3:00 amMaaga kaming natulog dahil maaga kaming aalis. Iyon yung sinabi sa group chat para hindi maipit sa traffic, para rin hindi maabutan si Jenny ng parents niya at para mas maagang makarating dahil ilang oras din ang biyahe.
Natulog ako ng alas-syete kagabi para kahit alas-dos ng umaga ay makapagluto ako ng pagkain na dadalhin namin. Inihanda ko na ang mga gamit at nailagay ko na rin ang mga pagkain sa mga lagayan nito. Nang matapos akong maghanda ay umakyat na ako sa taas para gisingin ang prinsepe.
"Noah," sambit ko habang tinatapik tapik ang pisngi nito. He's sleeping too deep, at sobrang amo ng mukha niya habang natutulog.
At dahil naawa ako sa itsura nito, binigyan ko pa siya ng kaunting palugit para matulog pa ng ilang minuto. Naihanda ko na rin naman na lahat ng pagkain at gamit at nakita kong nakahanda na rin ang mga gamit ni Noah.
Kinuha ko muna ang diary ko at pumilas ng isang pahina para kay Noah. Nakatingin ako sa mukha nitong natutulog habang sinusulatan siya. Wala akong balak sabihin o magtapat sa kanya dahil ayaw kong magkaroon ng kahit ano sa pagitan namin. Wala akong kasiguraduhan dito kaya't wala rin akong karapatang mahulog.
Ang dami kong detalyeng isinulat para sa kanya at hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko habang nakatitig dito.
Pinunasan ko agad ang pisngi ko at sinimulan nang gisingin ulit si Noah. Naramdaman ko na ang pag-iinat nito at unti-unti nang dumilat.
"Good Morning, nahanda ko na lahat ng gamit at pagkain natin, iready mo na lang yung van," saad ko at dahan-dahan naman itong bumangon pero bigla siyang napahinto nang makita ang diary ko.
"Ah papunta na raw pala sila Red kaya bilisan na natin," nagtagumpay akong idistract siya kahit wala namang sinabi sila Red pero palagay ko'y paputa naman na talaga sila dahil lagpas alas-tres na. Ang usapan namin ay saktong alas-kwatro dapat aalis na kami rito. Kaya alam kong papunta na rin sila.
"Maliligo lang ako, mabilis lang," saad nito at agad kumuha ng tuwalya bago bumaba.
Agad namang natapos maligo si Noah at diretso itong nagtungo sa garahe upang ihanda yung van. Nagbihis na rin ito ng plain white t-shirt at black na short. He looks more handsome wearing simple outfits. Ako naman ay nagsuot ng pants at tshirt din para mas komportable.
3:45 am
Narinig ko na ang maingay na boses nila Red sa labas kaya't dali dali akong nagtungo dito para buksan ang pinto. Saktong pagbukas ay bumungad sa'kin si Jenny at agad akong yumakap rito, gano'n din kay Geya.
"So, okay na lahat?" tanong ni Jenny at nakita ko nang kumilos yung mga boys sa pagbubuhat ng mga pagkain at gagamitin namin. Nagtungo na rin sila Red, Vince, at Celeb sa kusina para kuhanin yung mga gamit at pagkain na inahanda namin ni Noah.
"Is everything settled?" tanong ni Noah na pinapagpagan na ang mga upuan ng sasakyan.
Mayroong tatlong compartment ang van ni Noah. Si Red na ang nag insist na magdadrive dahil alam naman daw niya ang daan. Katabi niya sa driver's seat si Vince. Sa sumunod na row naman ay si Celeb katabi si Geya at kaming tatlo naman ang sumunod nina Jenny at Noah, pinapagitnaan nila ako. Habang ang mga pagkain at gamit naman ay nakapuwesto sa likod.
Madilim pa ang paligid at masyado pang malamig. Nang magsimulang umandar ang sasakyan ay natawa kami ni Jenny dahil agad nakatulog si Noah. Inilabas ko muna ang phone ko dahil hindi ako makapagbasa ng libro dahil madilim pa.
Si Jenny, nagcecellphone at nagsscroll sa twitter. Ako naman, sinalpak ko muna ang earphone ko sa tenga at nakinig ng music. Maya-maya pa ay nagulat ako nang biglang dumapo ang ulo ni Noah sa balikat ko habang natutulog ito. Hindi ko na ito pinansin dahil alam kong kulang pa ang tulog niya.
Kumakain ng chips si Vince at sinusubuan naman nito si Red habang nagmamaneho. Ang cute nilang tignan na magpinsan. Si Celeb at Geya naman ay nanunuod ng movie habang naka earphone. Si Jenny naman ay nakatulog na habang si Noah ay napansin kong inaangat na ang ulo. Nagising na yata.
"Good morning," nginitian ko siya bilang pambungad. Akala niya siguro nasa Batangas na kami.
"Tulog ka pa," saad ko at agad niya ulit ipinatong ang ulo sa balikat ko sabay kuha ng earphones ko sa kaliwang tenga at nakinig. Mahigit ilang minuto kaming nakikinig sa kanta ng My Chemical Romance hanggang sa lumipat ang kanta sa medyo OPM at medyo malumanay. Hindi ko alam pero unang linya pa lang ang narinig ko mula sa kanta my heart already beat for a sudden.
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
'Yan ang panalangin koAt hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dingginHearing those lines from the song, sobra akong nasasaktan. Alam kong sobrang random pero gusto kong habang-buhay lang siyang nakahiga sa balikat ko. Hindi ako magrereklamo kung nangangalay na 'ko o kahit ano, wala akong iindahin. I just want him to stay beside me. Pero alam kong napaka imposible no'ng mangyari.
Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dalawa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sasabihing minamahal kitaI looked at him to see how peaceful he sleeps.
"Just incase you're dreaming Noah, I hope, I really hope that I exist there," mahinang sambit ko.
"Para kahit man lang sa paniginip, kaya kitang makasama nang walang humahadlang," I said while my eyes started to become teary.
Lumipas ang ilang oras at medyo maliwanag na ang paligid. Nakita ko si Jenny na unti-unti nang idinidilat ang mata niyang habang kinukusot-kusot pa ito at si Noah naman ay mahimbing pang natutulog sa balikat ko.
"We're here!" masiglang sambit ni Red at inihinto ang sasakyan sa isang signage na may nakalagay na "Isla Verde"
Nagsimula nang mag-ayos ang lahat at tinapik tapik ko naman nang marahan ang pisngi ni Noah para gisingin ito.
"Nandito na tayo," saad ko nang mapansing medyo dumidilat na ito.
Nagising na rin siguro siya dahil sa sigaw nina Vince at Red nang makababa kami ng sasakyan dahil sa sobrang excitement.
Featured Song:
Panalangin by Apo Hiking Society
(Moonstar88 Version)
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...