KABANATA 36

34 5 0
                                    

"May darating na hindi inaasahan
Magugulat ang karamihan
Magpapatanong kung anong pinagmulan
Sino nga ba ang kanilang inaasahan"

"Ni J-josh! He's calling again!!", natarantang sambit ni Athasia saka ibinato sakin ang phone ko.

"Pucha anong gagawin ko dito?!", taranta kong sambit.

"Answer it stupid!!!", natatarantang sigaw ni Nica.

"Wtf!", sambit ko at nagipon ng maraming hangin bago sagutin ang tawag.

"Hello?", sambit ko.

Hindi ko alam kung bakit ko sinagot ang tawag niya diba nga umiiwas na ko sakanya. Hindi nga pala kami ayos nung last naming pagkikita. Siguro nadala lang ako sa taranta ng mga kaibigan ko.

Walang sumasagot sa kabilang linya. Tanging ingay lang ng background ang maririnig mo.

"Hello?", tanong kong muli para masiguradong may tao sa kanilang linya. Pero sadyang meron dahil sino ang tatawag sa akin kung gayon.

Narinig kong pinatay niya na ang tawag.

"Ano na girl? Anong sabi?!", paguusisa ni Nica.

"What happened?", tarantang tanong sa akin ni Athasia.

Winagayway ko ang phone para ipakitang nacut na ang tawag.

"Ano girl?", tanong ni Mie.

"Baka tinitrip nanaman tayo niyan..nako Brianna!", sigaw ni Ynnah.

Napatahimik nanaman ako. Bumabalik nanaman yung mga panahon na niloko niya ko. Naaalala ko nanaman kung paano niya ako pagtabuyan. Naaalala ko nanaman kung paano niya ko iniiwasan.

It breaks my heart. I let out a heavy sigh.

"Wag kang umiyak Brianna..mahal ka namin..", sambit ni Athasia."Power hug!!!"

Naramdaman ko ang luha ko na mas tumulo nung niyakap nila ako. Kelan ba kasi ako makakatakas sa gulo at sakit na to. Bakit sa tuwing nagmomove forward ako, lalo lang akong minumulto ng nakaraan? Am I not worth to be happy?

"Powerpuff girls!", sigaw ni Mie at itinaas ang kamay.

"Gaga tatlo lang ang powerpuff girls!", pakikipagtalo ni Ynnah.

"Lah halatang di nanonood!", sambit ni Nica.

"Apat kaya!!!", sigaw ni Athasia.

"Si Brianna..si blossom, si Athasia..si bubbles, tapos si Nica..si buttercup, tapos ako..si bliss!!", sambit ni Mie."The long lost sister of the three!"

"Ee sino ako?", tanong ni Ynnah.

"Edi si mojo jojo..", sabay sabay naming sambit habang tumatawa.

I'm so lucky. I have them, the one who always there for me when I need them. The one who always there for me through up and down. I love them. They're not my friend anymore, because they're my family now.

Lumipas ang ilang araw at nasa mansion parin sila tumitigil. Nasanay na nga ako na may kasama. Feeling ko kapag umalis sila malulungkot nanaman ako. Siguro kung pwede nalang silang manirahan dito habang buhay, dito ko na sila papatirahin ee.

Yung business namin sa California ay pinagbilin ko muna kay Mrs.Villabroza, since business partners rin naman namin sila and wala pa akong alam sa controls ng business namin sa ibang bansa. Naniniwala naman din kasi akong hindi niya yun pababayaan.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now