Pretty Much
Chapter Eight
I don't know if I will rejoice or not of the fact that I'm stranded here with him all night. Kung iisipin, parang once in a lifetime experience lang 'to. Hindi araw araw may dumarating na moment para makasama si long time crush nang mas matagal pa sa one hour.
Natural naman na kiligin. Anyone would probably have a garden of butterflies all over their stomach too. Tapos ang cliché pa ng situation namin. It's like I'm in some cheesy rom-com movie.
Kaya lang hindi pa man din nag-uumpisa, nag-switch na yata sa tragic ang genre. I mean, sino ba ang mag-lulumpasay sa tuwa kung na-trap kayo dito sa abandonadong part ng lib?
We're both still as we eyed the staircase in front of us. It's past an hour since we got up here. Tahimik ako kasi dina-digest ko pa talaga ang mga nangyari pero ngayon 'di na ako natutuwa. Mababaliw na ako kakatunganga dito.
I feel him glance at me when I suddenly stand up. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at itinutok sa mga librong sinalba namin. Isa isa ko 'tong binuklat para matuyo kahit papaano.
Tumulong na rin siyang gawin iyon sa dami ng mga libro. Medyo lumayo na nga sa pwesto namin ang mga librong binubuklat ko ngayon. Gano'n siya kadami.
Nang matapos, inabot ko naman ang mga bintana para buksan. Nakaka-suffocate na rin kasi wala namang pumapasok na hangin dito. Syaka para mabilis matuyo ang mga libro.
I tiptoed to pull the handle of the window. Nahihirapan akong gawin 'yon kasi matigas at nangangalawang na. Wala pa man din akong nabubuksan, nananakit na agad ang leeg ko kakatinggala doon.
I was about to pluck it again when a cold hand suddenly topped over mine. "Ako na."
Agad kong inalis ang kamay ko at tumabi sa gilid. 'Di ko alam kung ba't parang napaso ako sa hawak niya kahit na malamig iyon. I felt as if I was electrified of some force.
I shook those thoughts away and went back where we were seated earlier. I let him do the job since he's taller and way stronger than me.
Not long after, naramdaman ko na ang presensya niya sa kanan ko. I shifted an inch from him. Nahihiya ako tumabi sa kanya. Gustohin ko man kasi lumayo for at least three chairs away, 'di ko magawa. Dito lang ang pinakamalinis na nakita naming pwedeng upuan. The other side's full of garbage. Syaka feeling ko dito rin ang napili namin para kung sakaling pumunta dito ang rescue team, mabilis kaming mahahanap.
Sus, sinong niloko ko. Asa naman akong merong darating dito ngayon. The storm's still raging outside. For sure, mahihirapan silang makapasok dito.
We're literally close to each other kaya ang awkward gumalaw. Kaunting urong ko lang mababangga ko siya. At ayoko na ulit dumikit sa kanya. Baka maramdaman ko ulit 'yung kuryente.
I kept dialing all their number continuously. We need to get out of here. Mamatay ako sa sobrang tahimik dito. Syaka obvious naman na he doesn't want to be with me either. Tingnan mo nga at nakapikit na siya diyan.
BINABASA MO ANG
Pretty Much (PS #1)
Teen Fiction"I like you but this is pretty much...This is just too much." ~~~ April Velasco is a typical college student who is trying to strive through school and through life, in general. To make the ends meet, she is a librarian at night. She doesn't entirel...