Pretty Much
Chapter Twenty-nine
This new year's first week flew in by a rush. It's true that when you're happy, you suddenly became unaware of the time.
All of this feels foreign kahit na hindi naman 'to ang first time ko. Pero ewan ko, iba ang pakiramdam ko pagdating kay JC. I felt lighter when I'm with him.
Hindi nawala ang communication namin eversince bumalik siya sa kanila. He decided to have a designated call time every other day. Kailangan ko pa kasing pumunta downtown para magka-signal. Yes, effort talaga pero worth it naman kapag nakakausap ko na siya.
Minsan nga sumasama pa ang mga kapatid ko. They're obviously fond of him too. Lagi nilang pinapakanta si JC kasi gandang ganda talaga sila sa boses niya. Dumating na nga sa point na gusto nilang i-record para mapakinggan nila sa bahay.
Kahit no'ng nagpasukan na, 'di siya tumigil sa panliligaw. He always visits the library when he has time. Dahil nga hindi ako mapakali sa gano'ng set up, nagkusa siyang ipakita sa'kin ang sched niya para patunayang hindi siya nagcu-cut ng classes.
No matter how I'm enjoying what's happening between us, hindi pwedeng siya at siya na lang ang isipin ko.
New year means new billings.
Hindi ako pwedeng maging distracted dahil sa kanya. First priority ko pa rin ang studies ko tapos work, and pangatlo na siya.
"Tita Silvia, ito na po pala 'yung para sa ngayong month." Inabot ko ang bayad ko sa apartment nang papasukin niya ako sa kanila. "Sorry po, ang aga ko mangbulabog. Baka kasi tulog ka na pagkauwi ko."
"Nako wala 'yon, hija. Alam mo namang maaga talaga ang gising ko."
I didn't bother to sit nor eat breakfast kahit inaaya niya ako. 'Di niya na rin ako pinilit at hinatid na lang sa gate nang malaman niyang may shift ako ngayong umaga.
"Hindi ka ba susunduin no'ng lalaking pumunta dito? 'Yung nakasasakyan?" she questioned, smirking a bit.
Napailing na lang ako at tuluyan nang umalis. I don't know who is she referring to, given na dalawang naka-kotse ang naalala kong pumupunta sa apartment nang walang paalam.
Wala pa si Ms.D pagkapasok ko kaya mabilis akong nag-ayos sa loob. Malinis naman na but still may pine-prepare pa kami araw araw bago may pumasok na mga students.
It was unusual for her not to be early. Malapit na kami mag-operate dito pero wala pa rin siya. Sa sobrang aga pa naman niya palagi aaakalain mong dito na siya natutulog.
One time kasi nag-try akong pumasok nang mas maaga. Mga one hour before pero nando'n na siya, prenteng nakaupo sa may counter.
BINABASA MO ANG
Pretty Much (PS #1)
Teen Fiction"I like you but this is pretty much...This is just too much." ~~~ April Velasco is a typical college student who is trying to strive through school and through life, in general. To make the ends meet, she is a librarian at night. She doesn't entirel...