"Patuloy na hahabulin
Mga yapak mong matulin
Kailan ba puputulin
Ang tali na naguugnay sa atin""Hey Josh!", angal ko ng magkanda- dapa dapa na ko sa pagtakbo dahil sa suot kong stilettos."Hey!"
Hindi man lang siya lumingon at padabog na binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. Tumakbo ako para kumatok sa bintana niya. Pero hindi niya binuksan iyon, pinaandar niya ang makina ng sasakyan at umalis na parang walang nakita.
Nanlumo ako at nanghina ang tuhod ko. Nakaupo ako sa isang sulok. After a minutes of thinking, tinawagan ko si Athasia para magpasundo. It's already 10pm, and I don't care. If she don't pickup this call maybe I'll call for kuya Jerry. I don't have any plans nor idea how to escape this situation.
"Hello!", bungad ni Athasia.
I remained silent. I don't know how to talk after what happened.
"Hello! Pusanggala! Sabrianna ano nangyare?!", sigaw ni Athasia sa kabilang linya.
"I want to go home..", simpleng sagot ko sa intimidating niyang reaction.
"O sige, papunta na ko! Intayin mo ko diyan at magtutuos kami niyang Kiel na yan!", banta nanaman ni Athasia bago pinatay ang tawag.
I feel so drained. I can't be expressive. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako makapagexplain. I'm drained, no words can describe what I feel.
Nasilaw ako sa isang ilaw mula sa isang sasakyan. Napamulat nalang ako ng may humawak sakin at itinayo ako. It's blurry.
"Gaga ka, bakit ka umiiyak diyan. Mukha ka ng panda", pang aasar ni Athasia.
Ako? Umiiyak? Hindi ko ramdam. Naramdaman ko lang noong pumasok na ako sa sasakyan ni Athasia dahil mas lumakas ang buhos ng mga luha ko.
"Hoy sino bang may gawa sayo nan?", nag aalalang tanong sakin ni Thasia. I still remained silent. Nakatulala sa harapan na parang walang naririnig.
"Brianna naman, magsalita ka naman!", nag aalalang sigaw ni Athasia habang pinapabalik balik ang tingin sa kalsada at sa akin.
"Josh..", isang salitang binitawan ko at saka naramdaman muli ang pagtulo ng aking mga luha mula sa mata ko.
Itinigil ni Athasia ang sasakyan sa isang tabi bago ako niyakap. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang madama ko ang pagtahan nya sakin. Ang sakit sakit pala. Lalo na kapag cinocomfort ka na ng kaibigan mo. Mas gugustuhin ko pa na may nakikinig sa mga nararamdaman ko kesa ipinadadama nila na nalulungkot sila para sakin.
Inihatid ako ni Athasia sa bahay at nangakong babalik. Kukuha lang daw siya ng mga gamit niya sa bahay nila.
Mas lalo akong nalulungkot, feeling ko kase ang hina hina ko para samahan niya pa ako dito. Hindi ko na alam. Siguro magsashower nalang muna ako, medyo naaalibadbaran ako sa katawan ko.
Nang makarating si Athasia ay kakatapos ko lang magshower at magbihis. I'm about to blowdry my hair, and suddenly naamoy ko ang chicken na dala ni Athasia.
Pucha alam talaga kung paano ako papakalmahin. May dala siyang bucket ng chicken and beer.
"Hey don't be sad na! May dala akong something!", masayang sambit nito.
Hindi lang pala chicken and beer ang dala niya. May fries and ice cream den. Mayghad hindi ko alam kung magagalit ba ko kay Athasia o matutuwa. Sinisira niya ang diet ko ee, at the same time gusto niya akong pakalmahin.
3 am na kami natulog ni Athasia. Uminom, kumain, at nanood lang kami ng netflix pampalubag loob. 1 pm na tuloy kami nagising. Good thing di kami binulabog ni ate Jen.
YOU ARE READING
WHAT IF [COMPLETED]
Teen FictionSabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws. She have her trusted friends. She's much talented, and nothing to ask for. But suddenly, she's looki...