KABANATA 19

33 7 0
                                    

"Ano nga bang paguusapan

Utak ba'y muling pahihirapan

Dating kinalimutan ay maaari bang balikan

O talikuran na lamang dahil hindi na makabuluhan"

Sinunod ang hiling ni Mrs. Rosales. Nagpunta ako sa hospital kung saan admitted si Josh. Nang makatapak ako sa harapan ng pintuan ay huminga ako ng malalim.

"Sabrianna Dela Cuesta Contreras, kahit anong sabihin o gawin nila ay wag na wag kang bibigay. Understood?", banta ko sa sarili. Para na akong baliw sa mga pinaggagagawa ko. Kinakausap ko na ang sarili ko.

Napatalon ako ng may nagbukas ng pinto bago pa ako makakatok. Jusme, it's just a nurse. Buti naman naiimagine ko kasi si Josh na bumangon na tapos ipagdidiinan na naman niya sa akin na ayaw sa akin ng pamilya niya. Naiiyak na agad ako. Memories bring back.

Nang magtama ang mata namin ni Mrs. Rosales ay pinapasok niya ako gamit ang mga mata niya. Ayos, mukhang may special powers siya dahil napasunod niya ako.

Ay walang formality? Hindi man lang ako sinundo sa may pinto? Fine, whatever.

Nabibingi ako sa makinang bumubuhay kay Josh. He's still unconscious. Nang makita ko siya ay kinilabutan ako.

Maraming pasa at sugat sa kaniyang katawan. Naghilom na ang mga sugat, ngunit ang mga pasa ay tila buhay na buhay sa kaniyang katawan. Gaano kaya kalakas ang impact nito? Masyado akong kinikilabutan. May hemophobia kasi ako, fear of blood.

"Good Morning po...", matipid ngunit magalang na sambit ko kay Mrs. Rosales.

"Good Morning..that's my son's condition right now..", matipid na bati niya na nasasaktan.

Napa-nod na lang ako.

"Kaya I wish, pumayag ka sa hihilingin ko..", dagdag pa ng mom ni Josh nang makitang tinitignan ko si Josh. "Sabrianna Contreras, I want you back..", matipid ngunit malaman na sambit ng ina ni Josh.

Napanganga ako ng sobrang laki. What the- akala ko what ifs lang yung kanina. Sabi na ba ee, kaya niya ako pinapunta dito.

"I'm sorry Mrs. Rosales ngunit mawalang galang na po hindi niyo po alam kung gaano ako sinaktan ng anak ninyo...", protesta ko.

"But you don't know what he does to win you back", malaman na namang sambit ng ina ni Josh. Tae intimidating ha.

"But...I promise to myself not to be stupid, I don't want to suffer again and again.", sambit ko na nagaalangan."Sorry Madam, but you don't know how much pain did your son does.", napailing kong sagot.

"Oh come on Sabrianna, he fight for his undying love for you...", sambit ni Mrs. Rosales. "Alam mo ba kung bakit siya nakaratay diyan?...because he wants you back..palagi siyang nasa tapat ng bahay niyo at hinihintay kang bumalik", dagdag niya. "Nakainom siya noong papunta siya sa bahay niyo, and suddenly an uncontrolled truck show. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi niya na nakita ang truck kaya hindi siya nakailag agad. Actually marami siyang violation, ngunit as of now hindi pa pinaprioritize hanggang sa maging maayos ang condition niya", malungkot na sambit ng ina ni Josh.

"I'm sorry if this sounds bad Madam, but he told me that you doesn't like me...kaya niya ako iniwan.", nabasag kong sambit.

"Really? Sinabi niya yun sayo? Oh come on Sabrianna..actually ngayon lang kita na meet...Athasia mentioned your whole story to me...I'm really sorry for that...pero alam ko namang pinagsisihan na yun ng anak ko...kaya please sana tuparin mo ang aking hiling...", malamang sambit muli ni Mrs. Rosales.

Nakaramdam ako ng guilt. Malay ko ba kung totoo lahat. Pero nung naalala ko ang sinabi ni Ate Jen ay mukhang totoo nga. Ayokong maniwala sa mga sinasabi nila. Sinaktan niya ako. Sinaktan niya ako ng todo.

Makailang reject ko sa pakiusap ni Mrs. Rosales ay lumuhod siya sa harapan ko.

"Sabrianna Contreras, I'm here in front of you kneeling and wishing to grant my wish for my son's sake.", nakapikit na nakaluhod na sambit ni Mrs.Rosales. "I wish you'll comeback this time..", pagmamakaawa ng mom ni Josh.

Hindi ko maimagine na sa yaman nila ay luluhod lang siya sa harapan ng wala pang naaabot na batang babae. Hindi ko maimagine na lumuhod siya sa harapan ko.

Bumagal ang mundo ko, nagslow motion na tila'y hindi makagalaw. Ngayon ay nakatitig ako sa mom ni Josh na seryoso sa kaniyang hiling.

"Please comeback, Sabrianna", daing na naman ng ina ni Josh.

Focc, ano ba 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagulat ako ng may magsalitang batang babae sa likod ko.

"Mom, what are you doing?", tanong ni Jalicia sa kaniyang inang nakaluhod sa harapan ko.

Napamulat agad si Mrs. Rosales at winika, "I'm pleasing Sabrianna to comeback with your brother...", naluluha nitong sambit.

Napatingin sa akin si Jalicia. Parang may pagkamuhi ang lapat ng mga mata niya sa akin.

"Okay madam, you can stand now. It's not my intention to please me while kneeling.", buntong hininga ko. "Fine madam, I'll granted your wish...but kapag gumaling na po siya ay iiwan ko na siya...", dagdag ko.

Nakita ko ang pagdiriwang ng Mom ni Josh. Sa katunayan ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ganto niya pala kamahal si Josh 'no? Kaya niyang halikan ang lupa para sa kapakanan ng anak niya.

Napangiwi na lang si Jalicia sa amin pero ng tumagal ay naliwanagan din. Ngumiti tsaka yumakap sa akin.

"Thank you Ate Brianna for forgiving my Kuya", sambit ni Jalicia.

Napangiwi naman ako. Hindi ko naman pinapatawad ang kuya mo err. Tinupad ko lang ang hiling ng mom niyo. Iiwan ko din naman siya once he recover.

Lumapit ako sa nakahandusay na Josh.

"Hoy gago, pasalamat ka napilit ako ng mom mo. Kasi kung walang gumawa sa akin non, hinding hindi kita babalikan. And hindi ako bumabalik para mahalin ka muli, kun'di bumalik ako para maging ayos ka kaagad. Para makaalis ako sa puder niyo.", muhing muhi kong bulong sa kanya. "Kelan ka ba kasi gigising? Napasubo yata ako sa lupit ng pagsubok. Kung hindi ko naiisip na anak ako ng Diyos ay kanina ko pa tinanggal yang oxygen mo..", naiinis ko na namang bulong.

Naka ilang oras din ang itinagal ko sa hospital. Nang makarating ako sa bahay ay tinawagan ko agad si Mom para ikwento ang mga nangyari kanina.

Sht! Hindi ko ito ginusto.

"Mom, mom's Josh is pleasing me to comeback...", may pagkairitadong tinig ko noong binanggit ko ang Josh.

"Ohmyghad babygirl, then what do you do?", gulat na reaksyon ni mom.

"Ayun po, nakulitan ako. Edi I granted her wish. But-" sambit ko at agad namang pinutol ni mom ang sinasabi ko.

"What?! Seriously?", gulat niya agad na tanong.

"Yes mom, is it bad? Or brainless decision? And take note, until he recover lang naman po iyon...hindi naman ako mapapamahal doon...over my dead body", sambit ko kay mom na nagpatawa sa kanya.

"No baby, it's a wise decision. You know why? Because nakatulong ka even though he hurt you...HAHAHA muhi muhi ka baby?", natatawang sambit ni mom.

"I don't know mom...", sambit ko sabay nagkibit-balikat.

"Okay baby, it's late na...goodnight sleepwell..", pamamaalam ni mom.

Pinatay na ni mom ang call. Napatitig ako sa kisame at inalala lahat ng nangyari kanina. Focc hayx, ayoko ng ganitong set up.

What if nahulog akong muli? What if madala na naman ako sa gestures niya? Ayoko na. Ayoko na. I hate my what ifs.

Sana magising na agad siya para makaalis na agad ako. I need a simple and a nice life.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now