Epilogue

101 17 14
                                    


"Anak,"

"Anak gising na,"

"Doc, gumagalaw na siya!"

"Megan,"

Nagising ako sa mga boses na nag-eecho sa loob ng hospital.

"Megan, anak. Finally gising ka na!"

Nanlaki ang mga mata ko at mistulang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakikita ko.

Please — tell me what's happening.

Anong nangyayari?!

Bakit nakikita ko sila Mommy sa harap ko?

"Congrats Ma'am! You have just been awaken after being comma for 4 months,"

4 months?!

Apat na buwan?!

"No!"

"This is not happening!" halos manlumo ako sa nalaman ko. Hindi 'yon panaginip lang. Hindi iyon pwedeng maging paniginip.

"Megan, ano bang sinasabi mo anak? Gising ka na, makakasama ka na ulit namin," saad ni Mommy na nakatayo malapit sa kamang hinihigaan ko. Kitang-kita ko ang ekspresyon niya nang muli na 'kong magising habang nakayakap pa ito kay Daddy.

"No, hindi 'to nangyayari!" kumawala na ang hindi maawat na mga luha sa mata ko. Dali-dali akong tumayo kahit pa may kung anu-anong nakadikit sa katawan ko.

Hindi 'to totoo.

Hindi sila panaginip lang.

Nagmamadali akong lumabas ng room at hindi pinapansin ang mga pagtawag nila sa pangalan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong maniwala sa mga nangyayari. Ayokong maniwalang nakatulog lang ako sa loob ng apat na buwan at doon ko lang sila nakikila.

Hindi p'wede.

Hindi na 'ko mapigil sa pag-iyak habang tumatakbo palabas ng hospital. Wala na akong pakielam kung sino mang nakakakita sa'kin. Patuloy lang ako sa pagtakbo ngunit napahinto ako nang mabunggo ako sa dibdib ng isang lalaki. Inangat ko ang paningin ko ngunit mistulang tumigil ang ikot ng mundo nang mapagtanto ko kung sino 'yung kaharap ko ngayon.

"Noah?"

"Sorry, Miss?"

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon