Chapter 17: Parating Palayo

90 14 4
                                    


Kinabukasan ay hindi ako umuwi ng room at nag-iwan na lamang ako ng message sa group chat na may kailangan lang akong asikasuhin sa araw na ito. Nabasa naman nina Celeb at Geya yung message ko kaya alam kong ibabalita na lang rin nila 'yon sa iba.

Buong araw akong hindi nagpakita sa kanila dahil gusto ko munang makapag isip-isip. Nandito pa rin ako sa Isla Verde at tumutuloy lang ako sa ibang room na tinutuluyan ko ngayong araw, ang dinahilan ko na lamang ay emergency.

Sa sobrang pagkaburyo ay bumaba ako ng room nang mapansing wala naman sila labas. Mahigit kalahating oras akong natahimik bago magdesisyong tumayo at maglakad-lakad. Malalim na ang gabi at tanaw na tanaw ko ang repleksyon ng buwan na nagpapakinang lalo ng dagat.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at hinahayaan ko na lamang ang mga nakayapak kong paa kung saan ako nito dadalhin. Nakita ko ang isang daan palabas ng Isla Verde at nagtungo ako rito.

Nang makalabas ako ay may iilang tao lamang ang nasa paligid. May iilang mga bilihan na bukas at mga restaurant. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko papasok sa may signage na "Drink, Spoke Pub"

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang mga bilog na mesa at may mga iilang naka-upo habang umiinom. May maliit na entablado sa gitna at may mikroponong nakahanda. Nagtataka akong napalingon sa iilang mga taong umiiyak at ang iba naman ay nilalasap ang iniinom nilang alak. Naghanap ako ng mesang walang nakapuwesto at doon ako umupo.

Mga ilang minuto akong nanatili doon nang may lumapit sa'kin na babaeng medyo mataba at maputi. May hawak itong listahan at ballpen bago ako masiglang kausapin.

"Ma'am broken hearted, basted, iniwan ng jowa o naghost?" tanong nito sa'kin at itinapat ang ballpen sa listahan niya.

"Po?" hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

Teka, ano ba 'tong pinasok ko?

"Ah, ano pong order niyo?" paglilinaw nito at malapad na ngumiti sa'kin.

"M-may beer po kayo?" tanong ko at tumango lamang ito bago magtungo sa kung saan. Wala akong alam sa alak at mukha namang napansin 'yon ni ate kaya't paniguradong siya na ang bahala.

Nang makabalik ito sa pwesto ko ay inilapag na niya sa mesa ang dalawang bote. May mga ilang nagpeperform sa harap ngunit hindi pinapansin ng mga tao. Kumbaga sila na ang mga live na soundtrack dito sa loob. Minsan ay sumasabay ang iilan sa pagkanta habang ang iba naman ay umiiyak at naglalabas ng hinanakit sa buhay.

Kinausap ko ang babaeng nag assist sa akin kanina at sinabi niyang dito raw pala nagtutungo lahat ng may dinaramdam. Mapa broken hearted, may family problem, isyu sa kaibigan at kung anu-ano pang problema. Dito raw nila inilalabas lahat.

May mga naggguest din daw na sikat na mga perfomer para magbigay ng entertainment sa mga nanunuod. Sinabi niya rin sa'kin na minsan na siyang naging biktima ng pag-ibig kaya siya nagtungo dito. Kalaunan ay nagustuhan niya na rin at dito na siya nag trabaho. Nakagagaan daw kasing magcomfort ng ibang tao. Ayaw niya raw kasing itulad sa kanya ang mga nagpupunta dito na walang kahit sinong lumalapit para pagaanin ang loob nila.

Dinala daw siya ng mga paa niya rito nang minsan siyang namatayan ng boyfriend for 5 years. Matapos niyang sabihin iyon ay ako na lang ang nagcomfort sa kaniya kahit simpleng yakap lang at kahit alam kong matagal na.

Mahigit isang oras at lagpas na ako dito ngunit hindi ko pa rin maubos-ubos itong isang bote. Hindi talaga ako sanay uminom at hindi ko naman kasi alam na ganito yung pinasok ko. Dati kasi para akong prinsesa na nakakulong sa amin kaya ngayon lang ako naka encounter ng mga ganitong bagay. And I realize na mas okay pa lang mamuhay sa hindi man magarang pamilya basta't malaya kang nakakagalaw.

Freedom is one of the keys for a total happiness, and I'm so happy na nakuha ko na siya ngayon.

Hindi na ako taga sunod sa mga payo ni Mommy and Daddy dati. Hindi na ako sunod-sunuran sa kanila na hanggang sa paglaki ko ay hindi ako napakinggan.

Maya-maya pa ay nagulat ako sa biglaang pagpalakpakan ng mga tao. Ang iba ay humihiyaw at tumataas pa ng kamay habang kinakalampag ang lamesa para lumikha ng ingay.

Napatingin ako sa maliit na entablado at may nakatayo doon na isang lalaki na hindi ganun katangkad at hindi rin naman ganun kaliit, may moreno itong balat at may mga mata na nakikitaan ko ng lungkot. Nababasa ko talaga agad kapag malungkot ang tao base sa mata nila. Tumindig ito nang diretso sa harap ng mga tao at itinapat sa kanya ang mikropono.

"Magandang gabi po sa ating lahat," masiglang bati nito na sinabayan ng hiyawan at palakpakan ng mga tao.

"Sino dito ang gising ngayon dahil binabagabag ng kung anu-anong bagay?" tanong nito sa mga nanunuod at ang iba ay nagsitaasan ng kanilang mga kamay habang ang iba naman ay tinuturo ang mga kasama nila at sumisigaw.

"Para sa mga pinipilit lumayo ngunit hindi magawa, para sa mga umibig at hindi jinowa, at para sa mga hindi makasugal dahil bawal, para 'to sa inyo," pagpapatuloy niya na mas lalong nagpaingay sa mga nanunuod. Ang iba ay tumatawa habang ang iba naman ay tinatapik ang likod ng mga kasama nila at kung anu-ano pa. Tumahimik na ang lahat bago ito magsimula.

"Ang pamagat ng spoken poetry na ito ay Parating Palayo," panimula niya bago huminga nang malalim at magsimula.

"Nagmahal ako minsan ng mga paa na parating naglalakad papalayo
Ng mga sigarilyong nagkokorteng bagong tasang lapis
Ng buhok na animo'y kurtinang hinahangin sa kaniyang mga mata
Ng mga mata na sumisingkit sa mga titig sa pahina ng libro

Nagmahal ako
Ng boses na wala man sa tono
ay awit sa pandinig
Ng mga damit na ulap sa kaniyang balikat
Pangarap liparin ng puso sa madilim na kakahuyan ng kaniyang mga kinikimkim na maligno.

Hindi ko mapigilang mamangha sa kung paano niya ihatid 'yung mensahe niya sa audience. Kitang-kita ko kung paano maapektuhan ang mga nanunuod sa piyesa niya. Ngayon lang ako nakanuod ng ganito parang gusto ko nang dalasan ang pagpunta rito.

Nagpatuloy ang lalaki habang ang lahat ay tutok na tutok sa kaniya.

At 'pag narating ko ang minsan naming naging tagpuan
Tutuldukan ko ang pangungusap na ito ng halik
Alam kong di na siya makababalik Kaya ako na ang magsusulat ng mga ala-alang pwede ko pa ring puntahan

Pinagpapaalam ko na,
Ang ilan dito ay maaring mga kasinungalingan
Pero di ko sasabihin kung alin Makasarili tayo minsan sa pagpili ng mga isusulat na ala-ala
At ganito ko siya gustong alalahanin
Sa ganitong paraan ko na lang siya maaangkin,"

Natapos ang piyesa ng lalaki at hindi ko alam kung bakit ito nag-iwan ng marka sa'kin. Parang may kung anong bumulong sa'kin na huwag kong pigilang mahalin si Noah.

Nagbayad na ako sa counter at tiningnan kung anong oras na sa phone ko ngunit nagulat ako sa mga messages and missed calls na nakita ko.

19 missed calls

27 unread messages

Agad-agad ko itong binuksan at hindi ko pa nachecheck lahat ng mga messages ni Jenny ay napahinto na 'ko sa una 'kong nabasa.

From: Jenny

Sinugod namin si Noah sa hospital.



Featured Spoken Word:
Parating Palayo by Juan Miguel Severo

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon