Teddie's POV
Flashback
Pagkatapos akong kausapin ni daddy ay nakita ko si Vincent at sinabihan ko siyang padalhan nalang ako ng pagkain sa kwarto.
Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa kwarto ko ay dumiretso ako sa bintana at sumilip. Nakita ko sina kuya Aldi na nag-uusap usap.
Umupo na lang ako sa higaan ko at tsaka nagisip ng kung anu-ano.
Bigla nalang may pumasok sa isipan ko kaya tumayo ako kaagad at tsaka binuksan ko yung walk-in closet. Sa likod ng mga naka-hanger ko na mga damit ay mga pistol, rifle, sniper, at shotgun na nakasabit.
Kinuha ko yung backpack ko na maliit at tsaka ko doon nilagay yung desert eagle. In-open ko din yung drawer na puro underwear. Kung iniisip niyong kukuha ako ng underwear nagkakamali kayo, dito sa ilalim ng mga undies na to e puro mga bala.
Kumuha ako ng doble dobleng bala incase tsaka ko nilagay ko sa bag. Kumuha na din ako ng blue jeans at itim na polo shirt, naka-dress kasi ako kanina sa lamay. Sinuot ko din yung holster para sa double pistol at tsaka nagsuot ng vest.
Nag-sneakers na din ako at talagang itinali ko siya doble doble para hindi ako matapilok kapag tumakbo. Itinali ko na din buhok ko pataas at tsaka ko siya ipinaikot-ikot para hindi na talaga siya sagabal.
Nung na-ready ko na lahat handa nang umalis ay nakita ko yung cellphone ko. Hindi ako nagdalawang isip na tawagan si Reizs.
Habang hinihintay kong sagutin ni Reizs yung phone ay naramdaman ko yung necklace na binigay sa akin ni kuya Aldi. Tinanggal ko ito at tsaka ko inilapag sa desk.
["Wife, how are you? Are you alright? Is there something wrong? Are you feeling lonely? Sad? Crying?" ] Natawa ako ng mahina nung sunod-sunod akong tanongin ni Reizs. Tsaka crying? Umiiyak ba ako? Kanina oo pero ngayon hindi na.
"Hahaha, okay lang ako Reizs. Ikaw? Kumain ka na ba?"
["Yeah. I already ate outside"] sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ako nagsalita ng ilang minuto hanggang sa tawagin niya pangalan ko.
"Reizs, kahit na anong mangyari mahal na mahal kita. Wag mong papabayaan ang sarili mo-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasu naiiyak na ko. Tinatawag niya ang panglan ko sa kabilang linya.
Tinanong niya ako kung ano ba ang pinagsasabi ko. Hindi ko nalang yon sinagot at sinabihan ko na lang siya matutulog na ako kahit hindi naman talaga.
Pagkababa niya sa kabilang linya ay pinatay ko yung cellphone ko at tsaka ko siya nilagay sa sahig at sinira. Basag-basag na ang cellphone ko at masasabi kong sira na talaga siya kasi nagkalat na yung motherboard niya.
Kinuha ko yung memory ard at tsaka lumabas sa kwarto. Hindi ko naman ieexpect na makakasalubong ko yung tauhan ni daddy kaya bago pa siya maka-report at binugbog ko na siya.
End of flashback
"Aalis ka dyan o papaputukan kita" banta ko doon sa nagbabantay sa main door. Kainis naman, bakit nagkalat yung tauhan ni daddy
"Charles!" Tawag sa akin ni kuya Lulu kaya napalingon ako, pero hindi makakaisa sa akin yung tauhan ni daddy akma niyang kukunin sa akin yung baril pero pinaputukan ko yung binti niya kaya nawalan siya ng balance. Pinaputukan ko na din yung tatlo pang naka-bantay sa binta para mahirapan silang tumakbo.
Nakita ko sina kuya Jass at Vincent nakagagaling lang sa pool at si kuya Aldi na galing sa kusina. Nakita ko yung susi ng sasakyan ni Vincent sa pantalon niya kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at hinatak ko yung susi.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!
Romance"Childish" but Deadly, that's Teddie. A loving only daughter both of her parents whose father is a secret Mafia Boss, and her mother who 'died' ever since she was a child. Now she lives in a silent and peaceful life until.... she met this guy. The g...