PM 14:St.John Building

10 2 0
                                    



Pretty Much

Chapter Fourteen



Once I got out the door, I was a bit shock to see a crowd full of people roaming around. Kahit saan ako tumingin, may estudyante. May mga mabagal maglakad, may sakto lang, at may mga iilang tumatakbo. Mas maingay din compared kaninang umaga.


Ba't kasi saktong lunch time ang out ko?


Kung tutuusin, pupwede akong magtanong ng direction sa kanila. Pwedeng pwede kong abalahin saglit 'tong mga nag-uusap sa tabi ko. But I can't bring myself to do it. Mukha kasi silang unapproachable lahat. With these people around me, I can't seem to find a kind face.


Habang tumatagal, lalo lang akong nahihilo sa daming ng tao. Nakaka-suffocate 'yung siksikan at init. Napilitan akong tumingkayad para maghanap kung saan walang gaanong tao.


My eyes then caught the football field. Malamang sa init walang gustong lumakad doon. I immediately walk in there without thinking twice nonetheless.


May kaunting silong naman galing sa bleachers kaya 'di masyadong nakakapaso ang init tulad ng inaasahan ko. Tahimik pa nga at mahangin. Dito na nga ako maglalakad parati after ng shift ko.


I brought out the permit from my pocket. If it wasn't for this, I would literally storm out in an instant. Wala naman akong makitang taga-maintenance para pagtanungan. Baka libutin ko pa 'tong buong campus para makita lang 'yung pesteng building na 'yon.


Honestly, kating kati na talaga ako makalabas dito. I don't like the thought of staying here more than I should. Pakiramdam ko kasi anytime lalapitan ako ng gulo.


"Miss, tabi!"


I felt the sudden rush of adrenaline coursing throughout my body when I saw a football aiming exactly where I'm standing. Agad akong tumakbo habang tinitingnan kung nakalayo na'ko doon sa bola.


Shet. This is what I'm talking about!


I just ceased from running when I crash into someone along the way.


"Son of a bi—"


Dahil sa lakas ng impact tuluyan siyang napasigaw. My eyes widen when I saw that she's on the verge of falling. Inabot ko kaagad ang kamay ko para tulungan siya. But it made me the one who fell on the ground instead.


Hindi ko alam kung sadya 'yon or what kasi natulak niya ako sa damuhan while she's regaining her balance. Ewan. Siguro ganoon na ako katamlay kaya ang bilis ko matumba.


"Ano ba! I'm gonna break my ankle because of your stupidity!"


Napaawang ang bibig ko. She's literally yelling at the top of her lungs out of rage. If her long nails would come nearer, malamang nasugatan na ako dahil sa pagduduro niya sa mukha ko.

Pretty Much (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon