"Natupad aming pangarap
Sa damdamin ito'y napakasarap
Tagumpay aking nalalasap
Paghihirap ang naging sangkap"Ngayon ay pabalik na muli ako sa bansang aking sinilangan. Dala dala ang titulong aking pinanghahawakan.
Ang sarap palang tumapak muli sa lugar na iyong kinalakhan. Binabalik nito ang saya ng mga nakaraan.
Ilang taon ang ginugol ko para makapagtapos sa California. Naging isang bihasang doctor ako ng mga bata. Kamusta na kaya sila Athasia? Wala na akong naririnig sa kanila. Umalis kasi ako ditong punong puno ng pag-aalangan. Pagsisisi na dapat ay hindi ako naging makasarili.
Nalaman ko sa kanila na hindi na kinaya ni Josh ang nangyari sakanya. Matinding kumplikasyon ang kinaharap niya. Parati parin akong hinahanap ng konsensya ko. Kasalanan ko parin to. Kasalanan ko parin ang nangyari.
Palagi akong natutulala, lagi kong iniisip na kasalanan ko ang lahat. Kasi kung hindi ako naging harsh sakanya, or kung siguro tumigil na akong umasa na babalik siya ay siguradong buhay pa siya ngayon. Naging selfish ako. Lagi ko nalang iniisip ang sarili ko. Not knowing na may iba pa palang nahihirapan bukod sa akin.
Noon mabasa ko ang liham niya ay parang may sumaksak sa dibdib ko. Nagbitaw ako ng masasakit na salita sa taong ang hangarin lang ay iligtas ako sa kapahamakan. Hindi ko na alam kung ano bang iisipin ko.
Lagi nalang pumapasok sa utak ko na mali talaga ako. I'm so selfish. Deserve ko talagang iwanan kasi selfish ako. Pero bakit sila pa yung kailangan mawala? Bakit hindi nalang ako? Tutal lahat naman ng naibibigay ko ay puro pasakit.
Pero siguro ito yung plano ng panginoon. Siguro sa pamamagitan ng ganito niya na lamang ako pinaparusahan. Ang sakit sakit, ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Lahat ng mahal ko sa buhay ay iniwan ako.
Sa sobrang depress ko ay muntik na akong bumagsak. Sa sobrang pag-aalala sa akin ng mom ni Nathan ay nagconsult kami sa psychiatrist. Hindi na ako pumalag dahil nahihiya na ako dahil pabigat nalang ako.
The doctor gave me a lot of medicine. Pero hindi ko ito itinetake. Ayoko na ee. Ayoko na kasing mabuhay. I'm alone. Ayoko ng maging pabigat. Pero wala ee. A light motivates me. Sa sobrang kalungkutan ay nakita ko si Mom and Dad, pati na rin si kuya. Sa sobrang saya ko ay nilapitan at niyakap ko sila habang umiiyak.
"Sabby don't cry...kuya's always here to guide you.."
"Baby girl, don't cry..", sambit ni Mom and Dad saka hinagod ang buhok ko.
"Can I stay with all of you? Im so sad being alone", I made a sad face that makes them smile.
"Not this time baby..", sambit ni mom.
"But why? Im worthless..", sambit ko habang unti unting nawawala ang ngiti sa aking mga labi.
"Tuparin mo ang pangarap natin..", sabay sabay na sambit ng aking pamilya.
That motivation motivates me a lot to live my life. God has a great plan. Tama nga sila, person live because she has a purpose in this world.
Maybe I could say that I have worth in this world because I can help those people who will need my help.
Siguro eto yung purpose ko sa mundo. Siguro ito yung mission ko. Ang makatulong.
Pagkatapak ko sa departure area ay nakita ko agad sila kuya Jerry, at ate Jen. Yes, sila na ang napakaloyal na kasama namin sa bahay. Pamilya na ang turing ko sa kanila.
"Welcome home doctora!", sabay sabay nilang sambit at napaluha sa sobrang saya.
"Thank you po, para po ito sa atin.. salamat kasi po nandyan padin kayo hanggang ngayon..", sambit ko at naluha na din at niyakap ko sila.
YOU ARE READING
WHAT IF [COMPLETED]
Teen FictionSabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws. She have her trusted friends. She's much talented, and nothing to ask for. But suddenly, she's looki...