KABANATA 9

56 10 0
                                    

"Hindi mawari na magkakaganito

Ang pakikipagkaibigan pala'y hahantong sa panunuyo

Hihingi ng tyansa kung pwede bang maging parte ng iyong puso

Nananalanging sana'y hindi mabigo"

Nakalipas ang ilang mga araw pagkatapos ng get together namin nila Josh, Nico, at Thasia. Napapadalas na din ang pag-uusap namin. It's been 4 months ago na naging magkakaibigan kami.

Napakabilis ng panahon. Yung dating hinahangaan ko lang ay kaibigan ko na. Not only friend, but a good close friend. Wala ng ilangan ang nagaganap, lahat kami ay nagsasakayan na sa mga trip ng isa't isa.

Minsan nga'y tinatawag akong "babe" ni Josh, para lang ipakita kay Nico na kaya niyang sumabay sa mga trippings namin. Tumutugon din naman ako ng "babe" para suportahan ang kalokohan ni Josh.

Nakakaloka, I can't imagine na magiging ganito kabilis ang pagiging close namin ng hinahangaan ko lamang dati.

Minsan nga'y sumasagi sa aking isipan na balewalain na lang yung kinikimkim kong feelings para sa kanya eh. Kasi mas masaya ako na maging malapit sa kanya imbis na mawala ang closeness namin kapag umamin ako at nalaman niya ang totoo.

It's monday.

Maganda ang gising ko ngayon. Nagprepare ako for school, at kumain. Agad naman akong inihatid ni Kuya Jerry sa school. Dumiretso ako sa library dahil may research kaming ginagawa ni Athasia about sa Science Activity.

"Hey Athasia", maagang bungad ni Nico sa amin. "Hello there Brianna", sabay kaway sakin ng loko. Tapos ang aming paligid ay labis na nag-ingay.

Nanaway si Baymax, sa sobrang ingay. "Highschool! You're at the library! Please read it!",sabay turo sa signage na "Please keep quiet."

"If you're not following those library rules you can leave now!...or else I will be giving y'all a blue card!", dagdag pa ni Baymax.

Siya si Ms. Valentina Choi. Tinatawag siyang Baymax dahil sa mukhang fluffy nitong awra. Kaso kabaliktarang ugali ni Baymax ang ipinapakita nito.

So what is Blue Card? Blue card is a card that is distributed to one student when they show bad attitude and disobeying rules. Hindi ito ang pinakamalala dahil ito'y first offense lamang. Kapag nakatanggap ka na ng Red Card yun na ang malala kasi may suspension ka for 1 week.

Lumapit samin si Nico at umupo sa tabi ni Athasia. Nakipag high five siya sa amin. Nabigla kami ng biglang may mga humirit na naman na mga freshmens.

"I said! Freshmans! Get out or else I'll give you a blue card for disobeying me and our rules!" , panggagalaiti ni Baymax.

Agad na lumabas ang mga freshmen at nagpacute sa taong papasok ng library. Oh I see, it's Josh. Kaya pala grabe nalang ang iritan ng mga bwct na mga babae. Well, di ko sila masisisi heartthrob kasi ang grupo nila Josh sa school.

"Hey bro, good morning! Mukhang badtrip na naman sa inyo si Baymax ah!", sabay tawa nito ng mahina saka nakipag fist bump si Josh kay Nico.

"Oo nga bro, kanina pa yan. Highblood, may regla ata yan", sabay nagtawanan ang dalawang loko.

"Hey Thasia", masayang bati ni Josh kay Thasia.

Aba aba, invisible na ba ako? Hindi na ako nakikita? Ay ganon?

"Nasaan ang babe ko? 'di pa ba siya nadating?", tanong niya kasabay ang pag-upo niya sa tabing upuan ko at umakbay pa sa upuan na inuupuan ko.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now