PM 3:Sign

28 3 1
                                    



Pretty Much

Chapter Three


"Bakit print out?"


I lean back on my seat and massage my temples. Kakaiba rin ang isang 'to.


He really has the guts to order me around? Hindi ba na-send sa kanya ang rules ko? Ang sakit na nga sa ulo ng papel niya tapos dadagdagan niya pa?


So far, ito na talaga 'yung pinakamahirap na paperwork na ginawa ko. I had to even write it from scratch kasi lagi siyang lumalayo sa point niya. If he would pass this to me, I'd definitely reject this.


Hindi naman sa pagiging perfectionist but he should've at least made an effort to up his game. Hello! Pang-college level na dapat 'no.


Marunong naman siya mag-english but it's too slang. 'Di akma sa formal paper na ginagawa niya. Also, to think na sa isang araw niya na 'to kinukuha. Hindi ko alam kung matatapos ko kasi masyadong rush at 'di lang naman siya ang priority ko 'no! May grades din akong mine-maintain!


I browsed again through his paper or his first draft. Napansin ko ang front page.


Ah kaya pala...taga-Kirk kasi. As in Kirkside Academy. A high-end school that is known all over town. Maganda nga doon like they all said pero its deviant students definitely made the noise. No wonder, doon galing ang kliente ko ngayon.


Siya ang pinakaunang estudyante na nagpagawa sa'kin galing sa school na 'yon. Madalas kasi mga nasa campus lang din ang kliente ko. He proved me even more na tama nga ang mga sabi sabi sa mga nag-aaral do'n.


Pare-pareho silang masyadong entitled porke't mapepera. You'll feel like you have no say in everything kahit na ang unfair na kasi binabayaran ka naman.


My rules were simple: The transaction should remain confidential, Payment before the final draft, and I could only send it through email.


Sobrang hirap ba at 'di niya masunod 'yon?


Dodoblehin niya raw ang bayad. Kesyo busy siya sa play-offs na kaya 'di niya raw maasikaso. Student athlete pero 'di kaya magpaka-student?


Jusko. Ang aga aga, stress agad ang almusal ko. 'Pag ako talaga nainis, magpu-pull out ako dito.



Tiningnan ko ang phone ko na kanina pa pala nagba-vibrate. Ang daming missed call ni Jade.


Shet! Kaya pala, male-late na'ko!


I quickly shut off my laptop and put it inside my bag. Mamaya ko na'ko magre-reply sa ungas na'to.



"O nagmamadali ka ata?" ate Celis noticed as I silently run towards the door. Mahirap na at baka maabala ko pa 'yung mga tao dito.


"Male-late na'ko. Bye!"


Mabilis akong sumakay sa napadaan na tricycle. Buti na lang may bakante at 'di na'ko pupunta mismo sa terminal.

Pretty Much (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon