Malinaw ang naging kasunduan namin ni Noah. Wala rin naman daw siyang kasama sa bahay, paminsan minsan lang daw ay bumibisita ang mga tropa niya at mga pinsan. Masyado lang siguro akong judgemental. May mga kasama at kaibigan naman siya buhay. Pero wala siyang kapatid, only child lang ngunit hindi tinututukan ng magulang dahil nakafocus sa trabaho.Parehong-pareho kami.
Pumayag naman siya na dito ako tumuloy kahit sa sofa lang ako matulog dahil isa lang ang kwarto. Medyo malaki naman ang sofa, kasya pa nga sa dalawang tao eh. Malambot rin tsaka sobrang linis, sobrang comfortable higaan kung tutuusin. Ako na rin ang maglilinis ng sala, banyo, kwarto, kusina at maghuhugas ng pinggan. Maglalaba ng damit, maglalampaso ng sahig at magdidilig ng halaman. Ako na rin ang magluluto ng almusal, tanghalian, meryenda at hapunan.
Nanggaling sa anak mayaman pero all in kasambahay? Well, tinuruan ako ni Manang Tanya sa mga ganitong gawain para daw paglaki ko kaya ko na ang sarili ko.
Libre na ang pagkain at lahat ng expenses dito sa bahay sabi ni Noah, mapakuryente at tubig, 'wag daw akong mahiyang gumamit at siya na raw ang bahala. Tumanggi naman ako sa sinabi niyang dadagdagan niya raw ang sahod para makapag-aral ako. Kaya ko namang mag self-study at mas nadadalian ako do'n. Atsaka ayokong makisama sa mga tao. Bukod sa ipinagbabawal sa'kin no'ng matandang nakabelo na naka-usap ko sa sementeryo, ayaw ko rin talaga kasi wala naman silang magandang naidudulot sa akin. Baka mangyari nanaman 'yung nangyari sa dati kong buhay.
May kalakihan ang bahay nila Noah kaya nakapagtataka na siya lang ang mag-isa dito kahit pa kasya ang kalahating studyante sa isang klase.
Maya-maya pa ay sinimulan ko nang linisin ang sala dahil wala naman akong ibang gagawin sa araw na 'to. Tapos ko nang linisin ang kwarto ni Noah at iniwan na muna siya doon habang nakatutok sa libro. Habang naglilinis ay nahagip ng mata ko ang isang libro about Political Science. Napangiti ako habang hinahawakan ko itong libro. Ito kasi dapat yung kukuhanin kong kurso pagdating ng college. Saktong-sakto rin pala na ito 'yung kurso ni Noah. Pinagpagan ko ang mga alikabok sa libro at maingat kong binalik sa kinalalagyan nila.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag ng paa ni Noah pababa ng hagdan at dumiretso ito sa ref para kumuha ng tubig.
"Kumusta pala final exam?" tanong ko dahil nagtataka ako kung bakit nagrereview pa rin siya hanggang ngayon.
"Ayos lang," sagot nito na parang wala lang.
"Next week pa ilalabas 'yung results," dagdag niya sabay inom ng tubig sa hawak niyang baso. Magtatanong pa sana ako nang madistract ako sa kung paano magtaas baba 'yung adam's apple niya habang umiinom ng tubig. Legal ba 'yon?
Gash. Stop imagining Megan.
Mabilis kong tinuon ang atensyon ko sa paglilinis nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko.
"May problema ba?" tanong nito. Hindi na lang ako sumagot at tinuloy lang ang pag-aayos ng libro kahit naka-ayos naman na talaga. Inaalis ko ito sa lalagyan tapos ibabalik ko rin isa-isa.
Nakakahiya ka, Megan.
Hindi na niya ako hinintay na makasagot at umakyat na ito sa kwarto niya na parang pinagtatawanan pa 'ko.
Hapunan. Nagluto ako ng sinigang na baboy. Isa 'to sa mga paborito kong putahe na itinuro sa'kin ni Manang Tanya. Sabi niya pa sa'kin na mas maasim, mas masarap. At kapag napangiwi mo raw ang mukha ng kumakain ng niluto mong sinigang, success. Pwede ka nang mag-asawa. Hindi ako naniniwala pero sinasakyan ko lang ang sinasabi ni Manang Tanya. Nadala ko na kasi ito hanggang paglaki at hindi siya pumalya na banggitin ito kapag sinigang ang niluluto niya.
Umakyat na 'ko sa taas at kumatok sa kwarto ni Noah. Naka-ilang katok na 'ko pero wala pa ring sumasagot kaya nag desisyon na akong buksan ang pinto.
Nagulat ako nang bumungad ito sa akin nang naka topless habang mahimbing na natutulog. Hindi ako humiling ng ganitong thrill sa pangalawang buhay ko. Kailangan kong layuan lahat ng tukso.
Kinuha ko ang sando niya na nakapatong sa study table at tinakpan ang katawan nito. Tinapik tapik ko ang braso nito hanggang sa magising siya. Inaantok niyang kinusot ang mata bago tumingin sa'kin.
"What are you doing here?" nagulat yata siya nang makita ako sa loob ng kwarto niya.
"Wala kasing sumasagot no'ng kumakatok ako," sagot ko.
"Kain na," dagdag tsaka naman siya nagsimulang kumilos. Papalapit na 'ko sa pintuan ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto ay nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib.
Uulan.
Dali-dali akong lumapit sa bintana at isinara ito. Kitang-kita ko ang pagtataka ni Noah sa ikinikilos ko ngunit hindi niya na lang ito pinansin at nauna na siyang bumaba.
Agad akong sumunod sa kanya at nagsimula nang maghain. Habang nagsasandok ako ng kanin ay mas lalo akong binabalutan ng kaba dahil sa naririnig kong pagpatak ng ulan mula sa labas.
"Is there any problem?" tanong ni Noah nang mapansing may kakaiba sa mga ikinikilos ko.
"Ah, wala, ayos lang," sinubukan kong ibahin ang atmosphere ng paligid upang matuon sa iba ang atensyon niya.
"Tikman mo 'yang niluto ko, masarap 'yan. Sabi sa'kin ni Manang Tanya, kapag napangiwi ko raw sa asim 'yung kumakain ng niluto kong sinigang, sucess. Pwede na 'kong mag-asawa," tugon ko sa kanya habang pinagsasandok siya ng ulam.
"So, gusto mo 'kong asawahin?" literal na nabilaukan ako sa sinabi ni Noah.
What the ?!
"Alam mo, pansin ko lang, masyado kang straight to the point. Hindi pa 'ko ready na magcommit, hahanapin ko muna sarili ko. Char! That's not my point Mr. Castino," sagot ko para depensahan ang sarili ko. Natawa naman ito at nagsimula nang kumain.
"Hep hep! pinipigilan," pang-aasar ko sa kanya dahil nakikita ko na nangangasim na ito.
"Okay, fine. Actually, I like Sinigang. It's one of my favorite filipino dishes."
Okay, no turn on Megan. Same lang kayo ng taste sa ulam. Hindi kayo same ng music taste para maturn-on ka. Ulam lang 'yan. Hindi naman sinigang ang kakainin mo buong buhay.
"Parehas tayo, marunong kang magluto?" tanong ko sa kanya.
"Yes, Manang Delya taught me. Siya 'yung nag-aalaga sa'kin nung bata ako dahil laging wala sila Mom and Dad," sagot niya.
Sobrang pareho talaga kami. Kaya I understand why he's used to live alone.
"Nasaan na siya ngayon? tanong ko.
"She's gone," sagot niya at saglit na tumahimik.
"After that, I don't accept any maids here. Kasi kapag napamahal ako, iiwan rin ako sa huli"
Aw, we really have the same story.
"So you're lucky tinanggap kita. Pero iiwan mo rin ako diba?" tanong nito sa'kin. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.
"Ha? Oo pero bakit ka naman mapapamahal sa'kin," sagot ko upang depensahan ang sarili.
"Bakit hindi?"
Nabalot ng saglit na katahimikan at tanging kaluskos lamang ng kutsara sa plato at pag-ulan ang naririnig ko.
Tapos nang kumain si Noah at sinabing magbabasa na raw siya. Inayos ko naman yung pinagkainan naming dalawa at nagsimula nang maghugas ng pinggan.
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...