Chapter 18: Noah

69 12 5
                                    


Nagmadali akong pumunta sa room namin ngunit wala akong kahit sinong naabutan. Alam kong dinala rin nila 'yung sasakyan dahil hindi ko na ito nakita kung saan ito ipinarada ni Red.

Wala na akong pakielam kung anong tingin sa akin ng mga tao dahil hindi na ako mapakali kung ano bang nangyari kay Noah. Kinuha ko yung pocket money ko sa room namin at muling lumabas ng Isla Verde.

Kahit pa gabing-gabi na ay matiyaga akong naghanap ng masasakyan at pinilit yung taxi driver na dapat ay pauwi na ngayon. Dinoble ko na lang ang bayad dahil sinabi kong namang may emergency. Nagpahatid ako sa hospital na nabasa ko sa message ni Jenny sa'kin kanina. Muli akong tumawag sa kanila ngunit hindi na nila ako sinasagot.

Nang makarating sa hospital ay agad akong nagbayad sa taxi driver at lakad-takbong pumunta sa front desk.

"Ma'am, excuse me po. John Noah Castino?" nagmamadaling tanong ko sa babaeng nasa front desk.

"Kaano-ano niyo po?" hindi ko na nasagot ang tanong nito dahil nahagip na ng mata ko si Vince na may bitbit na paper bag.

"Vince!" sigaw ko at sakto namang napalingon ito sa direksyon ko. Agad akong lumapit sa kanya at sabay na kaming nagpunta sa room ni Noah.

Nang makarating kami ay agad nila akong sinalubong nang bigla na lang napayakap sa'kin si Jenny.

"Saan ka ba nanggaling? Nakailang tawag at text kami sa'yo hindi ka naman sumasagot," nag-aalalang tanong nito.

Hindi na ako sumagot sa mga tanong ni Jenny dahil ang mas mahalagang pag-usapan namin ngayon ay si Noah.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanila.

Kasalukuyan kaming nandito sa tapat ng room ni Noah at nakita kong hindi pa sila pwedeng pumasok dahil chinecheck pa ng doktor si Noah sa loob.

"Hindi namin alam. Bigla na lang siyang natumba tapos hindi na namin magawang gisingin. Sinubukan naming paypayan para mahimasmasan pero napansin naming hindi na siya humihinga," sambit ni Geya at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap namin nang iniluwa ng pinto ang doktor. Tumango ito sa'min at sumenyas na p'wede na kaming makapasok sa loob at sinabing kung maaari may isa itong kakausapin sa'min tungkol sa kalagayan ni Noah.

Dahan-dahan naming binuksan ang pinto ng room ni Noah. Nang makapasok ay naabutan namin itong mahimbing na natutulog. Nagpaalam naman si Red na bibili lang daw siya sa labas ng iba pang pagkain para hindi na kami labas-pasok dito sa hospital.

Tiningnan namin saglit ang kalagayan ni Noah at sobrang himbing na ng pagkakatulog nito. Nagkalikot muna ako sa phone ko habang sila Jenny, Geya, at Celeb naman ay nakapalibot pa rin kay Noah. Si Vince ay sumunod kay Red at sinabing may kukuhanin daw ito sa van.

Maya-maya pa ay nakabalik na si Red na may bitbit na sandamakmak na prutas at iba pang pagkain na nakapaloob sa plastic at paper bag. Mga ilang minuto pa ay sumunod namang nakabalik si Vince na may dala-dalang laptop. Ito yata 'yung kinuha niya sa loob ng van.

"Anong meron?" curious na tanong ni Jenny nang mapansin ang mga bitbit ng dalawa.

"Simula ngayon, tayo na ang magiging tagapagbantay ni Prinsepe Noah," saad ni Red at umaakto pa ito na parang super hero sa TV.

"Prinsepe ka diyan, hari kamo!" sabat naman ni Vince na binatukan pa si Red saktong pagdating nito.

"At 'yung isa d'yan ang reyna," dagdag ni Vince na lumapit pa sa akin at kunwaring may sinuot na korona sa ulo ko. Alam kong pinapagaan lang nila ang loob namin at hindi kami mag-alala nang masyado.

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon