Chapter 37: Out of the blue

6.5K 147 0
                                    

Teddie's POV

"You okay wife?"

"Naman! Bakit naman hindi ako magiging okay?"

"Nothing. You're so quiet this past 10 minutes" sabi ni Reizs. Wee? Ako tahimik? Matagal na kaya akong tahimik. Kailangan ba bawat minuto nagsasalita ako?

"Reizs, matagal na akong tahimik"

"No you're not. You're noisy like a little child wife" sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

Pauwi na kami ngayon at medyo dumidilim na. Nagdito na kami sa area kung saan pinark yung sasakyan niy-

"Psst!"

Ay tipaklong! Sino yun? Kung maka sitsit naman. Lumingon ako sa likod ko, pero wala naman akong nakita.

Mapuno kasi yung area na pinag-parkan ng sasakyan kaya medyo nakakatakot kapag may sumisitsit.

"What's wrong wife?"

"Ha?"

"Tss. I said what's wrong?"

"Ah.. Wala" sabi ko at tsaka pinagpatuloy ang paglalakad.

Wala pang limang segundo akong nalalakad ay mayroon na naman akong narinig na sumitsit kaya napalingon ako ulit sa likuran ko.

"Pssst"

Huhu, kinikilabutan na ako. Sino ba kasi yun? Baka naman teritoryo to ng mga engkanto, o di kaya mga diwata. Baka manananggal! Aswang! Multo! Huhu T.T

"Re..reizs..." tawag ko pero wala namang sumagot.

Lumingon ako kung saan si Reizs pero ayun medyo malayo na siya sa akin. Waaa! Hintay Reizs!

Tatakbo na sana ako para sana mahabol siya kaso this time may nagsalita na. Huhu, engkanto lubayan niyo po ako T.T

"Gusto mo bang makita ang mommy mo?" tanong nung boses lalaki na nadidinig ko. Ha? Oo gusto kong makita si mommy pero, huhu deads na kaya si mommy.

"Pa...patay na si mommy"

"Na-ah. Mukhang wala pang alam ang prinsesa"

Pagkasabi niya nun ay bigla akong kinabahan. Anong ibig niyang sabihin?

"Ano bang pinagsasabi mo kuya? Hindi kita maintindihan? Naguguluhan ako. At tsaka sino ka ba kuya? Pwede mo bang ipakita ang sarili mo sa'kin?"

Ilang minuto ang nakakalipas na walang sumagot? Ay asan na yun? Baka... Waa! Engkant-

Biglang may lumabas na lalaki doon sa malaking puno. Mga nasa 5'6 ang height at mga 23-25 ata ang age? So hindi siya engkanto? Hay~ buti naman.

"Umm.." tatanongin ko na sana kung anong pangalan niya kaso naunahan na niya ako.

"Rowan Gerard, princess" sabi niya sabay ngiti. Waa! Ang ganda ng ngiti niya. May napansin ako, kamukha niya si U-kwon ng Block B.

Hala! Kabisado ko na mga pangalan nila. Nahahawa na ata ako kay Secili e. K-pop na ako. Hehe, pero okay lang masarap naman pakinggan yung mga kanta nila e, hindi nga lang maintindihan.

"Wife!!" ay palaka! Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Reizs na papalapit na dito sa pwesto ko.

"Charles Teddie Bryant Newking"

"Po?" lingon ko agad kay kuya Rowan.

"Do you wish to see yout mother?" tanong niya na ikinabigla ko. Si mommy?

My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon