Pretty Much
Chapter Thirty-seven
Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang mga tubong nakasaksak sa maliit niyang katawan. He shouldn't be here. He should be out there playing under the sun just like the other kids.
My thumb gently caress his hand where the needle was inserted. Sabi ni mama iyak daw nang iyak si July habang kinakabitan ng dextrose. Kung saan saan daw siya tinurukan kasi hindi mahanap ang ugat niya.
"A-Ate?" His small forehead creases as his eyes adjusts to the light.
"Kumusta na ang baby July namin?" nakangiti kong tanong habang pasimpleng inaalis ang luhang namumuo sa mata ko.
"H-Hindi na...Hindi na ako baby, ate."
I giggled. Even if he's twenty one, I'd still call him baby. He'll always be our little one.
"Matulog ka na ulit. Inaantok ka pa, o. Mamaya lilipat na tayo ng hospital."
With a small smile, I lightly pat his head and bid him goodbye. Bawal din kasi ako magtagal dito sa ICU. Syaka baka mamaya biglang kumirot ang tiyan niya kakapilit niyang gumalaw para sa'kin.
Binigay ko muna ang scrub gown na suot ko kanina sa nurse bago lumabas. My heavy body landed to the nearest seat. In closed eyes, I bend my neck up to relieve the pressure in it.
Dumiretso agad ako dito pagkagaling ko sa airport. Pinauwi ko muna sila mama kasi alam kong ilang araw na rin silang puyat at pagod kakabantay.
"April?"
Sa gulat, nabangga ko siya at ang kapeng hawak niya. Potek naman kasi. Nakapikit ako tapos bigla bigla na lang siya diyang hahawak sa balikat ko.
In a haste, he wipe the spilled coffee on his shirt while muttering.
"O gamitin mo." Padabog kong inabot sa kanya ang wipes na dala ko para matigil na siya sa kaka-panic sa ngayong napaso niya ng mga daliri. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Binabantayan ko si July," simple niyang sagot habang pinipilit alisin ang stain sa shirt niya kahit halata namang 'di matatanggal 'yon sa gano'n lang.
"Pa'no nangyari 'yon aber? Si papa ang nakatoka ngayon."
Lito niya akong tiningnan. "I replace him at this hour every day."
Napahilamos ako ng mukha. Of all people, why him? Marami naman kaming kamag-anak kaya ba't siya pa ang pinagbabantay nila? Ba't sa hinayupak ko pang ex?
And really, sa kanya pa talaga nila ipinagkatiwala si July. Nakalimutan na ba nila ang ginawa ng gagong 'yan?
BINABASA MO ANG
Pretty Much (PS #1)
Teen Fiction"I like you but this is pretty much...This is just too much." ~~~ April Velasco is a typical college student who is trying to strive through school and through life, in general. To make the ends meet, she is a librarian at night. She doesn't entirel...