Pretty Much
Chapter Thirty-three
"Sagi, sasama ka ba?" tanong ko habang nagliligpit ng gamit.
"Oo, wait." Muli niyang nilingon ang mga ka-bloc namin. "Girls, chat na lang if may balita na ulit sa kanila ha."
Kinuha niya ang bag niya pagkatapos at hinatak ako palabas ng room. "Tara na! Ang bagal mo talaga, Ari."
I scoffed. "Wow ha. Ikaw nga hinihintay ko diyang matapos maki-chismis."
"It's not chismis, okay? Bagong recruit kasi ako sa fandom...I became a fan of The Seaside since last night," she beamed.
"The Seaside?" Kumunot ang noo ko. Sino na naman 'tong tinutukoy niya? Bagong trending ba sila sa twitter?
Jade's obviously in a trance of her dreamy thoughts as she continues, "Sila 'yung sinasabi kong super galing na acoustic band na gustong i-sign ng sikat na record company abroad."
'Di ako nagsalita habang naglalakad. I didn't really know who's she talking about. And her eye roll is an indication that I messed up her dreamy trance by not being as excited. "Ugh. Why do I even expect that you remember?"
"Sino ba kasi? Sabihin mo na," curious kong tanong. May kinuwento siyang gano'n sa'kin? I never heard of them.
"Remember no'ng pumasok sa Hell House 'yung mga taga-Kirk?" Tumango naman ako. "Nakausap mo 'yung isang member doon kaya lahat kami halos patayin ka na sa inggit."
Inalala kong mabuti ang sinabi niya. Two to three people lang yata ang nakausap ko galing Kirk and one of them was Kyle so—Oh, that guy. 'Yung inalalayan kong tumayo.
Agad ko siyang nilingon. "Siya ba 'yung kakulay ng buhok ni Eminem?"
She bursts out of laughing. "Justin was known for that."
"Totoo naman kasi!" sagot ko at sinabayan siya sa pagtawa.
"Okay, stop na sa tawa." Biglang sumeryoso si Sagi at mariin akong tiningnan. "Let's get down to serious business, nakikita mo ba sila sa Kirk?"
"Ewan ko. Hindi ko naman alam ang itsura nila."
Napahilamos siya ng mukha habang naghihintay kami ng jeep. "Oh, my god, April! I could've told you sooner, feeling ko nakikita mo na sila doon, e."
She was about to show me their picture when the jeep came. 'Di na rin natuloy ang pag-uusap namin kasi siksikan sa loob.
________
"Gosh! Ang lagkit ko na!" she complained as soon as we reach our destination.
BINABASA MO ANG
Pretty Much (PS #1)
Teen Fiction"I like you but this is pretty much...This is just too much." ~~~ April Velasco is a typical college student who is trying to strive through school and through life, in general. To make the ends meet, she is a librarian at night. She doesn't entirel...