Pretty Much
Chapter Forty
"Hija, kain ka pa."
Nabalik ako sa ulirat nang sandukan ako ulit ng panibagong kanin ni tita Silvia. Tatanggihan ko na sana kaya lang tuluyan niya na 'yon nailagay sa plato ko.
I frustratedly take a spoonful of rice and shove it into my mouth. Kanina pa kami kumakain dito kaya busog na busog na ako. Ayoko namang itapon kasi sayang at marami ang nagugutom.
"Kumain ka nang marami at namamayat ka na kakatrabaho," dagdag niya at syaka sinandukan pa ako ng ulam. Mas lalo akong nanghinayang dahil sa dami no'n. Balak niya yatang ubusin ko pa ang nasa kaldero. Desidido talaga siyang patabain ako.
Don't get me wrong, masarap naman magluto si tita. She eased down my homesickness whenever she gave me home-cooked meal...It's just that I'm really not comfortable to be here.
"Oo nga, la. Hindi ko alam kung kailan siya huling kumain sa payat niya," gatong pa ni Trevor bago sumubo ng pagkain niya.
He's the one I'm not comfortable to be with. Kung siguro kami lang ni tita ang nandito baka enjoy na enjoy pa ako kasi tinuturing ko na rin siyang ina.
Eversince I came back, this dinner is something I don't look forward to every night. But I didn't have much of a choice.
"Narinig mo 'yon, hija? Nag-aalala si Trevor sa'yo. Parang dati lang..."
Napilitan akong ngumiti sa sinabi ni tita. I then glance at Trevor, who don't even look apologetic at all. Ugh. Tuwing gabi ganito na lang ang nangyayari.
Uuwi ako galing school at bago pa ako makapasok sa apartment haharangin ako ni tita para ayaing kumain sa kanila. Tapos buong gabi niya kaming pinipilit i-matchmake ni Trevor.
Tita Silvia didn't know the real reason why we broke up. Ang sinabi ko lang noon gusto muna ni Trevor mag-focus sa studies kaya umalis siya. O 'di ba, ang martir lang ng rason.
It might seem like I'm protecting him but eventually, all I care about is tita Silvia's state. May edad na rin kasi siya.
Lola siya ni Trevor but she preferred to be called tita para bagets daw. Natatakot ako na baka atakihin na lang siya bigla 'pag nalaman niya ang ginawa ng paborito niyang apo.
Sumunod dito si Trevor para bisitahin ang lola niya. He insisted that he'll be the one who break the news to her. But days passed, wala pa rin siyang sinasabi.
"Kayo na lang kasi ulit, hija. Bagay na bagay pa naman kayo, 'di ba, apo?"
Trevor grinned as he caresses his nape. "Grabe ka naman ho mang-pressure, la."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What did he meant by that?
BINABASA MO ANG
Pretty Much (PS #1)
Teen Fiction"I like you but this is pretty much...This is just too much." ~~~ April Velasco is a typical college student who is trying to strive through school and through life, in general. To make the ends meet, she is a librarian at night. She doesn't entirel...