Chapter 3: Thank You

153 21 30
                                    


Huminga ako nang malalim at umupo sa kama. Ayoko nang magdrama. Tapos na 'yon at nangyari na. Ito na 'yung chance ko para maging masaya at palitan lahat ng malungkot kong alaala.

Nilibot ko ang paningin at pansin na pansin ko na sobrang kalat ng kwarto na 'to. May mga balat ng pinagkainan na candy, noodles, at kung anu-ano pa sa sahig, mga tasang may naiwan pang kaunting kape, mga damit na nakakalat at mga papel, ballpen at librong hindi nakaayos sa study table. Nakita ko rin ang name niya na nakadikit sa sketch pad nito.

John Noah Castino

Nice name. Mukhang matino talaga. Pero ang kalat ng kwarto. Puro pag-aaral na lang yata inaatupag niya kaya hindi na niya naayos 'tong kwarto niya. At dahil hindi ako komportable sa magulo at makalat na paligid, kinuha ko ang walis tambo at dustpan sa gilid at nagsimulang maglinis. Ganti ko na rin 'to kay Noah sa pagpapatuloy niya sa'kin. Kumuha ako ng lagayan at inipon lahat ng maruruming damit, kinuha ko lahat ng tasa sa isang tray at nilagay sa lababo sa may kusina. Kumuha ako ng basahan at sinimulang maglampaso ng sahig.

Habang naglalampaso, nahagip ng mata ko ang isang lumang litrato ng isang batang lalaki. Infairness, ang cute niya nung bata. Ang taba ng pisngi.

Tinabi ko ang picture sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglilinis. Tinupi ko lahat ng kumot at pinagpatong patong lahat ng unan, pinalitan ko ang bed sheet at nag spray ng insecticide sa paligid nang matapos na 'kong ligpitin lahat except sa study table niya, baka kasi may mawala or magulo sa mga inaaral niya at palayasin niya pa 'ko.

And this is my weakness.

Ang daming ipis na nagsilabasan dahil sa insecticides.

Dali-dali kong kinuha 'yung walis at tumuntong sa kama. Wala akong pake kung nakapuwesto man ako ngayon na parang makikipaglaban sa digmaan. Nakita ko ang isang ipis na papalapit sa akin kaya agad ko itong hinampas malapit sa pader.

One down.

Hingang malalim.

Damhin ang hangin.

Pagsubok lang 'to.

Muli akong pumwesto na parang sasabak sa giyera laban sa mga mananakop na Hapones. Naka-ilang hampas muna ako bago mapagtantong naubos ko na yata sila. Kung nakikita lang ako ng guardian angel ko malamang pinagtatawanan na niya 'ko. Maya-maya pa ay may nakita nanaman akong isang ipis sa pader malapit sa'kin. Hahampasin ko na sana ito nang bigla itong lumipad. Hindi ko na napigilang sumigaw at tumalon papunta sa pinto at saktong pagkabukas ko ay bumungad sa'kin si Noah.

"Anong nangyayari?" pansin ko ang pagkataranta sa boses nito. Akala niya siguro may nagtatangka na sa'kin.

Saktong pagbukas niya sa pintuan ay biglang lumipad ang ipis sa direksyon namin. Napasigaw si Noah at agad sinira ang pinto.

"Hoy buksan mo 'to!" sigaw ko habang kinakatok ang pintuan.

Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong nasa tabi ko lang pala ang insecticide. Nagspray ulit ako sa paligid at sa wakas, puro patay na ipis na ang nakita ko.

Relief.

Kinuha ko muli ang walis tambo at dustpan tsaka inipon ang mga patay na ipis at tinapon sa basurahan. Binuksan na ni Noah ang pinto nang mapansing napatahimik na 'ko.

"Wala na?" kinakabahang tanong nito habang nakasilip sa pinto.

At dahil sinapian nanaman ako ng kalokohan. Pinanlakihan ko ng mata 'yung pinto at tinuro ito habang sumisigaw. Namimilipit na ang tiyan ko sa katatawa nang mas malakas pang napasigaw si Noah kaysa sa'kin.

Maya-maya pa ay napansin niya yatang nagbibiro lang ako kaya agad-agad na niyang binuksan ang pinto at umirap sa'kin. Ipis lang pala katapat nito, kung maka-irap sa'kin dinaig pa 'ko.

Dumiretso ito sa study table niya at binuksan ang isang libro para magbasa.
Seriously? sa pag-aaral lang ba talaga umiikot ang buhay niya? Akala ko ba katatapos lang ng final exam niya. Wala man lang ba siyang lovelife? girlfriend? boyfriend? bestfriend?

"Noah?" tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon.

"I'm just wondering, may girlfriend ka ba?" direkta kong tanong.

"Bakit mag aapply ka ba?"

Nasamid yata ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Mukha siyang matino, marangal, at 'yung tipo na mahiyaing tao pero dinidiretso ako nang ganito.

"Oo," sagot ko at bigla itong napalingon sa'kin.

Ilang segundo kong pinatahimik ang paligid bago muling magsalita at humingi ng pabor sa kaniya.

"I mean, mag aapply sana ako bilang kasambahay mo. Kung pwede," napayuko na 'ko sa sobrang hiya.

I am so helpless at this moment. Ayoko nang palawakin ang mundo ko. At mukha namang mayaman siya. Kung hindi man at may kaya lang, wala namang magbabago sa pabor ko dahil ang pinaka-intensyon ko naman talaga is may matirhan pansamantala kaya I don't expect a big money in return. Ayos na 'ko sa sapat at may mauuwian. At okay naman na 'ko dito. Sabi sa'kin ng matandang naka-usap ko kagabi, 'wag daw akong makisalamuha sa maraming tao.

Tumingin naman ito nang diretso sa'kin na parang pinapasok na ng mata niya 'yung buong pagkatao ko. Hindi siya kumukurap, yung tingin niya tagos hanggang kaluluwa. Titig na titig siya animo'y may inuusisa sa itsura ko.

"Tapatin mo nga 'ko. Ano ba talagang pakay mo?" seryosong tanong nito.

Bigla akong napalunok sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Hindi naman niya kasi ako maiintindihan.

What's the point of explaining if your reason is so impossible for him to believe?

"I just need money. Kapag nakaipon ako, aalis rin ako," sagot ko at napayuko. Hindi alam kung ano ba talagang dapat sabihin.

"Wala na kasi akong mauuwian, parang nag back to zero na lahat sa'kin," sagot ko nang may nagbabadyang luha sa mata ko.

Huminga ako nang malalim habang pinipigilan ito at hinihintay ang sasabihin ni Noah.

"Okay fine," sagot nito na nagpaangat sa ulo ko. Hindi ko na napigilan ang sariling lumapit sa kanya para magpasalamat.

Love, Megan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon