Pretty Much
Chapter Seven
"Miss, bibili ka ba?"
Napalingon ako sa ale na kanina pa nagsusungit sa'kin. Pang-ilang beses niya na tinanong sa'kin 'yan pero palagi akong humihindi.
She snorted when I didn't respond. It's obvious on her face na kaunti na lang hahampasin niya na talaga ako ng pamaypay na hawak niya dahil sa inis.
High blood siya kasi kanina pa ako tumatambay sa tapat ng bakery niya. Hindi ko naman kasi kasalanan na tinanggay ng ulan ang payong ko. Tapos saktong dito pa ang pinakamalapit na pwedeng silungan.
Medyo pinagsisihan kong nagpumilit akong pumasok kahit sinabihan na'ko ni tita Silvia na dalawang bagyo ang nagsasalubong ayon sa weather forecast. Up until after our classes, umuulan pa rin. Titila lang saglit tapos uulan ulit nang napakalakas. Nag-uumpisa na nga ang baha no'ng lumabas kami.
My best friend saved me by giving me her spare shoe cover. Hindi ko alam na may gano'n pala. As always, she said that I'm an alien at everything kasi lagi akong walang alam sa mga bagay bagay.
Kanina pa ako nakikisilong dito sa bakery kasi hinihintay ko matapos ang ulan. I can't just walk while the rain's heavily pouring. Bukod sa may shift pa ako, masisira rin ang laptop sa loob ng bag ko.
Jusko. Ang hirap naman maging helpless sa gitna ng ulan.
Napahilamos ako ng mukha nang sinilip ko ang relo ko. I'm already late! Ayoko namang um-absent kasi sayang. Ilang tumbling na lang at nasa library na ako.
It looks like wala naman talagang plano tumigil ang ulan kaya naisipan kong umalis na. I put my bag in front of me and start hopping towards the stores past the bakery.
Bwiset. Ang sungit kasi no'ng ale. Akala mo 'di niya ako naging customer dati. Para makikisilong lang sa gilid, 'di naman ako nakaharang kung may bibili. Hinihintay ko lang kung may mabait na dadaan. Kakapalan ko na sana ang mukha kong makipayong, makarating lang sa lib.
I just moved two stores away but it feels like I've been hopping my whole life. Hingal na hingal na agad ako. Pa'no, ang bigat kasi ng bag ko tapos iniwasan ko rin 'yung part na baha para hindi mabasa ang jeans ko.
Sana pala 'di na ako nag-inarte no'ng inaya ako ni Sagi na ihatid dito. Kaya lang nakakahiya kasi ang hassle sa kanila. Ang out of the way masyado. They always drive to the opposite way kasi nga traffic lagi dito and the fact that the road here floods easily.
With that said, umaabot na nga sa sapatos ko ang tubig. Lagi yatang barado ang drainage dito kaya baka mas tumataas pa. I need to go faster!
Malayo layo pa ang tatalunin ko kung gusto kong magkaroon ng tuyong sapatos mamaya. When I thought what I did was the hardest, I felt more hopeless as I glance on the next shop.
Sobrang liit lang ng roof para makasilong ako. Dumidilim na rin kaya hindi ko masyadong maaninag ang daanan. But it looks like I have to jump sideways.
BINABASA MO ANG
Pretty Much (PS #1)
Teen Fiction"I like you but this is pretty much...This is just too much." ~~~ April Velasco is a typical college student who is trying to strive through school and through life, in general. To make the ends meet, she is a librarian at night. She doesn't entirel...