Chapter 2 : Charles Teddie Bryant Newking

18.6K 308 12
                                    


Teddie'sPOV

MOMMY! *breathes heavily* napabalikwas ako sa kina-uupuan ko dahil sa panaginip ko, nalalim ang hinuhugot kong hininga at ang bilis ng tibok ng puso ko. Huminga muna ako ng malalim at tsaka ko pinakalma ang sarili ko bago ko ulit isipin yung napanaginipan ko

haah.. grabe naman yung panaginip kong 'yun TT.TT, ang bad huhuh, sana man lang inisip ni kuyang kamatayan na nandoon pa ako bago niya patayin si mommy, huhuh,

pero teka nga hindi ba dapat si mommy ang kinakampihan ko hindi si kuyang kamatayan? Oo nga! Dapat si mommy ang kinakampihan ko hindi siya, kasi dahil kay kuyang kamatayan kaya wala na akong mommy ngayon!

Bigla nalang nag-init ang pag-mumukha ko, hindi dahil sa naiiyak ako kindi dahil sa galit na nararamdaman ko, kinuyom ko ang kaliwa kong kamay. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko naprotektahan si mommy noon, NAIINIS AKO!

Tutulo na sana ang mga luha ko kaso nagsalita si ma'am na naging dahilan ng pagbalik ng sarili ko sa realidad.

"Ms. Newking" tawag ni Ma'am Fanny sa'kin with matching taas kilay effect,

huhuh T.T ano na naman bang kasalanan ko kay ma'am? Hindi ko naman na siya tinulugan ah *pout*,

Ah...? Teka nga? ano nga ba ginawa ko para magalit sa'kin si Ma'am Fanny? hmm...

"It seems like tinulugan mo na naman ako Ms. Newking?" sabi ni Ma'am Fanny na naging dahilan ng pagbalik ko sa realidad.

"P-po?" mahina kong pagkakasabi. Nakakatakot talaga si ma'am Fanny. May asawa naman siya, may anak naman. Para kasing pasan niya ang mundo lagi.

Pero waaa! Anong gagawin ko? Ano na lang bang sasabihin ko kay Ma'am niyan? Isip Teddie, isip >.<

"A-ano, k-kasipo Ma'am-" nauutal na sabi ko, huhuh anong idadahilan ko?

"Hindi porket matataas ang grades mo, ay pwede ka nang matulog?" pataray na sabi ni ma'am sa'kin, Hala! wala naman akong sinabing ganun ah? Baliw talaga 'tong si ma'am

Ganun nalang ba ang tingin ni ma'am Fanny sa akin? Tsaka anong kinalaman ng tulog sa grades? Pwede na bang matulog ang grades ngayon? 

"H-hindi po! Wala naman po akong sinabing matataas ang grades ko eh. Atat po kayo masyado Ma'am Fanny, hindi ko panga-" naputol ang sinabi ko kasi bigla na lang bumanat si Ma'am Fanny, Waaa! ayan na, puputok na ang Mayon Volcano huhuh T.T

"GET OUT OF MY CLASS NEWKING!!!" bulyaw ni ma'am sa'kin, huhuh nakakatakot talaga si ma'am fanny. Huhuhu, susumbong ko siya kina kuya Jass.

Narinig kong nagtawanan yung mga kaklase ko. Trip ng mga to. Tapos may humihiyaw pa sabi "Woo! Yan ang babes ko". May sayad sa utak, tinalo pa niya sa Vincent.

"SILENCE! WALA KAYONG KARAPATAN PARA PAGTAWANAN AKO!" sigaw ni ma'am Fanny sa kanila. Nanginginig na ako sa takot T.T

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, kinuha ko na agad ang bag ko at lumabas ng room. Tumakbo ako palabas ng room baka kasi masipa pa ako ni Ma'am Fanny eh hehe.

Pumunta muna ako sa garden sa may bandang likod ng University, hehe alam niyo naman na kung anong sikat ngayon, hehe mag-wawattpad muna ako pampalipas ng oras hihi ^^

Pagkarating ko sa garden. "Waaa! Ang daming bagong halaman" nag-iimprove na ang garden ngayon ah. Hehehe, nung 1st year kasi ako wala pang masyadong halaman dito. Tapos hindi pa siya nalilinisan noon. Pero ngayon improve na improve na hehe.

Ay! oo nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga po pala si Charles Teddie Bryant Newking, babae po ako ah, baka kasi pagkamalan niyo akong lalaki kasi yung pangalan ko panlalaki, pero okay lang, ang ganda kaya ng pangalan ko, si mommy kaya at daddy yung nag-isip ng pangalan ko, hehe ang cute no?

Sabi ni daddy may history daw yung pangalan ko bago maging Charles Teddie Bryant. Edi dapat ang pangalan ko History? Kasi sabi ni daddy may history yung pangalan ko e.

Paano kaya yun? History Newking. Hahahaha, pwede bagay-bagay. Pag nagka-anak ako ipapangalan ko sa kanya History. Para pagtinawag ko siya magtataka yung mga tao. Hihi mind blowing.

"Arf! Arf!" napalingon ako sa aso sa likuran ko. Waa ang cute niya. 

"Hello puppy" sabi ko sa tuta at kinuha siya. Hihi ang liit niya, malamang naman Teddie tuta nga e. Nawawalan na ata ako ng common sense.

Meron siyang collar so asan yung amo niya? Lumingon-lingon ako sa paligid at may nakita akong papalapit dito na babae.

"I'm sorry for the intrusion, Nung nilapag ko kasi siya biglang tumakbo" Waaa! si miss dean. Yung mommy ni Jake, mahilig pala siya sa mga aso.

"Okay lang po yun" sabi ko tsaka ko binigay sa kanya si puppy. "Why are you here? Tapos na ba ang class mo Ms. Newking?"

"Ah, nag-cutting po ako e. Pero miss wag mo na pong sasabihin kay daddy o kina kuya Aldi papagalitan ako nun" sabi ko, ngumiti naman siya at tumango

"I will but, mukha kang bagong gising" waaa! Ang lupet talaga ni dean, paano niya nalaman na bagong gising lang ako "Your eyes are red" waaa! Talaga? Hindi kasi ako dumaang C.R e

"Okay lang po yan, dito nalang po ako muna hanggang sa mawala yung red sa mata ko, first subject ko palang po naman e" sabi ko, kumunot naman yung noo niya. Waaa! bakit? May nasabi ba akong masama

"Pang-hapon ka ba Ms. Newking?"

"Po? Hindi po, pang-umaga po ako. Hanggang 4:30 pa ako dito"

"Kung pang-umaga ka. It means magdamag kang natutulog sa klase niyo. It's already afternoon" Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni miss. Waaa!! Ang lakas kong matulog! Wala pa akong natutunan. Hindi man lang ako ginising ng katabi ko o di kaya yung mga prof. ko T.T

Matapos naming mag-usap ni dean ay umalis na siya. Magdamag akong natulog? Huhuhu, lagot ako kila kuya Aldi. Hindi ko nalang sasabihin.

Umupo nalang ako sa bench at nagbasa nalang ako ng MHIAMB, hehe ang cute-cute kaya ni Aemie parang bata.

Yung favorite ko kayang part dun yung nag-confess si Zeke kay Aemie na Mafia siya, tapos yung nag-kiss sila tapos yung nakita ni Kaizer, tapos yung sinabi ni Zeke kay Aemie na bigyan siya ng dahilan para hindi patayin si Kaizer, sabi ni Aemie "KASI MAGPAPATURO PA AKO KAY KAIZER KUNG PAANO KUMISS!" hahah xD nakakatuwa talaga siya hihih

"Charles!"

~•~•~~•~•~•~•~


My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon