PM 42:At the Steps

17 3 0
                                    



Pretty Much

Chapter Forty-two


"Saglit lang, Ari!"


Tuliro akong tumigil sa pagtakbo at hinarap siya. "Jade, kailangan ko siyang abutan."


"Sa'n mo naman siya hahanapin?"


"Hindi ko alam..." nabablangko kong sagot. "But I can't lose him. I just can't."


I felt as if my heart fell to my stomach when Jade showed me that they're trending on twitter. Nanlamig ako sa mga nabasa ko. Ayokong maniwala pero ang daming article ang nagpapatunay about sa deal nila with this record company. Though walang official statement, may mga conspiracy tungkol sa mga latest posts nila individually. And JC's was 'Please fly with me.'


Alam kong baka rumour lang 'yon pero ayokong balewalain. Besides, rumours are always half true. Ayokong mahuli ang lahat bago pa ako maniwala.


Nilapitan ako ni Sagi at niyakap. "Shh don't cry...Gusto mo samahan kita?"


Kumawala ako sa yakap niya at umiling. "Okay lang, kaya ko na 'to."


"Sige, ingat ka ha. Call me after."


Wala na akong inaksayang panahon at sumakay sa unang jeep na dumaan. I try to call him but he's out of reach. Lalo akong na-a-anxious dahil doon.


Sa Kirk ko naisip na pumunta. It's the only place I have a huge chance of seeing him. Alam kong may klase siya kani kanina lang kaya pwedeng nando'n pa siya kung hindi siya um-absent or hindi pa sila umaalis.


But unfortunately, the rush hour made it seem impossible. Halos two hours tuloy ang naging byahe ko. Kung pwede ko lang talaga lakarin kanina ko pa ginawa.


"Ops! Saan ka pupunta?" harang sa'kin ng guard nang papasok na dapat ako.


Ibang guard kasi ang naka-shift ngayon kaya hindi niya ako kilala. I fumbled my ID and gate pass to show it to him. "Sir, dito po ako nagtatrabaho."


My hands are fidgeting against my pants as I wait for him to confirm my identity. Nakakaasar nga kasi parang akala niya niloloko ko siya. "Sarado na ang library. Bukas ka na bumalik."


"P-Po?" Nanlumo ako habang binabalik niya sa'kin ang mga ID ko. "Kahit saglit lang po. Saglit na saglit lang talaga."


"Hindi nga pwede, miss."


"Kahit ten minutes lang po please," I begged more.


Mas hinarang niya ang sarili niya sa gate nang nagpupumilit akong pumasok. "Ang kulit mo. Ako ang malilintikan kapag pinapasok kita."

Pretty Much (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon