"Ang nadarama ay nakumpirma
Mahal ko parin talaga sya
Kahit anong kaila ang isinagawa
Lumabas parin ang katotohanang siya parin talaga"Napagdesisyunan kong umuwi nalang dahil sa sakit na nadama ng nakita ko si Josh. Labis akong nasaktan. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang aking nararamdaman.
"Brianna...talagang uuwi ka na ba?", tanong sa akin ni tita Jas.
"Uhm-", naputol ang sasabihin ko noong nakita kong sumilip mula sa itaas si Josh."Sige po mauuna na po ako..", sambit ko ng walang pagaalinlangang. Tango nalang ang naging responde nila tita Jas kahit na may tanong na bumabagabag sa isipan nila.
Hindi ko na muling tinignan si Josh. Ayoko nang makita muli ang mukha niya dahil mas lalong kumikirot ang aking puso. Dali dali akong nagpunta sa aking sasakyan at umalis. Kinontak ko si Nathan, sapagkat alam kong siya lang ang makakaintindi sa akin ngayon. Napapadalas na ang pagkikita namin ni Nathan, alam ko namang ayos lang iyon kay Ynnah. Salamat naman at iniintindi niya ang pagkakaibigan namin ni Nathan.
Nathan is good to me as always. He's my boy bestfriend ever since. Thanks God, kasi binigyan niya ako ng isang taong iintindi sa akin kahit sa mapapait at mahirap na pagkakataon.
Nagkita kami ni Nathan sa aming paboritong cafeteria. Same as gold times, nagorder kami ng paborito naming Iced White Chocolate Mocha. Bria & Nath.
Magkasabay iniangat ang baso at sumimsim dito.
"Hey!", agaw ni Nathan sa atensyon ko. Tanging tingin lang ang naigawad ko sakanya."What's your problem?", dagdag nito.
"Uhm..", tikhim ko kasabay ng paglikot ko sa straw ko.
"Is it about...your..uhm", kunot noo niyang sambit sabay kumpas sa hangin.
"Stop that thing Nathan! Alam mo kung hindi kita kaibigan at kung hindi ko alam na boyfriend ka ng kaibigan ko ay napagkamalan kitang bakla sa pinaggagagawa mo..", saway ko agad sakanya."And yes! It's all about him", may pagkairita kong dagdag.
"Fine..", malamig nitong sambit. Ay jusko, kung hindi ko talaga 'to kaibigan kanina pa nakatikim sakin. Ang suplado naman ngayon! Aist! Inirapan ko siya at saglit na natahimik.
"Yah! What is it?", mejo suplado nitong tanong. Napangiti nalang ako sa reaksyon nito.
"Uhm? Can you please? Act normal?", natatawa kong puna.
"Fine..", mejo naging normal ngunit tahimik parin ito at tila nagaabang sa sasabihin ko.
"Uhm? Galing kasi ako sa Rosales' Residence...", pagbukas ko ng topic.
"And then?", tanong niya at sumipsip sa kaniyang drinks.
"And..hindi ko alam kung bakit ganito ako kasensitive..", paliwanag ko."Tinaboy ako ni Josh..nagulat ako sa reaksyon ko. Para ba akong nagpaalipin sa mga sigaw niya..", dagdag ko.
"What the hell?", puna niya sa sinabi ko at saka nagsalubong ang kaniyang kilay sabay baba ng sinisipsip niyang drinks. Nagkibit balikat ako saka kinuha muli ang drinks ko para sumipsip.
"I'm not sure with my feelings..", isang pahayag na binitawan kong nagpakunot muli sa kilay ni Nathan."What?", puna ko doon.
"Don't tell me..na bumabalik nanaman ang feelings mo kaya ka nagkakaganyan? Kaya ka nagpapaalipin nanaman!", medyo tumaas ang boses niya kaya may iilang customers ang tumingin samin. Itinaas niya ang kamay niya at saka bumaling sa mga customer at bumulong na 'sorry'. Napafacepalm agad ako sa harap ni Nathan at napangisi.
"Please calm, yan tuloy HAHAHAHA", hagikgik ko.
"Mukha bang ikakakalma ko ang mga narinig ko?", iritado nitong sambit."He hurt you before...at mukhang sasalang ka nanaman sa second round na katangahan Sabrianna.", dagdag nito sabay nagiwas tingin sa akin.
"You know, you're so harsh. Sabi ko, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko tapos nagoverthink ka kaagad.", napasimangot ngunit natatawa kong puna. Mayghad! Sino ba kasing hindi matutuwa sa kanya. He almost over reacting! No! Not Almost, he's over reacting! HAHAHAHAHAA.
"Brianna, it's almost there.", iritado nanamang nitong sambit.
"Kumalma ka nga HAHAHAHA", natatawang saway nalang ang naigawad ko sakanya.
Akala ko pa naman makukumpirma ko na ang gumugulo sa aking utak. Ano ba kasi to? Sure na ba ako sa nararamdaman ko? O ginugulo padin ako ng sarili ko?
"Siguro nararamdaman mo lang yan kasi palagi kayong magkasama...", isang pahayag nanaman ang pinakawalan ni Nathan. Napaisip ako ng husto, baka nga siguro. Ewan ko. Makukumpirma ko din naman to sa sarili ko.
"I don't know", pagkikibit balikat ko. Ilang oras nanaman kaming natahimik. Sinulyapan niya ang phone niya dahil sa may nagtext.
"Know yourself first Brianna, isipin mo muna. Baka mamaya nagkakamali ka lang. Lalaki rin ako, alam ko ang nararamdaman ni Josh.", bukas niyang muli sa topic.
"Ano bang nararamdaman nyo kapag ganoon?", kuryoso kong tanong.
"Basta, pagisipan mo muna ang nararamdaman mo bago muli ako harapin. Isipin mo muna kung handa ka na muli. Kung handa ka na muling sumabak sa isang gera.", malamang sambit ni Nathan.
Inubos na lamang namin ang drinks, at nauna na siyang umalis dahil may kailangan siyang asikasuhin. Nagplano nalang akong magshopping. Namili ako ng mga damit, at undies.
Nang nasa boutique ako ng mga damit ay napatigil ako sa paghahanap ng magagandang damit dahil may narinig akong kanta na pamilyar.
["Remember the first day that I saw your face?
Remember the first day that you smiled at me?
You stepped to me and then you said to me
I was the man you dreamed about."]
Pinipilit kong alalanin ang kanta kung saan ko ba narinig.
["Remember the first day that you called my house?
Remember the first day when you took me out?
We had butterflies, although we tried to hide it
And we both had a beautiful night."]
Napahawak ako sa bibig ko ng maalala ang mga nakaraan.
["The way we held each others hand
The way we talked, the way we laughed
It felt so good to find true love
I knew right then and there you were the one" ]
This is the song that my ex-lover sang to me a few years ago. Napapikit ako sa bawat ritmo na aking naririnig. It's good. Ewan ko ba, hindi ko na nararamdaman ang sakit ng kahapon. Lahat ng panloloko ay nabalewala ng maramdaman kong minamahal kong muli sya.
Naguguluhan ako, pero ngayon ay sigurado na akong mahal ko na ulit siya. I hate myself this time. Kinain ko lahat ng sinabi ko before na hindi ko na siya babalikan. Pero what should I do? My heart is a traitor! I can't deal with it.
YOU ARE READING
WHAT IF [COMPLETED]
Teen FictionSabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws. She have her trusted friends. She's much talented, and nothing to ask for. But suddenly, she's looki...