Chapter 11: It Happened

89 16 11
                                    


Nagtungo muna kami sa hotel upang ilagay ang mga gamit. Kani-kaniya kaming bitbit paakyat sa room habang si Red ay hinanapan pa ng mapupwestuhan ang sasakyan.

Napahinto ako saglit sa paglalakad at sandaling ibinaba ang mga gamit nang mapansin ang nakakakalmang alon ng dagat. Sobrang sarap sa tainga tuwing hahampas ang alon sa pampang. This is my first time na makapunta sa ganitong lugar. Nakakulong lang kasi ako lagi sa bahay noon dahil wala namang dahilan para lumabas ako at magsaya.

Napahinga ako nang malalim.

Bawal kong sirain ang mood ko ngayong araw. I should enjoy this moment.

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa para kuhanan ng litrato itong magandang view. Naghahanap ako ng magandang anggulo para kuhanan ng picture yung dagat nang biglang sumingit si Noah sa camera habang nakapose at abot tainga ang ngiti. I don't know pero sa halip na magalit ako, I took him a photo. Siya pala yung magandang view na hinahanap ko.

Joke.

"Ang panget mo, alis!" sigaw ko sa kaniya pero ayaw niyang magpatinag.

"Isa," pagbabanta ko pero agad niyang sinundan ang bilang.

"Dalawa," sagot nito at biglang tumakbo nang mapansing papalapit na 'ko sa kanya.

"Guys, mamaya na 'yan. May hotel room tayo," sigaw ni Jenny sa kalayuan na sinapawan naman nina Vince, Celeb at Geya ng malalakas na pagtawa.

"Oo nga, masyado pang maaga," dagdag ni Vince na nagpalakas pa sa tawanan nila kaya't tinigil ko na ang paghahabol kay Noah. Ang aga-aga ang lakas nila mang-asar.

Nakarating kami sa room namin at nagsimula nang ibaba ang mga gamit. Saktong kahihiga pa lang ni Vince sa sofa ay biglang tumawag si Red kay Noah na hihintayin niya raw kami sa baba para kumain ng breakfast. Agad naman kaming natawa kay Vince bago maghanda ng mga pagkain para sa breakfast picnic namin.

Nang makababa ay inilatag na ni Noah ang sapin at isa-isa na naming nilagay yung mga pagkain at inumin. Iniabot ni Celeb yung anim na tasa na tig-iisa sa amin para makapagtimpla ng kape at mainitan ang sikmura. Inilabas naman na ni Red ang ginawa niyang sandwich na proud na proud niyang inilabas sa amin. Medyo maaga kasi ang biyahe kaya't wala pang masyadong laman ang sikmura naming lahat.

Nang matapos nang magtimpla ang lahat ay nagulat kami nang iangat ni Geya ang tasang hawak niya.

"Cheers?" saad ni Geya habang nakaangat ang tasa at hinhintay ang tugon namin.

"Cheers!" sabay-sabay naming sagot bago humigop ng kape.

Marami kaming napagkwentuhan habang kumakain ng almusal. Ikinuwento ni Jenny na kanina pa raw tawag nang tawag ang Mommy niya kaya pinatay niya muna ang phone for the whole day. Ayaw din niyang masira ang moment namin ngayong araw.

Nabaling naman kina Celeb at Geya ang usapan nang itanong ni Noah kung kailan daw ba nila balak magpakasal. Ginatungan naman ni Celeb at sinabing magpapakasal lang daw sila kapag kami na daw ni Noah. Mga ulupong talaga.

Maya-maya pa ay napunta naman ang topic kay Red nang umaming hindi raw ito nakaligo kanina dahil medyo late siyang nagising. Sinabihan naman siya ni Vince na huwag mag-alala dahil pareho lang daw sila. Kung anu-anong pinag-usapan namin habang kumakain hanggang sa nabalot na ng tawanan ang bawat isa.

Hearing those laugh from them makes me want to live longer.

All my life, I thought that the world has no happy place.

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon