Chapter 29: The Story behind the Vanderdush Siblings

9.1K 172 1
                                    


Reizser's POV

(Harringtone University, 7:24pm)

"Reizs, uwi na tayo. Inaantok na ako. Tigan mo nga yung mga estudyante, bagot na bagot na oh. Tara na" that's wife. We're in harringtone, at the event hall, continuation ng naudlot na pageant ito.

"Just one more minute wife. After this we can go home now"

"Eh? Wala naman na tayong dapat intayin e" pagmamaktol niya na parang bata. She's so cute when she's doing that.

She said, tapos na daw ang program because they're already finished modeling. Hindi pa nga na a-anounce ang mga kasama sa 2nd round gusto nang umuwi.

And yeah, it's already been 2 weeks simula ng endearment na pauso ko. I really insist of having an endearment, normaly girl will be the first to asked. Actually that time I'm so happy, super. Know why? Soon.

"Monggi~" that's her and she's using her puppy-dog-eyes again.

Oh Teddie, you know I can't resist you with those but... The pageant.

I hold her left hand, while the other one is on her cheek.

"Angel, pleasssse?" even though I don't like acting cute and begging, I just did it para mapapayag ko si Teddie na wag munang umuwi.

"Waaa! Ang daya mo naman e. Alam mo namang hindi kita kayang matiis kapag ganyan inaasal mo *pout*. Sige na nga, pero sa isang kondisyon" kumunot ang noo ko nung sinabi niya yon, but nawala naman agad.

"What is it?"

"Pakurot ng pisngi" she said. At first gusto kong umayaw but the fact is baka layasan niya ako dito . Kaya wala na akong nagawa kesa naman sa umuwi na siyang magisa.

I lower my head a little since she's too tall. She lift her both hands and starts squeezing my cheeks.

"Ah!" daing ko ng medyo humigpit ang pagkakapisil niya sa pisngi ko. She releases her hands when she hears me. I just touch my hurt cheeks. Sakit niyang mangurot -____-

"Let us now anounce the top 20 for the second elimination" The MC said so wife and I stop cuddling and starts listening.

"We will start for the top 20 ladies"

Teddie's POV

Waa! Oo nga pala, ia-anounce pa pala kung sino mga pasok sa second round. Kaya pala ayaw pang umuwi ni Monggi, hinihintay niya pala to e.

Nandito kami nakapuwesto ni Reizs sa kaliwa bandang pinaka dulo ng event hall. Niyayaya ko nga na doon na lang kami sa back stage para hindi siya na hihirapan dito kaso ayaw talaga e. Dapat nga nandoon ako ngayon sa backstage kasi diba nga ia-anounce ang top 20, ito kasing si Reizs tinadtad ako ng text at tawag, pinapapunta ako dito kaya yan tuloy nandito ako.

"Uhh... Monggi, doon na ako sa backstage ah?" hindi siya sumagot pero tumungo naman siya. Nagsimula na akong maglakad ng mabilis.

Huhu ang dami pa namang estudyante ngayon kaya medyo masikip, pero buti na lang at mababait ang mga tao dito at tumatabi sila bawat excuse ko.

"Uy si ate Charles oh. Tabi kayo!"

"Oo nga. Bakit kaya siya andito?"

"Baka naman kasama niya pinsan niya?"

"Ate Cha ang ganda-ganda mo talaga!"

Ewan ko ba at lagi ko na lang naririnig ang pangalan ko sa iba, e kung anu-ano naman ang pinagsasasabi.

My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon