Teddie's POV
Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Si.. si... si Xavier, yung ex-boyfriend ko. Anong ginagawa niya dito?
Pinulot ko na yung pinaka huling papel at tsaka tumayo at nagpaalam sa kanya.
Wala pang isang metro ang nilalakad ko e pinigilan na niya ako sa braso.
"Hatid na kita sa inyo" pagpriprisinta niya, luh? Edi makikita niya sina Reizs tsaka nakakahiya sa kanya baka nakakaabala pa ako sa dapat niyang puntahan
"Ha? Ah.. wag na, mukhang may pupuntahan ka e" sabi at akmang aalis pero pinigilan niya ako ulit
"Mukha ba akong may pupuntahan?"
"Oo?" Tangi kng sagot
"Hahahaha, wala naman akong dapat puntahan e , napagpasyahan ko lang maglakad"
Sabi niya. Nagpagpasyahang maglakad, ang yaman yaman tapos maglalakad lang? Hindi ako naniniwala
"Hindi ako naniniwala sayo"
"I know" sabi niya na may halong pagkalungkot, parang ang pangit ata ng term na sinabi ko?
"Let's go" sabi niya sabay hila sa akin. May lahi din tong Reizs e no? Ang hilig manghila.
Nasa tapat na kami ng sasakyan niya at pinagbuksan na ako ng pintuan. Nakakahiya naman kung takbohan ko lang siya, wala na din akong nakagaw. Hinayaan ko nalang siyang ihatid ako.
-
Sinabi ko sa kanya yung lugar kung saan ako bababa, nung una nga nagtatakha pa siya pero nawala din naman. Sure naman akong may alam na siya tungkol sa amin ni Reizs, siya pa ba?
Laging updated yung CROW sa bawat galawa ng mga may underground organization.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bigla siyang magsalita.
"I kinda miss this. Lagi kitang hinahatid pauwi sa inyo kapag tapos na klase" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.
Tumingin siya saglit sa akin at ngumiti, nginitian ko nalang din siya pabalik.
Na-miss ko din naman to. Tuwing uwian susunduin niya ako tapos minsan magdadate pa kami. Na-miss ko yung part na yun, kung hindi lang sana niya ginawa yon.
Pero syempre blessing din naman na nakilala ko si Reizs, lahat ng malulungkot na memories pinalitan ng monggi na yon.
Tahimik na ulit kaming dalawa nang bigla akong makaramdam ng di maganda.
May nakita ako dalawang naka-motor at dalawa ring itim na kotse sa side mirror, mukhang hindi maganda kutob ko rito.
Feeling ko naramdaman din ni Xavier yun kaya bumilis yung takbo ng sasakyan.
In just a second ay nasa magkabilang gilid na namin yung dalawang motor, at talagang nananadya at inunahan nilang dalawang at sinasakyan namin at humarang sa dadaan namin.
"Xavier stop!" Sabi ko at inilabas ko na yung handgun ko sa bag. Buti nalang at hindi nag-iinspection yung mga guard sa harringtone.
"What?!" Bulalas niya hindi pa rin inihinto ang sasakyan
"I said stop!" Sigaw ko kaya mabilis niyang inihinto yung sasakyan "Goodluck" sabi ko bago bumaba ng sasakyan. Tinawag pa niya ako pero hindi ko siya nilingon at pinagbabaril yung mga naka-motor
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, naramdaman kong may naghampas sa ulo ko ng matigas na bagay dahilan para mawalan ako ng malay. Shocks, nakalimutan kong may back-up pala sila...
BINABASA MO ANG
My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!
Romance"Childish" but Deadly, that's Teddie. A loving only daughter both of her parents whose father is a secret Mafia Boss, and her mother who 'died' ever since she was a child. Now she lives in a silent and peaceful life until.... she met this guy. The g...