Chapter 20: Love, Megan

74 14 7
                                    


Third Person's POV

"Doc anong nangyari?!"

"Megan!"

"Noah!"

"Doc ano po bang nangyari?"

Hindi magkamayaw sa pagtatanong ang magpipinsang Jenny, Red, at Vince habang nagmamadali ang mga doktor upang dalhin na si Noah sa kanyang room at sa katabing room naman si Megan.

Alas-syete na ng gabi kanina at oras na ng pag-inom ng gamot ni Noah nang maabutan ng mga nurse na wala ito sa kaniyang kwarto. Kung saan-saan sila nagsususuot sa loob ng hospital hanggang sa maabutan nila sa rooftop si Noah na nakaupo sa wheel chair at si Megan na nakalumpasay sa sahig. Parehong walang malay ang dalawa at basang-basa ng ulan.

"Doc please ano po bang nangyari?"

"Ma'am mamaya na po, kailangan na natin silang icheck,"

"Doc!"

"Babalikan po namin kayo mamaya,"

Isinara na ng mga doktor ang pinto ng kwarto kung saan dinala si Megan. Kasunod lamang ito ng kwarto kung saan naman naka confine si Noah. Walang magawa ang tatlong magpipinsan dahil hindi nila alam kung anong nangyari sa dalawa. Hindi na sila nag abala pang tawagan sina Celeb at Geya dahil ayaw nilang sirain ang araw ng dalawa nilang pinsan at kaibigan.

Kasulukuyan silang naka-upo sa kahabaan ng pasilyo ng hospital. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitila ang ulan at patuloy pa rin ang malalakas na kulog. Hindi matahan sa pag-iyak ang pinsan nilang babae na si Jenny, buti na lamang at nasa tabi niya ang dalawa niyang pinsan na lalaki.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang lumabas na ang doktor sa room ni Noah. Agad namang nag-angat ng tingin ang magpipinsan nang mapansin nila ang presensya nito.

"Doc kumusta po?" agad na tanong ni Jenny kahit pa namumugto ang mata nito at halos wala nang boses na mailabas.

Hindi na nasagot ng doktor ang tanong ni Jenny dahil nagmamadaling nagtungo ang doktor sa room kung saan nila dinala si Megan at kasabay naman nito ang pagpasok ng iba pang mga nurse.

"Doc ano pong nangyayari?!" si Red naman ang nagtanong habang sinusundan nito ang doktor papunta sa room ni Megan.

"Sorry, Sir. Just stay here," halos nagpipigil na sigaw na ang isinagot ng doktor dahil nasa kalagitnaan sila ng trabaho. Halos sumigaw na rin si Red sa mga sumunod niyang tanong ngunit hindi na ito sinagot ng doktor sa pagmamadali kaya't lumapit na ang pinsan niyang si Vince upang pakalmahin ito.

"Bro, hintayin na lang natin," saad ni Vince sa kaniyang pinsang lalaki habang hawak hawak ang balikat ito.

Muli silang naupo habang hinihintay ang pagkakataong makapasok sila sa loob ng room ng kanilang pinsan at kaibigan.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng room ni Megan ngunit mas dumami ang mga nagmamadaling nurse na pumasok dito. Naririnig nila mula sa labas ang mga sigaw ng doktor habang nag-uutos ito animo'y may kailangan silang habulin.

Hindi na nagdalawang isip pa ang magpipinsan at agad itong nagtungo sa room ni Megan dahil naiwan nang nakabukas ang pinto. Agaw-pansin ang pagkukumahog ng doktor at ng mga nurse sa loob ng room ni Megan kaya't kahit pa ang ibang tao ay napapatingin na rin dito.

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon