Chapter 12: Girls

67 13 4
                                    


Walang nagdidikta sa pagitan naming dalawa ni Noah. Habang nilulunod namin ng halik ang labi ng isa't isa ay kusa kaming dinala ng mga paa namin paakyat ng room.

Binuksan nito ang bakanteng kwarto bago ako itulak nang marahan sa likod ng pinto. Ikinulong niya ko sa mga bisig niya at pinaubaya ang sarili sa pagnanakaw niya ng mga halik. Kasabay ng pagdampi ng labi niya sa'kin ay ang kusang pagtugon ng katawan ko sa mga kinikilos niya.

Dinala kami ng sarili naming mga paa pahiga sa kama. Dahan-dahan akong itinulak ni Noah sa higaan bago siya magpatuloy. Hindi ako makaramdam ng anumang bigat dahil sa mga halik niyang dumadapo sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Alam kong walang namamagitan sa aming dalawa ni Noah. At alam ko ring mali ang ginagawa namin pero hindi ko siya magawang pigilan. Para bang nakakaramdam ako ng langit sa tuwing didikit ang katawan niya sa katawan ko. Sa kanya ko unang naramdaman ang kakaibang pakiramdam ng pagdapo ng halik sa aking labi at leeg nang dahan-dahan.

Nagising akong naka-unan sa mga braso ni Noah. Sobrang sarap sa pakiramdam nang siya agad ang makikita mo bilang pambungad sa umaga.

Dahan-dahan akong umalis sa kinahihigaan namin at agad akong nagtungo sa CR para maligo. Medyo natagalan ako habang iniisip ang nangyari sa amin kagabi ni Noah. Nilabag ko yung mga limitasyon na ako rin mismo ang gumawa.

Dahil sa kapabayaan ko ay mas pinalala ko lang ang sitwasyon. Hinayaan ko lang ang sarili kong mas mahulog pa lalo kay Noah.

Nang matapos makaligo ay agad na akong nagpunas at nagbihis bago magtungo sa room ni Jenny. Naabutan ko itong nag-aayos at tinanong kung anong pakay ko.

"Can I stay here for the whole day?" I asked her but gave me a confused look.

"Megan, kung may sasabihin ka direktahin mo na. We're sisters here, ano bang problem?" tugon nito nang mapansin ang pag aalinlangan sa mukha ko.

"No. It's just-wala ako sa mood," I said and she just nodded. Pansin kong hindi pa rin ito naniniwala sa sagot ko pero hinayaan niya na lang.

I stayed here in Jenny's room while reading the book na binili ko sa NBS with Noah. Tumatanggi ako kapag nag aaya silang kakain na at sinasabing busog ako. I'm glad that Jenny's there to cover me up naman. Alam kong alam niyang may iniisip ako ngayon. Nawiwindang pa rin ako sa pagitan namin ni Noah kaya iniiwasan ko muna siya para makapag-isip ako nang payapa.

Maybe I would fail for doing this. Mas lalo ko siyang iniisip kapag hindi ko siya nakikita. His absence makes me want to see him more. Sa sobrang tagal kong nakakulong dito sa room ay hindi ko namalayang papalubog na pala ang araw.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto at iniluwa nito si Jenny. May hawak itong dalawang bote at itinataas-taas pa na parang inaalok sa'kin.

"Let's drink?" pambungad niya. Sabi ko na't alam niyang may iniisip ako. No wonder how she really knows me. Agad akong tumango at sinabing susunod na lang sa kanya.

Nang makababa ay naabutan ko si Jenny naka-upo sa buhangin at pinapanuod ang alon. Agad akong umupo sa tabi niya at nang mapansing nandito na 'ko ay inalukan niya 'ko ng isang bote ng alak.

"Wait, let's call Geya," sambit nito at nagtext sa phone niya. Mga ilang minuto ay dumating na si Geya nauupo ito sa tabi ko. Pinagigitnaan nila akong dalawa at inalok din siya ni Jenny ng isang bote.

"Hindi naman ako naorient na may girls talk pala. So, how are you guys?" saad ni Geya bago tunggain ang bote. Nakatingin lang kaming tatlo sa alon at pinapakiramdaman ang bawat isa.

"Posible bang mapigilan yung nararamdaman mo para sa isang tao?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa hampas ng mga alon.

Ilang buwan na rin kaming nagkasama ni Noah. I really don't know what I should feel. Hindi ko alam kung dapat bang ituloy o pigilan. I'm starting to break my own rules.

Napahinto si Geya at ibinaling ang tingin sa akin. Habang si Jenny naman, patuloy pa rin sa pag-inom na para bang alam na niyang may ilalabas ako saloobin ngayong araw.

"Megan, tell us directly. Ano bang mayro'n sa inyo ni Noah? And nakita ko kayo kagabi dito mismo," Jenny said. Siya yung tipo ng kaibigan na ayaw ng paligoy-ligoy. Kung magbibigay siya ng direktang payo, kailangan direkta ka ring magsabi. Hindi siya mahilig mag sugarcoat and she can slap you with the truth anytime.

"Oh my God. Don't tell me," saad ni Geya at agad kong sinundan ang sinabi niya.

"Oo, ah, kagabi," I said, hesitating. I need their advice.

"Alam mo 'yung mahal mo pero bawal? mahal mo pero hindi p'wede?" sambit ko bago muling uminom.

While some people are getting hurt because of one sided love, I am hurt with an uncertain love.

"Paanong hindi pwede? May nangyari 'diba sabi mo? So it means, mutual kayo. Walang pumipigil. Bakit naging bawal?" Geya asked me. Sa ngayon, naguguluhan pa sila. Pero hindi ko p'wedeng sabihin dahil hindi sila maniniwala.

"Why? Are you going to leave us sooner?" si Jenny naman ang nagtanong at nagulat ako nang makitang nagtutubig ang mata nito.

"All this time, wala akong naging kaibigan na tumagal sa'kin. All of them was taking advantage of mine. Kayong dalawa na lang ni Geya ang parang kapatid ko na. I badly want a sister in my whole life. Megan.." hindi na napigilan ni Jenny ang pag-iyak at maging si Geya ay naluluha na rin.

"Please, wala naman sanang mang-iiwan," dagdag ni Jenny at kahit ako ay napaiyak na rin. Para ko nang kapatid si Jenny at sa'kin lang siya madalas magsabi ng mga hinanakit niya sa buhay. Same as Geya, alam kong pareho sila ng kwento. Walang nababanggit si Geya na kaibigan niya at only daughter din siya sa pamilya nila. If only it's not risky to be with me, hindi ko pagsisihan pa na napalapit na 'ko sa kanila.

I hate my self dahil nilabag ko nanaman ang isa sa mga limitasyon na ako rin mismo ang gumawa.

Kailangan kong iwasang mapalapit ang loob ko sa mga tao. We can be close but not to the point na masasanay na 'ko sa presensya nila. I'm not permanent in this world, sobrang risky na makasama ako. Masasaktan ko lang sila, at masasaktan lang din ako.

Gusto kong umalis sa mundong 'to nang hindi nasasaktan at walang nasasaktang tao.

But I failed.

Ako mismo ang gumawa ng sarili kong patibong.

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon