Pretty Much
Chapter One
"Ari, tara na! Sa loob ka na magbasa at male-late na tayo!"
I heaved a sigh. Nagmamadali talaga palagi ang isang 'to. Kakahawak ko pa nga lang ng handouts ko.
"Ang OA mo talaga kahit kailan. May twenty minutes pa nga bago mag-start ang klase natin," I complained after checking my watch.
"Girl, mahirap na at baka mawalan pa tayo ng upuan," she said, rushing towards our room. "Syaka 'di mo ba alam ang balita?"
Napatingin ako sa kanya. "Ano na namang chismis ang nasagap ng radar mo aber?"
She flicked her hair. "Hey! This isn't just cheap chismis. Awareness 'to, girl, para hindi ka ma-scam!" she exclaimed, a bit exaggerated for my opinion. "As I was saying, trending sa cancel party 'yung well-known graphic designer na mahilig mang-catfish at mang-scam sa mga girls."
"So?"
She grunted. "Ang slow mo talaga. My point is mag-ingat ka sa mga online dating. Marami ng manloloko ngayon."
"Ikaw nga mahilig sa ganyan, e. So you should saying that to yourself instead," natatawa kong sambit at naunang lumakad sa kanya. Bago pa man ako makatapak papasok may mga tumawag na agad sa pangalan ko.
"April, thank you pala ha. Ang taas ng grade ko do'n. Next time ulit!"
"Indeed! By the way...can I have it later night? Bukas na kasi pasahan no'ng akin," the girl beside her said in a not so shy smile.
Sasagot na sana ako nang unahan ko ni Jade. "Ops, mamaya niyo na kausapin ang idol niyo at may klase pa kami. Chupi!"
Natawa ako nang makapunta kami sa pwesto namin. "Sira ka talaga kahit kailan, Sagi."
"FYI, may bayad ang pagbo-bodyguard ko sa'yo a. Sobra mang-istorbo mga fans mo."
Napailing na lang ako. Kung may tao mang itinuturing ko ng pamilya, si Jade 'yon. Soul sister niya raw ako kahit na parang 'di accurate kasi ang dami naming difference. As in!
Sobrang naniniwala rin siya sa horoscope so she opted that we call each other based on our zodiac signs. Although pareho kaming Sagittarian, Aries ang tawag niya sa'kin.
Parang tanga kasi ang origin ng pangalan ko. November ang birth month ko pero April ang ipinangalan sa'kin. My parents chose that instead kasi 'yon daw ang month na nalaman nilang buntis si mama at syempre mas maiksi.
Weird 'no pero nasanay na rin ako.
Hindi na rin bago sa'kin ang mga schoolmates kong bigla bigla na lang akong tinatawag. Kahit kumakain, walang paawat.
BINABASA MO ANG
Pretty Much (PS #1)
Teen Fiction"I like you but this is pretty much...This is just too much." ~~~ April Velasco is a typical college student who is trying to strive through school and through life, in general. To make the ends meet, she is a librarian at night. She doesn't entirel...