuran na lamang dahil hindi na makabuluhanTatanggapin ang kahilingan
Kaniyang anak ay aalagaan
Dasal ay pinakinggan
Pinagaling na ang dating iniiyakanMuling iginuhit ng tadhana
Ang ako at siyang magkasama
Labis akong nagtataka
Maaari bang maibalik ang dating pagsasamaLabis na pagaalala ang naging ebidensiya
Nang labis na pagmamahal ko sakanya
Tama ba ang nadarama
O ito lamang ay isang patibong para malulong sa maling akalaAng nadarama ay nakumpirma
Mahal ko parin talaga sya
Kahit anong kaila ang isinagawa
Lumabas parin ang katotohanang siya parin talagaPilit na ikinukubli ang tama
Pinili na lamang itago ang kaba
Umasta na lamang na parang wala
Kinimkim na lamang muna ang nadaramaAking isip ay labis na ginulo
Hindi makapagisip kung tama nga ba ito
Tatanggapin ang alok na ikutin ang mundo
Tama ba ang aking ginagawa o inaaktoAlok ay tatanggapin
Tanong ay iisipin
Pagmamahal ay pilit tatanggalin
Pipiliting palayainPatuloy na hahabulin
Mga yapak mong matulin
Kailan ba puputulin
Ang tali na naguugnay sa atinHindi mawari kung bakit ganito
Patuloy akong pinagkakaitan ng mundo
Isip ay patuloy na ginugulo
Bakit pinabayaang mag isa nalang akoO panaginip, ano ang iyong pinupunto
Bakit pagpapaalam ng magulang ang itinuturo
Talaga bang pangitain na ito
Sana'y panaginip lang at hindi ito magkatotooBakit kay dali lang akong iwanan
Ako'y labis na nasasaktan
Wala na akong mapuntahan
Magisa na lang akong humaharap sa buong mundong aking kalabanHindi mawala sa aking isip
Sa oras na ako'y umiidlip
Laging inaabangan sa aking panaginip
Pinapawi ang sakit sa aking dibdibPilit iwinawaksi ang lumbay
Pinagtatabuyan ang dating hinihintay
Narito lang sya para makiramay
Nakatitiyak akong lilisan din siya kaya kailangan ko ng masanayMay magbabanta
Natakot sa aking binalita
Sila ay natataranta
Bunga ng masamang hangin ang ipinintaMay isang bagay na gigimbal
Lalabas ang tunay na asal
Magmimistula siyang kriminal
Idadaan na lamang sa dasalMay darating na hindi inaasahan
Magugulat ang karamihan
Magpapatanong kung anong pinagmulan
Sino nga ba ang kanilang inaasahanMay pangyayaring nakakagulat
Hindi malaman kung ano ang ugat Maniniwala ba sakaniyang ulat
Mata ay patuloy na iminulatIsang papel na punong puno ng damdamin
Tinutukoy ang sakit na tatahakin
Isang liham na sumasalamin sa dalangin
Na sana ako'y maligtas at wag na siyang isipinNatupad aming pangarap
Sa damdamin ito'y napakasarap
Tagumpay aking nalalasap
Paghihirap ang naging sangkap
YOU ARE READING
WHAT IF [COMPLETED]
Teen FictionSabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws. She have her trusted friends. She's much talented, and nothing to ask for. But suddenly, she's looki...