This chapter will emphasize Manang Tanya's story and the current situation of Megan.
"Ano po ba talagang nangyayari sa'kin?"
Huminga nang malalim si Manang Tanya bago magsalita.
"Hindi mo man naitatanong Megan ngunit isa rin ako sa mga biktima ng mapait at mapaglarong kapalaran," panimula niya.
"Noong isinilang ako ay naging mapait na agad sa akin ang mundo. Sobrang gulo sa iba't ibang aspeto. Mapa-kaibigan, pamilya, kamag-anak o kung sino pang kakilala at kahit ano pang mga bagay. Para bang isinilang lang ako upang iparanas sa akin ang kalupitan ng mundo.
Ako rin mismo ang tumapos sa sarili kong buhay. Naaalala ko pa noon na naghanda rin ako ng lubid sa kwarto ko at nag-iwan ng liham bago ako mamaalam. Ngunit nang ginawa ko iyon ay nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Alam kong patay na ako kaya't nagtataka ako kung anong nangyayaari sa'kin at kung bakit nasa lupa pa rin ako. Alam ko rin na mali ang ginawa kong pagtapos sa sarili kong buhay kaya't pinagsisisihan ko na ang lahat. Hindi ko naisip na hindi iyon ang solusyon sa lahat ng bagay.
Dito mismo sa Isla Verde ako nagising. Doon sa malaking bato na may malawak na espasyo kung saan ka natulog noong huling pagsapit ng bilog na buwan."
Nabigla ako sa sinabi ni Manang Tanya ngunit hinayaan ko lamang itong magpatuloy sa pagkukuwento.
"Nang magising ako ay may lalaking bumungad sa paningin ko. Isang matangkad, makisig at matipunong lalaki. At alam mo ba kung anong pangalan niya?"
Umiling ako sa tanong ni Manang Lina bago ito sumagot.
"Noah"
"Po?!" gulat na tanong ko.
Si Noah rin ba o ibang Noah?
"Oo, Noah rin ang pangalan niya. Hindi naging maganda ang kapalaran namin noon. Noong una ay naging matalik kaming magkaibigan. Halos lahat ng ginagawa niya ay palagi akong nandoon at nakasuporta. Minsan nga ay ipinakilala niya pa ako sa iilang mga kaibigan niya. Binalak niya rin akong ipakilala sa pamilya niya ngunit nang mapansin kong lumalawak na ang mundo ko ay unti-unti ko na itong iniwasan," pagkukuwento ni Manang Tanya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagsasalita.
"Napamahal na ako kay Noah at alam kong gano'n din siya sa akin. Napamahal na kami sa isa't-isa. Isang gabi rin, dito sa Isla Verde, ay nagtapat ito ng nararamdaman niya para sa'kin. Ngunit bago pa ako tumugon ay nilayuan ko na ito at hindi na nagpakita pa. Nang hindi na ako nagpapakita rito ay panay ang pagpapadala nito ng sulat na siya namang tinatanggihan ko. Pinigilan ko ang sarili kong mahulog pa lalo sa kanya at iyon ang dahilan kung bakit ako nagtagal dito sa mundo.
Namasukan ako bilang kasambahay sa inyo hindi dahil sa kailangan ko ng pera. Ikaw talaga ang pakay ko kung bakit ako pumasok bilang kasambahay. Nasaksihan kita hanggang sa paglaki mo at alam ko kung gaano kabigat ang dinadala mo sa bawat araw." Nagpakawala ito ng mabigat na paghinga bago muling nagsalita.
"Ang tawag sa nararanasan natin ay resureksyon."
Kahit pa nalilito ay hinayaan ko lamang si Manang Tanya na magkuwento.
"Ito ay ang pagbabalik mo sa mundo nang may buhay pagtapos ng iyong kamatayan. Sa kaso natin ay hindi sagot ang pagpapatiwakal upang makarating sa araw ng paghuhukom. Mapapansin mong kasabay ng kamatayan ko ay ang muli mong pagkabuhay sa parehong henerasyon ngunit sa ibang paligid. Tuwing lalabag ka sa mga ipinagbabawal sa'yo ay buhay mo ang magiging kapalit. Ngunit kasabay ng iyong kamatayan ay may panibago nanamang nilalang ang muling mabubuhay at magpapatuloy sa daloy ng kapalaran."
Ngayon ay medyo nalinawan na 'ko sa sinasabi ni Manang Tanya ngunit marami pa ring tanong ang bumabagabag sa isip ko.
"Bakit po hindi ako nakikita tuwing kabilugan ng buwan?" tanong ko kay Manang Tanya nang mapansing saglit itong tumigil sa pagkukuwento.
"Dahil ang bilog na buwan ay simisimbolo sa hubad na katotohanan. Ilalantad nito ang tunay mong anyo kaya't nararapat na huwag kang makisalamuha sa mga tao tuwing sasapit man ito," sagot sa'kin ni Manang Tanya.
Napatango naman ako dahil sa sinabi niya at muling nagtanong.
"Pero bakit maaari po akong mabasa ng tubig ngunit bawal po akong mabasa ng ulan? Ano po bang mangyayari?"
"Ang muling pagkabuhay sa mundo ay may kaakibat na sumpang Ombrophobia o Pluviophobia. Ito ang pagkakaroon ng takot at pagkabagabag ng magulong isipan tuwing papatak ang ulan.
Sa sandalang suungin mo ang ulan ay susuungin mo rin ang pagkalimot at kamatayan. Ngunit sinasabi ko sa'yo, walang humahadlang sa kahit anong desisyon mo. Kung nanaisin mong sumaya ngunit may kapalit, ituloy mo lang. Pero kung hindi ka handang harapan ang kapalit ng kasiyahan mo, doon na ako mababahala," saad ni Manang Tanya at humalik ito sa ulo ko.
"Mag-iingat ka palagi anak, mahal na mahal kita," sagot ni Manang Tanya at bigla na lamang itong nawala sa paningin ko.
Hindi ko alam ngunit nabahala ako sa mga huling katagang binitiwan ni Manang Tanya bago siya maglaho.
"Mag-iingat ka palagi anak, mahal na mahal kita"
May kung anong nagpatayo ng balahibo ko matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Para bang binalot ako ng malamig na kumot dahil iniwan niya ako nang nawiwindang.
Bigla na lamang itong nawala sa tabi ko nang may naiiwan pang mga tanong sa isip ko. Bata pa lang ay magaan na ang loob ko kay Manang Tanya. Siya na ang tinuring kong nanay at lagi kong hinihiling na sana nga ay siya na lang ang totoong magulang ko. At ngayon, kung bibigyan lang ako ng pagkakataon, gusto ko po siyang makasama nang matagal at masagot lahat ng nangyayari sa akin.
BINABASA MO ANG
Love, Megan
Teen FictionA cruel destiny is a mysterious concept no one could ever understand. Buong akala ni Megan ay wala na siya sa mundo. Siya mismo ang tumapos sa sarili niyang buhay sa araw mismo ng kaniyang graduation kasabay ng kaniyang 18th birthday. Ngunit pagsapi...