Play the violin cover of Can't Help Falling in Love while reading this chapter.
Third Person's POV
Tumambad ang nakasisilaw na araw sa mukha ng pasyenteng si Noah. Matapos malaman ang nangyari sa babaeng minamahal nito ay nawalan na rin ito ng pag-asang salubungin pa ang bawat umaga.
Napatingin ito sa gilid at nahagip ng mata nito ang isang papel na nakapatong sa mesa na katabi ng kanyang kama. Pilit nitong inabot ang papel kahit pa nahihirapan at pumatak ang isang luha sa kanyang mata nang mapagtanto kung para kanino ang nakasulat sa papel.
To: Noah
Napangiti ito saglit dahil alam niyang mula ito kay Megan. Sa babaeng nakasama niya sa loob ng apat na buwan at nagparamdam sa kanya na ang pag-ibig ay hindi nakabase sa haba ng oras ng pinagsamahan upang mapatunayan.
Dahan-dahan nitong binuksan ang sulat at sinimulang basahin.
Dear Noah,
You're really exceptional.
At first, I never thought that my life would be like this.
I don't know if you're reading this now that I'm gone or I am still alive.
But I think, it doesn't matter because you deserves to know the truth.
I am just a lost soul, Noah.
Noong napadpad ako sa kwarto mo, that was my second life. Alam kong hindi ka agad maniniwala pero the reason why I'm here is because I killed myself in my previous life. I am supposed to tell you the truth but I know you won't believe me. Kaya dito ko na lang sasabihin at hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi, but I just want you to know this.
I was born in this place. Kaya noong nagpahatid ako sa'yo, village talaga namin 'yung sinasabi ko. Maybe it became cemetery because Manang Tanya (who knows all of this) told me that I should not find things and place in my previous life, or even persons including my family.
Noong nagkita tayo, sinabi ko na sa sarili ko na bawal akong mapalapit sa'yo because to be with me is too risky.
Marami akong kalaban dito sa pangalawa kong buhay at alam kong saglit lang ako dito. But as the time goes by, you taught me to live my life to the fullest. Narealize ko na bakit ko lilimitahin 'yung sarili ko sa mga bagay na pinagkait sa'kin sa unang buhay ko.
You let me feel how to be loved by someone without taking any advantages. Sa loob ng apat na buwan, pinaramdam mo sa'kin lahat ng hindi ko naramdaman dati.
Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo.
Ganito pala ang pakiramdam ng may gumagawa ng rason para mapasaya ka.
Ganito pala ang pakiramdam ng mabuhay nang may pagmamahal.
Sa loob ng apat na buwan, lahat ng mga bagay na hindi ko naramdaman at naranasan dati, binigay mo sa'kin.
Naalala ko 'yung time na nasa Isla Verde tayo, 'yung pagkabukas ko ng pinto bumungad agad sa'kin lahat ng maraming rose petals sa sahig at may mga kandila pa sa basong nakaayos na korteng puso.
That was my first time na may nag effort para sa'kin.
That was my first time na maramdaman ng puso ko 'yung sobrang saya habang may tumutugtog na violin at habang sinasayaw mo 'ko.
That was the best moment in my life.
Thank you so much.
And please, let Jenny, Red, Celeb, Vince, and Geya know that I am also thankful that I met them. You let me feel like I am part of our own family.
Tell them that I love each of them.
Sinusulat ko 'to ngayon sa kwarto mo habang natutulog ka naman sa hospital. And I hope, na sana magising ka na.
Na sana masulit natin 'to.
But I know, ramdam ko nang malapit na 'kong mawala.
Manang Tanya gave me the hint.
Noah, if you're reading this and I am gone. Please, keep fighting! Marami pang mangyayari sa'yo. Don't lose hope, and don't let sadness fill you. You can move on and you can recover from this.
Please, keep going.
Of course, I wouldn't let this letter end without saying this.
Mahal kita Noah,
sana sa susunod ko pang buhay mahintay mo 'ko.
sana susunod ko pang buhay pwede na tayo.
I am so much thankful that I met you.
Goodbye, I love you.
Love,
MeganKasabay ng pagtiklop ng binata sa papel na hawak nito ay ang pagkawala ng mga luhang kanina pa nagpupumiglas sa kanyang mata. Sa mga oras ding iyon ay nawalan na rin ito ng ganang ipagpatuloy pa ang kaniyang buhay.
All his life, no one let him feel what Megan have done in her life
Marahan nitong ipinikit ang kaniyang mata at niyakap ang sulat na hawak niya.
He wants to fight but his body is giving up.
And together with tears in his eyes and letter in his hand,
Noah died at exact 12:30 in the afternoon.
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...