Dante's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Charles na kakatayo lang.
"Wala" sabi niya sabay lagpas sa akin. Parang kakaiba yung kinikilos niya? Tsaka siya lang mag-isa?
Tinignan ko yung mga nagkalat na katawan ng mga tauhan ko sa buong kwarto pati din dito sa labas at si AnnaBell. Tinignan ko ulit ang papalayong Charles, siya gumawa nito?
hinabol ko siya at tsaka ko siya iniharap sa akin. "Bakit mo pinatay mga tauhan ko?" Mahinahong tanong ko sa kanya.
"Mga tauhan mo? O mga tauhan ni Aphrodite?" Malamig na pagkakasabi niya "what? Tauhan ko sila. Walang tauhan dito yung matandang yon" sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya.
"Hindi yon mga tauhan ni Aphrodite?" Tumango lang ako. Pinagmasdan ko lang siyang naka-tungo hanggang sa iangat niya ulit ulo niya at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Sorry Dan hindi ko alam. Akala ko kasi tauhan niya yung mga yon, sumusunod kasi sa kanya e huhu" paghihingi niya ng tawad. Natawa naman ako ng mahina
"Wala siyang mga tauhan dito, kung meron man pinaalis ko na sila tsaka ako ang nagmamay-ari ng bahay na ito. Ako ang boss dito"
Teddie's POV
Kahit na sinabi ni Dan na siya ang boss dito hindi parin ako mapanatag. Madami rin kasi akong napatay kanina. Malay ko bang tauhan sila ni Dan, hindi naman kasi sila nagsasabi.
Hinatid na ako palabas ni Dan dito, tinanong niya din sa akin kung gusto ko daw bang magpalit ng damit kasi puro mantiya ng dugo, umiling nalang ako bilang sagot.
Nung nandoon na kami sa gate ay may nakita akong lalaking nakapamulsa at naka-sandal lang sa sasakyan niya.
Kahit na malayo ay alam ko na kung sino yon kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at inakap.
"Miss me already wife?" Natatawa niyang sabi pero hindi ako sumagot, nakaakap lang ako sa kanya "you know Cloud, your wife trespass my house and not just that she even killed one-fourth of my men" rinig ko sabi ni Dan kaya napatingin ako sa kanya.
"Sorry na Dan, hindi ko naman sinasadya" paghihingi ko ng paumanhin, tumawa lang siya. tinignan ko naman si Reizs na nanlilisik ang mga mata kay Dan
"Easy Cloud, just saying kung anong ginawa ni Charles mamaya kasi kung anu-ano pang isipin mo"
"Tss. Wife your cousins will be here any minute" sabi niya. Pero teka- "paano mo nalaman na nandito ako? Tsaka sina kuya Aldi, paano mo nalaman na pupunta sila?"
"Kuya Al called me" sabi niya. Kuya Al? Al... al.. aldi... aldi.. ALOUDE! Asus ginoo! Nahirapan pa ako kung sino si Al.
May nakita na kaming ilang ilaw ng sasakyan na papalapit dito kaya nagpaalam na sa akin si Reizs si Dan naman pumasok na ulit sa bahay niya, baka daw kasi patayin siya ng mga pinsan ko kung kasama ko siyang maiiwan dito.
Nung tumigil na yung mga sasakyan sa harapan ko ay kaagad na lumabas sila kuya Aldi at inakap ako. Naka-akap lang sa akin sila kuya Aldi, kuya Lulu at Vincent nang bigla akong hilain ni kuya Jass papasok ng sasakyan niya.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko kaya bumakat yung kamay niya. Nung tignan ko siya sa labas ng sasakyan ay nagtatalo sila ni Kuya Aldi.
Nung nakapasok na siya ng sasakyan ay mabilis niya itong pinaandar. Wala kaming imik hanggang sa makarating sa bahay.
Pagkababa ko palang ng sasakyan ay hinila na niya ako kaagad papasok sa loob hanggang sa makarating kaming salas. Doon ko nakita si daddy na naka-crossarms.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!
Romance"Childish" but Deadly, that's Teddie. A loving only daughter both of her parents whose father is a secret Mafia Boss, and her mother who 'died' ever since she was a child. Now she lives in a silent and peaceful life until.... she met this guy. The g...