"Mayroon akong nabalitaan
Isang kakilalang natangay sa kapahamakan
Ako'y nagulat sa aking nalaman
Ako ang tinuturong may kasalanan"
"Si Josh, palaging naghihintay sa labas", pag-ulit ng aking utak sa sinabi ni Ate Jen.
Nang magising ako ng umaga ay inihanda ang mga pasalubong para sa aking mga iniwang kaibigan.
Ginamit ko ang BMW Convertible Z4 na regalo sa akin nila mom. Isinakay ko lahat ng mga pasalubong ko. Yes, marunong na akong magdrive at may liscence na ako.
Una kong tinungo ang bahay nila Athasia. Siya ang pinakaclose ko kaya siya ang inuna ko.
Bumusina ako sa kanilang gate para ako'y pagbuksan. Nang makita ako ng kanilang katiwala ay binuksan agad ito para ako'y papasukin.
Bumungad sa akin si Ate Dani.
"Hi Ms. Brianna, long time no see. Saan po ba kayo napadpad? Ang tagal niyo na po kasing hindi nakakadalaw dito. Hehe", inosenteng tanong ni Ate Dani sa akin.
"Ah, nagvacation lang Ate Dani", palusot ko. "Asan nga po pala si Athasia?", malambing kong tanong.
"Ah, si Ms.Thasia po? Nasa kwarto niya po. Tulog pa po ata", sambit ni Ate Dani.
"Salamat po..", mabilis kong tinungo si Athasia.
This is the biggest revenge of my life WAHAHAHAHA! mala-demonyo kong tawa.
Kinalabog ko ang pintuan niya. Wala parin akong naririnig na tugon.
"ATHASIA SOLOMON MARIANO!! Get up!! Your beautiful bestfriend is here! Wake up!! ATHASIA!! Or else I'll come in!", hagalpak ko ng husto. Sabay kalabog ko sa pintuan niya.
Ay matigas ang ulo.
"ATHASIA SOLOMON MARIANO!!", bulabog ko sabay sandal sa may pintuan para dinggin ang tugon.
"Ouch!", angal ko dahil ako'y lumagabog. Binuksan ni Thasia ang pintong akin sinasandalan.
"Hey! What's your problem?", sambit ko.
"I'm sleepy, and why are you here?", iritado nitong sambit.
"Why? Ayaw mo na kong makita?", biro ko.
"I don't have time for dramas.", malamig na tugon nito.
"What's wrong?", sambit ko.
"Who the hell will leave without saying goodbye? I feel unimportant", malaman nitong tugon.
"Oh! I caught you! Omg! Nagtatampo ka no...nagtatampo ka", pangungulit ko sa kanya sabay kiliti rito.
"Nope, I'm not..", malamig na sambit nito saka bumalik sa pagtulog.
"Hey!", bulabog kong muli saka hinila ang kaniyang kumot.
"You're mad because I leave without saying goodbye yiee", asar ko dito.
"Fine..fine...nagtatampo nga ako..after that night wala ka ng paramdam at iniwan nalang kami aa. Nagpalit ka pa ng number and social media accounts. Take note almost 3 years ka nawala", dare-daretsong pagpuna sa akin ni Thasia.
"Hayx..I'm sorry okay? I'm just hurt..I join my mom and dad at San Francisco just to fix and heal myself..kaya ngayon nandito ako just to fulfill the days and years without my presence..", pagpapaliwanag ko sa kanya na agad niyang nakuha.
YOU ARE READING
WHAT IF [COMPLETED]
Novela JuvenilSabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws. She have her trusted friends. She's much talented, and nothing to ask for. But suddenly, she's looki...