KABANATA 4

93 10 0
                                    

"May bagong gugulo't bibida

Ang kaligayahan ba'y siya ang sisira

O magiging mas masaya kapag siya'y kasama

Naming magkaibigan at wala ng iba"

"Brianna! Brianna! Brianna!", tunog na umaalingawngaw mula sa labas ng pintuan ko.

Lintek na Athasia Solomon Mariano na 'to. Ang ingay ingay natutulog ako. Baka nakakalimutan niyang binulabog niya rin ako kahapon at marami siyang kasalanan sa akin.

"SABRIANNA DELA CUESTA CONTRERAS! GET UP! IT'S ALREADY LATE! OPEN THE DOOR NOW!", pabulabog niyang banggit ng aking pangalan.

Unti-unti kong inaanalyze ang boses na iyon. Teka, hindi siya si Athasia, Nica? Veronica Mercado? Hindi pwede kasi nasa States siya.

"SABRIANNA", sigaw nya at sabay dabog sa pintuan.

Sorry my room was secured. Ni-lock ko na siya kagabi para hindi na ako mapasok ng scandalosa kong kaibigan and wala tayong ikapag-aalala. May Ate Jen ako to open my door. Nasa kanya lahat ng susi, incase of emergency.

Wait, familiar talaga. Tinignan ko muna ang oras. Nanlaki ang mata ko noong makita kong "7:30 AM" malakas na sigaw ko.

"7:30 AM pa lang may nambubulabog na? Kailan ba ako magkakaroon ng maayos na tulog?", reklamo ko bago ako bumangon upang pagbuksan ng pintuan kung sino man ang nagtangkang sirain ang tulog ko.

"SABBY!", banggit niya sa pangalan ko sabay yakap.

Hindi na ako nakapagsalita sa higpit ng pagkakayakap niya. It's Veronica Mercado. My second closest friend. May maputing kutis at wavy na buhok na hanggang bewang. May malaking dibdib na katulad ng laki ng kanyang likuran. May mapulang labi na natural. Higit sa lahat may tsokolateng kulay na mata na nagsisilbing asset nya.

"VERONICA!!", masaya kong sigaw ng kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin.

"Kelan ka pa dumating from States?", nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Sabby, can you call me Nica? Veronica is much argh! Whatever. But, please just call me Nica.", iritadong sambit nito at tsaka nagroll eyes.

"Wait, Can you please call me Brianna first before I'll call you Nica? It's also irritating huh?", ganti ko sa sinabi niya.

Sabay kaming nagtawanan na parang mga baliw. Namiss ko siya ng sobra. Paano ba naman magvavacation na nga lang sa States pa. Si Thasia lang tuloy ang nakakasama ko sa get togethers.

"Actually this time lang, dumiretso ako dito just to surprise you", biglang bumanat ng ngiti after niyang sambitin ito.

"You know Nica, dapat sinabihan mo ako na uuwi ka. So that I can fix myself before you arrive at my home o kaya sana nasundo kita", paliwanag ko.

"Hey Brianna! Think! Paano magiging surprise kung alam mo na. Tsk!", nagroll eyes na naman ang bruhang si Nica.

"Fine, fine, fine. What's your next plan? Are you going home to take a rest? Or-", tatango tangong paliwanag ko at biglang napanganga ng pinutol niya ang sinasabi ko.

"Hey, hey, hey. Sinong nagsabing magtetake ako ng rest? Maligo ka na at aalis tayo. That's an order! Move!", masungit na sigaw niya sa akin. That's an order daw so military na dream path nya?

"Wait? Are you my mother to rule me? Or are you a future military something? Akala ko ba doctor ang kukunin mo sa college?", sarkastiko kong tanong at pinandilatan siya ng mata.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now