Teddie's POV
"Hoy! Heizz, akin na yang isang hotdog!"
"G*g* ka ba? Ako unang nakakuha kaya akin na to!"
"Pakyu ka Jeric! Juice ko yan! Wag kang mangagaw ng inumin!"
"Ul*l ka! Akin to. Dito yan naklagay kanina pa. Ayun yung sayo oh! Tanga!"
Ang gugulo at ang iingay nila. Grabe, ito naman si Reizs hindi man lang inaawat yung tatlo. Kain lang na kain.
Ugh... Nahihilo na sumasakit yung ulo ko. Hindi kasi ako sanay sa ganito kaingay kapag kumakain ng almusal.
Binitawan ko yung kutsara at tsaka ko hinawakan yung ulo ko.
*Blag!*
Nagulat ako nang biglang kalabogin ni Reizs yung lamesa kaya natigil yung tatlo sa pagiingay. Nararamdaman ko, ang aura ni Reizs, malapit na siyang mag-evolve! Go Pikachu!
"Shut up you three! Your voices makes wife dizzy!!" bulyaw niya sa tatlo. Nung lingunin ko yung tatlo, ayun naka-yuko na.
Hinawakan ko na lang yung kamay ni Reizs. Nung lumingon siya, nginitian ko na lang siya. Na-gets niya siguro yung ibig kong sabihin kaya kumalma na lang siya at nagpatuloy na lang kami sa pagkain.
-
"Are you really sure you want to come Angel?"
"Oo nga Reizs, kulit" kanina pa kasi tong si Reizs tanong ng tanong kung sasama ba talaga ako doon sa base nila. Kanina pa ako oo ng oo pero parang nagaalangan pa siya.
Alam ko namang nagaalala si Reizs sa'kin kasi kanina pa hindi nahuhupa yung sakit ng ulo ko at pagkahilo. Pero okay lang yun, gusto ko kasing makita kung anong itsura ng base nila. Hihi
-
Nandito na kami sa base nila, pero... Bakit wala akong nakikitang building man lang? Isang malawak na parking lot lang ang nakikita ko tapos isang open na nagtitinda ng karinderya. Asan ang base dito?
Tinignan ko ng masama si Reizs kaya napalingon siya sa akin at nangingiti. Pinagtatawanan ba niya ako?
"Pfft. Easy wife. Don't get mad at me" natatawa niyang sabi. Nangiinis talaga to!
"O siya. Bago pa kayo magrambulang magasawa, pasok na tayo sa base" sabi ni ate Stephany at naglakad patungo sa.. Karinderya? Yun ang base nila?
Hindi na lang ako umimik, tinarayan ko lang si Reizs at tsaka ko sinundan si ate Stephany.
Ewan ko ba, kanina lang ang sakit sakit ng ulo ko pero nung ininis ako ni Reizs nawala na lang. Baka nagiging bipolar na ako katulad ng iba. Ah! Baka buntis ako?! Oh my, hindi pa ako ready magpaanak. Huhu T.T masakit kaya yun.
Nakarating na kaming pito doon sa karinderya. Inilibot ko ang tingin doon sa loob. Hehe ang cute, kawayan style hehe.
Napansin ko namang lumapit silang anim doon sa nagtitinda, ano? Trip nilang kumain kaya sila nagpunta dito? Akala ko ba pupuntahan namin yung base?
"Let's go" rinig kong sabi ni Reizs. Let's go? Naka-singhot na naman to. Anong ni-lelet's go nito? Elsa is that you?
Hindi ko siya pinansin, imbes ay nilibot ko na lang ang tingin ko sa karinderya. Pagkalingon ko sa likod ko ay may nahagip akong figure ng isang babae na naman.
Bakit ba lagi na lang ako nakakakita ng figure ng isang babae? Baka multo? Waaa! Wag po. Wala po akonh kasalanan sa inyo.
Lalapitan ko na sana para masigurado kong hindi multo kaso may biglang humigit ng kamay ko dahilan para mapalingon ako.
BINABASA MO ANG
My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!
Romance"Childish" but Deadly, that's Teddie. A loving only daughter both of her parents whose father is a secret Mafia Boss, and her mother who 'died' ever since she was a child. Now she lives in a silent and peaceful life until.... she met this guy. The g...