Chapter 2: Spoke

167 23 14
                                    


"Ikaw pala ang napili," tugon ng matanda habang nakatingin pa rin nang diretso sa kinatatayuan ko.

"Po?"

Hindi ko maintidihan kung anong ibig niyang sabihin. Tumingin ito sa isang espasyo ng nakatumbang puno. Tinapik niya ito at inaya akong maupo sa tabi niya.

"Makinig ka sa'kin hija," panimula nito na parang magbibigay ng payo sa kaniyang apo.

Bigla ko tuloy namiss si Manang Tanya.

"Alam kong patay ka na," nanlaki ang mata ko sa binanggit ng matanda.

"Paano niyo po nalaman?" tanong ko dahil gulong-gulo na rin ako sa nangyayari.

"Makinig ka nang mabuti hija," sambit niya.

"Wala ka na sa katawan ng normal na tao. Isa ka na lamang ligaw na kaluluwa. Hindi ka pa maaring makatuntong sa kabilang buhay dahil hindi sa pagpapatiwakal nakatakda ang pagkamatay mo. Kailangan mong pahalagahan ang kaluluwa mo ngayon, upang maligtas mo ang sarili mo."

Maya-maya pa ay may inilibas itong kuwintas na may pendant na hugis buwan at mayroong umiilaw na maliit na gem sa gitna.

"Dito nakasalalay kung paano ang magiging takbo ng buhay mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dito nakasalalay kung paano ang magiging takbo ng buhay mo."

Matapos isuot sa akin ang kuwintas ay humalik ito sa kamay ko.

Kinabukasan, nagising na lamang ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Nagtataka akong tumingin sa paligid hanggang sa mapagtanto kong nandito nanaman ako sa loob ng isang makalat na kwarto. Dahan-dahan akong naupo at hinawakan ang aking ulo at pinakiramdaman ang sakit ng buong katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. Sinubukan kong tumayo upang ibalanse ang katawan nang makita ko ang isang note na nakadikit sa ibabaw ng study table. Dahan-dahan akong bumangon upang basahin ito.

"Nakita kitang walang malay sa sementeryo, hinatid na kita dito dahil baka kung ano pang mangyari sayo at gabi na. Alam ko namang mabuti kang tao kaya hinayaan na muna kita dito. Mamaya na tayo mag-usap dahil ngayon ang final exam ko. Wala naman 'yang kapalit. Just pray for my grades ; )))"

Napangiti ako habang binabasa 'yung note niya para sa'kin. Hindi talaga ako nagkakamali na mabuti siyang tao. Muli kong ibinalik yung letter niya sa study table at inalala kung anong nangyari kagabi.

"Dito nakasalalay kung paano ang magiging takbo ng buhay mo," tugon ng matanda habang isinusuot nito sa akin ang kuwintas sabay halik sa kamay ko.

"Sa kuwintas na ito nakasalalay upang makita ka ng mga tao. Huwag mong hanapin ang mga kaibigan mo, kamag-anak at lalo na ang pamilya mo dahil wala sila rito. At sa oras na makita o makasalubong mo ang sarili mo, hubarin mo ang kuwintas at lumayo sa lugar kung saan mo siya nakita. Huwag ka ring lalabas tuwing kabilugan ng buwan. Walang dapat na makakita sa'yo dahil isa kang purong kaluluwa tuwing sasapit ito. Mas mahalaga na huwag kang makisalamuha sa maraming tao. Sa pagkakaalam ko, mayroon lamang tatlong gabi na magpapakita ang bilog na buwan. Megan, may kakayahan kang magtagal sa ganitong sitwasyon sa mundo basta't tandaan mo ang huli at pinakamahalagang sasabihin ko sa'yo," mas lalong sumeryoso ang tinig ng matanda.

"Huwag na huwag kang magpapabasa kahit pa isang patak mula sa ulan. Dahil kung mapapatakan ka man nito, hindi mo magugustuhan ang mangyayari. Ang pagkirot ng puso mo, ang magiging hudyat bago ang pagbuhos nito."

Kinilabutan ako habang inaalala ang sinabi ng matanda.

Dali-dali kong kinapa ang kwintas na nakasuot sa akin bago ako bumalik sa pagkakahiga.

Kahit naman sabihin na huwag kong hanapin ang pamilya, kaibigan, o kung ano pa mang meron ako, wala naman akong intensyon na gawin iyon. Isa nga sila sa mga dahilan kaya ko tinapos ang sarili kong buhay.

Lumaki akong walang natatanggap na pagmamahal mula sa mga magulang ko, kaya't nagtataka ako kung bakit ganun na lamang sila humagulgol nung sinugod ako sa ospital habang hinahabol ko ang sariling hininga. Nagpursigi akong mag-aral at makapagtapos nang Valedictorian pero sa mismong araw ng graduation ko, wala sila.

Sinubukan ko silang hintayin bago pumunta sa mismong venue ng event ceremony namin pero ang sabi emergency daw. Pagdating ko sa bahay, walang kahit anong celebration, tulog na silang lahat. Nakalimutan yata nila na dalawa ang dapat naming ipagdiwang sa araw na 'yon. Ang graduation at ang 18th birthday ko. Dalawa sa pinakamahalagang okasyon ng buhay ko.

Noong gabing 'yon, napagdesisyunan kong wala namang saysay lahat ng ginagawa ko dito sa mundo kaya't ako na ang nagdikta sa sarili kong kapalaran. Nanginginig ko pang hawak ang ballpen habang sumusulat.

Mama and Papa,

I know, for the both of you, I am not the best daughter you've ever had. Madalang lang tayong magkaroon ng bonding. Naalala ko pa no'ng isang araw, todo lambing kayo sa'kin. That was the time that I thought, tanggap n'yo na 'ko bilang anak n'yo. Pero lahat pala ng 'yon, ay dahil may kapalit. Sariwang sariwa pa sa'kin no'ng tinutukan ako ni Papa ng baril dahil tumanggi ako sa alok niyo. As usual, para sa pera ay handa pala kayong patayin ang sarili niyong anak maisalba lang ang pinakamamahal na trabaho niyo. Naalala ko rin na sa lahat ng birthday ko, si Manang Tanya lang ang kasama ko sa bahay at madalang lang kayong bumisita. Hindi ako nagdedemand kasi naiintindihan ko naman. Gusto ko lang magsorry kasi hindi ko magagawang suklian lahat ng binigay niyo sa'kin. Wala naman din sigurong saysay kung makakuha ako ng mataas na karangalan o magandang trabaho eh. Alam niyo po ba? Hinihintay ko talaga 'tong gabi na 'to. Gusto ko na kasing matapos lahat. Kasi baka doon, masaya na 'ko. Baka doon, may mga kaibigan akong hindi ako kinaibigan just for advantage. Baka doon may makaappreciate na ng halaga ko. Hindi na 'ko mag aaksaya ng oras para may patunayan sa sarili ko. Thank you po sa lahat, mahal ko pa rin po kayo kahit gutom ako sa kalinga niyo. I love you Ma, Pa.

Love,
Megan.

Ayoko nang masyadong alalaahanin lahat. Hindi naman kasi naging maganda 'yung buhay ko dati. May mga kaibigan ako na pineperahan lang pala ako. Naalala ko nung retreet namin, ako 'yung nagbayad para makasama sila. Pero nung mismong araw ng retreet, para akong tangang naghahanap ng kakausap sa'kin. Si Manang Tanya na lang talaga ang kasama ko sa buhay, pero sadly, nawala siya one week before my graduation and 18th birthday. Torture diba? Napakalupit ng mundo sa'kin.

Nakakapanghina.

Sinong hindi susuko? Ubos na ubos na 'ko nung mga araw na 'yon. Gusto ko nang tapusin lahat.

Pumikit ako habang inaalala lahat ng dinanas ko at naramdaman ang isang patak ng luha mula sa mata ko.

Hindi ko alam pero ang sakit sakit pa rin.

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon