"Nagbabalik sa pinagmulan
Nais muling balikan
Mga nakasanayan puntahan
Kaya't nagliwaliw kung saan saan"
Ngayon ang lapag ko sa Pilipinas. Hindi ko sinabihan si Ate Jen, Ate Esme, at Ate Judy. Syempre it's a surprise. Si Kuya Jerry lang ang tinawagan ko para masundo ako, sinabi ko na kapag nagtanong sina Ate Jen ay sabihin na ipapaconsult lang ang sasakyan sa talyer.
"Hi kuya Jerry, kamusta na po?"
Ang tagal ko ng hindi nakauwi dito. Kaya paglabas ko ng airport ay iginala ko ang mga mata ko sa labas nito. Ang dating mapupuno na lugar ay naging mga buildings na.
Hays kung sakaling mag-uulan dito ay paniguradong babaha. Wala na ang mga punong sumisipsip sa tubig eh.
"Kuya Jerry, pwede po bang pakihinto?", magiliw kong utos kay Kuya Jerry. Agad naman niya itong inihinto.
"Bakit Brianna? May naaalala ka ba?", sambit ni Kuya Jerry.
Tanging tango na nalulungkot ang naiganti ko rito.
Nang natanaw ko ang Rizal Park ay bumaba ako, iginala ang mata at unti unting nakita ang nakaraan.
May nakitang pamilya na masayang nagkukulitan. Isang batang babae at isang batang lalaki. Naghahalakhakan kasama ang kanilang mga magulang.
"Jazcie, Brix. Tama na muna yan, kakain muna tayo. Masyado na kayong napagod kakalaro. Mamaya na ulit.", saway ng kanilang ina. Napalapit agad sila sa kinapupuwestuhan ng kanilang nilatag na mat.
"Mommy, si Kuya Brix po ang bilis tumakbo...nahahabol niya po agad ako...", masayang pagsusumbong ni Jazcie, yung babaeng bata. Narinig ko kasi ang pangalan niya hindi ko sinasadyang maging chismosa.
"Mommy kanina si Jazcie, muntik ng madapa..buti nalang nailigtas ko siya..", isang pagmamalaki ni Brix sa kaniyang ina.
"Brianna, bakit ka umiiyak?", nagaalalang sambit ni Kuya Jerry kaya napahawak agad ako sa pisngi ko. Kinuha ko ang panyo ko at tsaka pinunasan ito. Nanatiling tahimik pa din ako. "Siguro ay naaalala mo nanaman ang kuya mo ano?", bumahid na ang lungkot sa kaniyang boses. Paano kasi mas close sila ni kuya.
"Yes Kuya Jerry, I really miss my brother", humihikbi kong sagot. "I wish he is still here...para palagi niya rin akong nililigtas...sa kapahamakan", malungkot kong sambit.
I miss the good old days. Namimiss ko na yung mga panahong nandito pa sila mom and dad para alagaan kami. Namimiss ko yung mga panahong dito pa sila nakatigil para bantayan kami ni kuya.
Pero sadly, it's just good memories right now.
Nawala ang pag-eemote ko nang may kumalabit mula sa likuran ko. Dalawang batang babae habang hinahabol ng isang batang lalaking maamos.
"Eleysa, Elayra...wag nga kayong basta bastang tumatakbo..baka mapahamak kayo", sigaw ng sa tingin ko ay kanilang kuya.
Nalungkot na naman ako, bakit puro protective na kuya ang nandito? Wala akong magawa kun'di mamiss ang kuya ko.
"Ate...ate, pwede po bang makahingi ng kaunting barya...pangkain lang po namin", sambit ng madudungis na batang babae.
"Tara sumama na lang kayo sa akin. Ibibili ko kayo ng mga damit at pagkain..", sambit ko nang makaisip ng isang magandang ideya.
"Saan po tayo pupunta?", tanong ni Eleyra.
"Sa mall, bibilhan ko kayo ng makakain at ng damit...gusto kong maliligo kayo para maging mabango at mas gumanda't gumwapo.", isang malaman kong sambit na nagpasigla sa kanila.
YOU ARE READING
WHAT IF [COMPLETED]
Teen FictionSabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws. She have her trusted friends. She's much talented, and nothing to ask for. But suddenly, she's looki...