Chapter 26: Surprise

8.4K 196 6
                                    

Teddie's POV

Huhuhu T.T Grabe ka po Reizs, makasabi ka ng tatanga-tanga. Tanga ka rin naman e. Tumatakbo ako ngayon, actually hindi ko nga alam kung bakit ako tumatakbo e. Acting ko lang naman yung mga sinabi ko kay Reizs e. Hindi naman talaga ako galit sa kanya e, pero- it hurts you know! The feels T.T

Tumigil ako sa pagtatakbo at tsaka lumingon sa paligid. Nasaan na ba ako? Nasa planet earth pa kaya ako? O napunta na ako sa mundo nila yugi? *gasp* Oo nga! Baka nasa mundo na ako nila yugi kasi nandito ako ngayon sa isang kagubatan e. Ganito kasi 'yon. Yung pwesto ng bahay ni Reizs ee medyo malayo sa ibang mga bahay, para bang may sariling mundo parang ganun? Tapos etong bahay ni Reizs e medyo malapit sa gubat kaya yun.

Ang tanong "Paano na ako neto ngayon?"  napaisip ako bigla sa sinabi ko. Paano nga ba ako neto makakauwi? Naiwan ko ang cellphone ko sa bahay ni Reizs. Nakalimutan ko naman kung saan ba ako nanggaling kanina.

.

.

.

.

Nga-nga...

*tunog ng lumipad na ibon*

"Waaaa!-a?" ibon lang pala 'yun, akala ko naman kung ano na. Napa-dack and hold tuloy ako. Ikaw kasi Mr. Birdy e! Nanggugulat ka! Alam mo namang magugulatin ako *pout*

Tumayo na ako at tsaka nagpagpag. Tumingin ako sa direksyon kung saan lumipad si Mr. Birdy. Diba sa ibang anime, kapag nawawala ka sa isang lugar tapos kapag may ibong lumipad sa harap mo meaning siya yung parang nagtuturo kung saan yung pwedeng paglabasan nito? Waaa! Ang galing mo talaga Teddie!

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinundan ko na si Mr. Birdy.

~ 2 hours later

Nakatingin lang ako sa kanya sa itaas habang ako naman pagod na pagod na tumatakbo. Minsan napapaisip ako kung napapagod ba ang mga ibon sapag flop ng pakpak nila. Kasi biruin mo ba naman halos dalawang oras na akong tumatakbo dito. Hindi man lang ako pinapahinga ni Mr. Birdy. Tinotorture ata ako ng ibon na 'to e! Your so mean Mr. Birdy-

Napahinto nalang ako sa pagtakbo ng bumungad sa'kin ang isang small village. Totoo palang may ganito? Akala mo hanggang anime lang, hehe

Nagsimula na akong maglakad. Tinitignan ko bawat bahay na nakatayo rito. Village ba talaga ito? Para kasing hindi e. Wala kasing kulay yung mga bahay plain gray lang tapos para siya bodega or something, basta 'yun.

Nagpatuloy lang ako sa pagtitingin sa paligid hanggang sa-

*Kasa ng baril*

Napabunot din ako ng baril ko. Kala nila sila lang merong baril, ako din no! Natauhan na ako last time nung hindi ako nagdala ng baril. hehe

Tinignan ko lang sila isa-isa hanggang sa merong isang lalaking nagbaba ng baril at may sinabi na ipinagtaka ko.

"Ma'am Teddie?" sabi niya. Kilala ako? 

"Kilala mo ako?" tanong ko. Pagkatanong ko nun, 'yung mga expression ng mga tao na nakapaligid sa'kin parang nagulat. May sinabi ba akong masama? 

Alexander's POV

Tanong niya sa akin. Nakita namin na tumingin sa langit si ma'am Teddie at naka cross-arms pa. Para bang nag-iisip siya sa kung anong sinabi niya.

Buti na lang at namukhaan ko siya kundi yari kami kay boss kapag nalaman niyang na saktan namin asawa niya.

Nag-antay kami ng ilang minuto. Sinenyasan ko naman 'yung iba na ibaba ang armas nila. Pinagmasdan lang namin siya. Medyo matagal-tagal din naming pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung pagmamasdan ko siya o pagsasabihan ko 'tong mga kumag na 'to at naka-nganga na ngayon.

My Husband Is My ENEMY?! The Mafia Boss!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon