KABANATA 14

47 6 0
                                    

"Hindi na alam kung sinong paniniwalaan

Sino ba talaga ang may karapatan

Pagsisinungaling ay dapat nang tutulan

Para wala nang masaktan"

Ilang weeks na ang nagdaan, grabe ang pinadama sa akin ni Josh. I feel like I'm nothing to him. Bakit ganon? Makalipas noong dinner namin ni Nathan ay tila may nagbago sa pagtrato sa akin ni Josh.

Hindi niya ako naihahatid sa bahay. Madalas ang basketball training nila. Kung ihahatid naman niya ako ay napakatahimik niya at walang imik.

Namimiss ko na ang dating Josh na makulit, caring, at masayahin. Yay! What's wrong?!

"Babe...what's wrong?", tanong ko kay Josh. Magsasalita na sana siya kaso nagsalita muli ako. "What's wrong with us?", malungkot kong tinig.

Natahimik na lamang siya at nagfocus na lamang muli sa daan.

Labis akong binabagabag ng kaisipan na ito. Nakasilip na lamang ako sa bintanang katabi ko. Mabagal ang usad ng sasakyan dahil sa trapiko.

"Josh...do you still love me?", binitawan ko ang salita ng walang pag-aalinlangan.

Lalong nagkabasag basag ang puso ko ng iniwasan niya ang titig ko at bumaling sa kaniyang bintana.

"Josh...can you answer my question?..Ayo-", pagputol niya sa sasabihin ko.

"Fine Brianna!, Natural! Kaya nga nandito ka ngayon kasama ko kasi mahal kita!", tsaka bumaling muli sa manibela ng may masamang timpla.

"But-, bakit ganoon yung nararamdaman ko?..", muling pagputol sa sinasambit ko. "I feel nothing to you..minsan nga nararamdaman kong wala na akong boyfriend", sambit ko ng walang pag-aalinlangan tsaka nagbabadya ang papatulong luha sa mga mata ko.

"Stop that thing! What do you want? Being babied by me as always? Hindi ka ba nagsasawang magpasuyo? Magpalambing? Nakakapagod kang kausapin...", isang mainit na bato ng linya ni Josh.

Tangina, ang sakit. Nag-away-away ang mga kalamnan ko. Bumuhos ang kanina pang nagbabadyang mga luha ko. Napaharap na lang ako sa may bintana ko at pinipigilan ang paghikbi ko. Hindi ko pinapangarap na saktan ako ng nagugustuhan ko. Ayokong ginaganito niya ako.

What's wrong!

"Then..you think I'm being childish Josh? Ganon na lang yung tingin mo sakin?..mahal mo pa ba talaga ako?", muling bato ko ng linya sa kanya. Wala na ko sa tamang pag-iisip.

"Oo! Oo Brianna! Childish ka na! Hindi mo iniisip yung nararamdaman ko. Palagi mo na lang iniisip yung sarili mo! Palagi na lang ako yung umiintindi! Siguro-", mainit niya muling sambit sabay dabog sa manibela.

"Siguro ano?!, itigil mo na!", hagulgol kong sigaw. "Itigil mo na yung sasakyan!", padabog ko nang sambit.

Hindi niya tinitigil ang sasakyan pero binuksan ko ang pintuan, at umaktong tatalon kaya itinigil niya ito.

Bumaba ako at natulala siya. Pinasadahan niya ng tingin ang papaalis na ako. Narinig ko na naman ang pagdadabog nito sa manibela.

Naglakad ako ng wala sa sarili. Pasuray-suray na akala mo'y nakainom. Nanlalabo kasi ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kanina, at magpasahanggang ngayon ay nahagulgol pa din.

Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ng isang sasakyan dahil sa ugong ng mga makina nito. Hindi ko na nilingon at binilisan ang paglalalakad. Bumilis din ang takbo ng sasakyan kasabay ng bilis ng paglalakad ko. Nang medyo natatanaw ko na ang bahay ay kumaripas na ako ng takbo. Nang makarating sa bahay ay hindi ko na narinig ang makinang sumusunod sa akin.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now